Chapter 5: Let Bygones be Bygones

1.7K 4 0
                                    

Tumigil na sa ka-ri-ring nung cellphone ko. Pero bigla namang may nag send sakin ng message. Binasa ko yung message na nanggaling kay Peter.

From: Peter Lo

Yumi sagutin mo ung phone mo. Tatawag ako uli.

-Peter

Biglang nag ring na naman yung cellphone ko, si Peter na naman. Pinindot ko yung answer button para masagot yung tawag niya.

“Hello?” mahina kong sinabi. Dahil hinde parin ako makapaniwala sa sinabi ni Mariel tungkol kay Peter. Hinde ko tuloy alam kung paano ko siya kakauapin.

“Yumi…” sabi niya gamit ang napaka maamong tono ng boses niya. “nasa bahay ka na ba?”

“Oo.” Sabi ko. Ang dami kong gustong sabihin pero hinde ko alam kung saan ako magsisimula… “Ikaw?”

“Pauwi na rin ako.” sabi niya sa akin

“Ah ganun ba… ingat ka.”

“Mm.” Ang tagal bago may nagsalita ulit saming dalawa. Hinde ko alam kung gusto na niyang mag-bye o may iniisip lang siya kaya siya natahimik.

“Pwede ba kitang…” iniintay kong ituloy niya yung karugtong ng sasabihin niya pero hinde parin siya nag sasalita.

“Ano yun?” hinde ko mapigilan yung sarili kong hinde itanong kung ano yung gusto niya.

“Puntahan dyan… ngayon… ikaw… pwede ba?” nagkabalibaligtad na yung gusto niyang sabihin sakin. Pero hinde ko parin alam yung isasagot ko. Gusto ko siyang makita pero baka isipin niya na gusto ko siya… kahit na totoo. Gusto ko lang tingnan kung may hawig talaga sila ni Miguel… kung makikita ko sa kanya si Miguel. Ayokong makita sa kanya si Miguel dahil alam kong hinde tama yun. Pero… kahit ngayon lang, gusto kong maging makasarili. “Yumi?”

“Umm… ok lang ba sayo kung… dumaan ka muna dito?”

“Five minutes!” sinabi niya ng malakas. Parang nabigla siya sa mga narinig niya sa akin kaya biglang lumakas ung boses niya. “Intayin mo ko!”

Binaba na namin yung phone. Nagpalit ako ng damit para hinde nakakahiya yung itsura ko. Anong sasabihin ko sa kanya pagdating niya dito? Pano pag tinanong niya na lang ako kung bakit ako pumayag na pumunta siya dito? Teka, ang sabi ko lang naman sa kanya dumaan siya dito eh. Pero ganun rin yun eh!!! Pano pag nahuli ako ng mga kapatid ko!? Lagot si Peter nun! Ano ba ‘tong pinasok ko!!! Hinde pa naman huli ang lahat para pauwiin ko na lang siya.

To: Peter Lo

Wag ka na palang dumaan. Night.

Sinend ko na sa kanya yung text message ko. Siguro naman natanggap na niya yun. On the way pa lang naman siya eh. Wala pang five minutes.

Biglang nag vibrate yung phone ko. Sinilent ko na yung cellphone ko para hinde makaistorbo sa mga natutulog.

From: Peter Lo

Labas ka na.

Nagulat ako sa nabasa ko. Hinde ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Naging blanko bigla yung isip ko. Anong sasabihin ko? Lalabas ba ko? Anong gagawin ko? Namin?

Hinayaan ko na lang gumalaw yung katawan ko since hinde gumagana yung utak ko ngayon. Binuksan ko ng dahan-dahan yung gate at nakita ko yung kotse ni Peter Lo sa may tapat nung kapitbahay namin. Nakita ko siyang nakatayo sa may tabi ng kotse niya. Nung nakita niya akong nakatingin sa kanya ay kumaway siya at lumapit sa akin.

Habang naglalakad siya ng mabagal papalapit sa akin, hinde ko mapigilang pagmasdan siya. Tama nga si Mariel… may hawig nga silang dalawa. Bakit hinde ko napansin yun dati pa? In denial ba ko? Hinde ko mapigilan yung sarili ko sa pag ngiti.

Lie About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon