Nakakatamad bumangon, nakakatamad dumilat. Hinde ko nga alam kung anong oras na ako nakatulog, kung paano ako nakauwi o kung kauwi ba talaga ako. Gusto ko pang matulog~~ Pero gusto ko rin umuwi ng Las Pinas~~~ Ayaw kong gumising~!!
Nauuhaw ako~!! Ayokong bumangon!!
“Mariel~ Pengeng tubig~” Hinde siya umimik. “Marie~l”
Sabi ko habang hinahampas yung kamay niya na nakalagay sa may ibabaw ng tiyan ko. Ilang beses ko na siyang hinampas pero hinde parin siya umiimik. Nung biglang humigpit yung pagkayakap niya sa akin ay hinampas ko ulit siya.
“Mmmm~” Lang yung sinabi niya tapos ay naramdaman ko yung pagkahawak niya sa kamay ko.
Mariel~~ natitibo ka nab a sakin~~? Bakit mo ko yakap yakap? Bakit hawak mo pa yung kamay ko~~?
“Tubig~ Nauuhaw ako~~” Muli ko ulit sinabi.
Naramdaman ko bigla yung paghinga niya sa may leeg ko. Nananaginip pa ata ako. Pakiramdam ko lalaki yung katabi kong ngayon. Pero bakit parang gising ako? Napakatotoo ng mga nararamdaman ko ngayon~~ May humahalik na sa leeg ko~~ Peter..?
Naramdaman ko yung pag halik niya sa akin sa may leeg paakyat sa may mukha ko. Biglang nakalagay na yung kamay niya sa may mukha ko tapos ay iniharap sa may right side. Naramdaman ko yung paghalik niya sa akin sa may labi.
Napadilat ako bigla at bigla kong kinurot yung kamay niya na nakahawak sa may mukha ko.
Unti-unting minulat ni Lucas ang kanyang mga mata.
“Bakit nandito ka!?” Tanong ko sa kanya. Napatingin ako sa ilalim ng kumot para tingnan kung nakadamit pa ko. “Walang nangyari..”
Bumangon si Lucas
“Wag kang magalala, napagkamalan lang kitang ibang tao kaya ko nagawa yun.” Sinubukan kong bumangon pero biglang sumakit yung ulo ko. “Wag ka na munang bumangon. Ang dami mong nainom kagabi.”
Tumingin tingin ako sa paligid ko. Hinde ko pinapakinggan yung mga sinasabi sa akin ni Lucas. Hinde ko alam kung nakaninong bahay ako. Hinde ko halos maalala yung nangyari sa akin, ang alam ko lang.. malabo na kami ni Peter.
“Nasan ako?” tanong ko kay Lucas bago ko siya tingnan, “bakit nandito ka?”
“Makinig ka kasi pag nagsasalita yung tayo!!!” sabi niya sa akin ng malakas.
“Eh bakit ka sumisigaw!!” sabi ko ng malakas “Bakit ka ba kasi nandito!?”
“Masama bang matulog ako sa sarili kong kwarto!? Sa sarili KONG bahay?” sarcastic niyang patanong na sagot.
Nakatingin lang ako sa kanya habang napapaisip. Halos dalawang minuto rin kaming nagtititigan.
“Bakit ako nandito?” Habang hinde pa siya sumasagot, tinanong ko na naman siya, “Pano ako nakarating dito?”
“Sinabi mo sakin na gusto mong matulog dito tapos tabi tayo. Nung uuwi na kayo niyakap mo ko ng mahigpit tapos sabi mo sakin, ‘please~ kahit ngayon lang~~ tabi tayong matulog~’ tapos hinde mo na ako binitawan nun. Kaya nandito ka.”
Tinitigan ko siya saglit tapos tinakpan ko yung mukha ko gamit yung mga kamay ko. Napaisip ako bigla. Mukhang hinde siya nagsisinungaling. Tuwing nalalasing ako, kakaiba talaga yung mga pinagsasasabi ko. Malamang nagawa ko nga sa kanya yun!! Nakakahiya! Bakit sa lahat ng tao, siya pa!
“Joke lang.” Bigla niyang sinabi. Binato ko siya ng unan. “Pero totoo yung part na hinde mo ako binitawan kagabi! Yun nga lang, iba yung sinasabi mo.”
Pinalagpas ko na lang yung joke niya. Since mas bata siya sa akin, kelangan mas maging mature ako sa pagiisip.
“Bakit mo ako dinala dito sa condo mo? Bakit hinde mo na lang ako hinatid sa amin o kaya iwanan mo na lang ako dun sa wall?” Although thankful ako sa kanya dahil hinde niya ko iniwan sa Wall na nag-iisa.