Chapter 15: Secret Affair

1.6K 4 0
                                    

“Akala ko ba dapat hinde tayo magpapakita sa school na medyo close tayo?” Tanong ko kay Lucas. Hinde naman kasi kami close na close, kaya medyo lang sinabi ko.

Uulitin ko lang, isang buwan na kaming... may special na relasyon. Undecided pa kung ano kami eh, basta ang alam ko lang nagdedate kaming dalawa. Hinde nga lang ata exclusive. Hinde ko rin naman siya pinilit na maging steady kami kasi, wala namang love samin, hinde maganda yung ganun.

Speaking of love, may condition din kaming dalawa. Since hinde naman kami ‘kami’, ok lang na mainlove kami sa ibang tao. Hinde namin kailangan magstick sa isa’t isa. Pati pag nangyari yun, dapat hinde magbago yung turingan namin, as friends. Cool parin dapat kami sa isa’t isa. Pati as much as possible, hinde raw kami pwedeng ma-in love sa isa’t isa, dahil alam niyang meron akong ibang gusto, at siguro meron din siyang special someone. Kaya niya sinuggest yun. Talo ang ma-in love kasi hinde maibabalik yung feelings nung taong yun.

Sabi rin niya, kung dumating yung time na gusto kong bumalik kay Peter, ok lang daw sa kanya, basta daw sabihin ko sa kanya ng maayos. Hinde niya rin daw ako pipigilan kung magkagusto raw ako sa ibang tao, ayaw niya raw maging hadlang sa ikakaligaya ko. Pumayag naman ako sa gusto niya dahil mas madaling gawin yun. Yung walang attachment, date kung date, friends kung friends, kayo kung kayo.

“Wala namang tao eh. Hinde naman kita niyayakap o hinahalikan, kaya ok lang.” sabi ni Lucas ng nakangiti, “1 pa yung work mo diba? May oras pa tayo.”

“Pero kailangan kong umalis ng 12:30, ok lang ba?” tumango si Lucas, “Dun tayo?”

Tinuro ko yung gazebo sa may kanan ko.

Naiwan akong mag-isa sa may gazebo dahil bumili ng makakain si Lucas. Tiningnan ko yung cellphone ko kung may message ako.

From: Peter Lo

Yumi… musta na? Gawa mo..? I miss you..

Matagal kong tinitigan yung message ni Peter. Nagdadalawang isip kung rereplyan ko ba siya o hinde. Masama akong tao, alam ko yun. Kahit na alam kong kami parin, nag hanap na kaagad ako ng iba, nag hanap ako ng pamalit sa kanya. Yun nga lang, para sa akin, tapos na kami. Nagtetext at tumatawag parin siya sa akin. Madalas kasama ko pa si Lucas pag tumatawag siya.

To: Peter Lo

Ok lang, ikaw? Eto.. nag-aaral.

“Yumi ko~” Nagmadali akong i-send yung message. “Di pa ko bumibili ng inumin, hinde ko kasi alam yung gusto mo eh.”

Ngumiti ako sa kanya at tumayo, “Sige ako na lang ang bibili.”

Tiningnan ko yung phone ko tapos at binasa yung message ni Peter,

From: Peter Lo

Ok lang ako.. namimiss na talaga kita.. gusto kitang makita..

Hinde ko na nireplyan si Peter. Gustong makita? Niloloko niya ba ako? Ang tagal niyang pwedeng umuwi dito, pero hinde niya ginawa! Pinili niya yung isa, yun ang naging desisyon niya. Kaya wag niyang sabihin na namimiss niya ako.

Nung nakarating ako sa cafeteria, bumil ako ng dalawang inumin at nagmadali ng bumalik sa gazebo.

Hinde pa nagsimulang kumain si Lucas, inintay niya pa ata akong dumating. Inabot ko sa kanya yung Coke. Tinitigan niya muna ito bago niya ‘to kunin. Umupo ako sa tabi niya at nagsimula na kaming kumain.

Nung napatingin ako sa kanya nakita ko yung mukha niya na may mayonnaise. Hinde niya siguro napansin na may dumi na siya sa mukha dahil parang ang sarap parin ng kain niya.

Lie About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon