Chapter 18: Changes

1.6K 7 0
                                    

“So hinde mo boyfriend si Mark?” Umiling ako sa tanong ni Jam. “Eh yung Peter, wala na talaga kayo nun?”

Hinde ko alam kung bakit nagagawa paring itanong sa akin ni Jam yung issue tungkol kay Mark. I mean, ilang araw na yung lumipas eh, tapos biglang nahalungkat na naman. Siya ata talaga yung tipong hinde papalagpasin yung issue hanggang hinde klaro sa kanya. And isa pa yung kay Peter, hinde ko na nga siya nababanggit eh, bakit naisip niya pa yung taong yun?

Napatingin ako sa kanya, “Hinde ko alam. Ayoko na lang muna siyang isipin. Masaya ako ngayon, yun ang mahalaga.”

“Sabagay~ bakit ka naman masaya?” Nag-iintay siya ng kakaibang sagot ko. See, siya talaga yung tipong hinde palalagpasin bawat sagot mo. Pero hinde ko naman pupwedeng sabihin na dahil kay Lucas!

“Basta may nagpapasaya lang sa akin.” Ngumiti ako sa kanya pero mukhang hinde siya kuntento sa sinagot ko.

“Kilala ko ba yung nagpapasaya sayo?! Wag mong sabihing si Daryl yan!” Napa ‘ha’ ako sa sinabi niya, “Siya lang kasi yung hinde mo masyadong kinakausap sa grupo nila Greg eh. So siya yung unang pumasok sa isip ko.”

“Wirdo mo talaga.” Tapos napailing ako.

“Wag mong sabihing si Greg!!! Makikipag kumpitensya talaga ako sayo! I don’t care if you’re older than I am!!” Tinulak ako ng mahina ni Jam

Natawa ako sa sinabi niya, “Hinde siya! Ano ba! Wag ka na kasing manghula. Malalaman mo rin naman yun sa takdang panahon eh.” If ever may ipapaalam sa kanya ng ‘takdang panahon’.

“Kelan ba yang takdang panahon na yan??” Ngumiti lang ako. “Alam mo, napansin ko lang ah, napaka introvert mo. I mean, ako pati si Mariel lang yung madalas mong makasama. Well, nakakasama mo yung Soulfool pero hinde mo sila kinakausap dati unless mauna silang magsalita. Tapos pag nasa school naman tayo, wala ka rin masyadong kaibigan.”

“Ewan ko.. Siguro maaga kasi akong nagmature kaya wala ako masyadong pakiaalam sa mga nasapaligid ko. Lagi ko kasing naiisip ung pamilya ko eh, sila muna bago ako. Masaya na ako sa kung anong meron ako. Kaya masaya na ko sa inyo ni Mariel.” And Lucas, pero hinde ko pwedeng sabihin yun.

“So isa rin pala ako sa mga napili?” Ngumiti siya na parang na-touch siya sa sinabi ko. “Kung magka-age lang tayo, siguro sobrang close tayo ni Mariel..”

“Hinde pa ba tayo close? Hinde na ‘Miss’ Yumi tawag mo sakin. Hinde rin ‘Ate’ Yumi,” Tumingin ako sa kanya, “kahit nga yung pag tawag mo ng Ate kay Mariel, natigil mo na eh. Diba ibig sabihin nun, close na tayo?”

“Pero sa totoo lang.. recently, nagbago na yung pakikisama mo kela Greg. Parang medyo naging mellow na yung personality mo.” Ngumti siya sa akin.

Maagang dinismiss yung class namin ni Jam kasi pinag quiz lang kami nung prof. namin. Mabilis kaming natapos kaya ang dami naming oras para makapag kwentuhan. Napansin ko naman na tingin ng tingin si Jam sa relo niya, siguro hinihintay niya si Greg. Teka.. kung hinihintay niya si Greg at pupunta siya rito.. ibig sabihin…

“Yumi ko~~” Napaupo ako ng maayos. Narinig ko kasing may tumawag ng pangalan ko sa may likuran ko. Si Bryle na naman yan. Imposibleng si Lucas yan, hinde niya ko tatawagin ng malakas in public. Hinde ako titingin!

“Anong problema niya..” Nagkatinginan kami ni Jam, “..may nakain kaya yang kakaiba?”

“Yumi ko~!” Medyo malakas na yung boses na tumatawag sa akin. Hinde ko parin siya pinapansin. Ayokong mabigo.

“Si Lucas ba talaga yan?” Napakamot si Jam, “Kelan pa kayo naging close?”

Napalingon ako bigla nung narinig kong Lucas. Ngumiti sa akin si Lucas tapos kumaway. Nung nasa tapat ko na siya, kumaway ulit siya sa akin.

“Good morning!” Sabi niya sa akin ng nakangiti. Gulat parin ako sa inasta niya. “Oh, bakit parang nagulat ka ata?”

Hinde parin nagbabago yung ekspresyon ng mukha ko simula nung nalaman kong si Lucas yung tumatawag sa akin. Bumaligtad na ba yung mundo? May nagawa ba akong mali? Nalason ba siya? Nababaliw na nanaginip lang ba ako?

Kinurot ng mahina ni Lucas yung pisngi ko. “Ok ka lang ba?” tanong niya sa akin

Ako pa ngayon yung may diperensya? I-rewind niya kaya yung mga nangyari. Pagmasdan niya ng mabuti kung normal yung kilos niya!

“Anong nangyari sayo..?” Tanong ko sa kanya. Seryoso, kinikilabutan ako sa pag-iba ng kilos niya.

“Anong mali sa kilos ko? Ganito naman talaga ako ah.” Ngumiti siya tapos umupo sa tabi ko.

“Kaninang umaga pa yan ganyan. Hinde ko nga alam kung bakit eh. Naging.. hyper siya bigla.” Sabi ni Paul sa amin.

“Dahil good mood ako ngayon, papalagpasin ko yang sinabi mo.” Sabi naman ni Lucas kay Paul. Bigla siyang humawak sa tiyan niya, “Nagugutom ako. Kanina pa sumasakit yung tiyan ko sa gutom..”

Nagpanggap akong kunwaring walang naririnig. Pero hinila ako ni Lucas papunta ng cafeteria. Bumitaw na lang siya nung napansin niyang madaming tumitingin sa amin.

“Akala ko ba gusto mong itago yung ‘closeness’ natin sa mga tao? Bakit bigla kang naging ganyan?”
 
Nag shrug lang siya, “Hinde ko rin alam eh. Bigla na lang akong kumikilos ng hinde nag-iisip..”

“May nangyari ba?” Tumingin lang siya sa akin tapos umiling. “Ok..”

Imposibleng walang nangyari sa kanya. Hinde siya kikilos ng ganun kung walang nangyari. Alam ko, kasi simula nung pinili ni Peter si Mia, naging weird din yung mga kilos ko. Mga bagay na hinde ko aakalaing magagawa ko, nagawa ko.

Nung nakabili na si Lucas ng pagkain niya ay bumalik na kami kung nasaan yung mga kaibigan namin. Habang naglalakad kaming dalawa ay kinakain niya yung binili niyang burger.

“Sila ba? I didn’t knooow!”

“I don’t think sooo! Kelan lang I saw him with another girl. So I don’t think na sila.”

Napatingin ako sa may kaliwa ko. Nakita ko yung dalawang babaeng nag-uusap. Kami ba yung pinag uusapan nila? Bakit ganun sila magsalita? Pinapahaba nila yung last word.

Biglang nag ngumiti yung isang babae, “If ever sila nga ni Lucas, edi lahat na ng babae ditto sa campus pwedeng maging girlfriend niya! The face, my Good!” Tapos nagtawanan silang dalawa.

Napatingin ako kay Lucas, wala siyang reaction. Hinde niya siguro narinig yung mga pinagsasabi nung dalawang babae. Masyado siyang busy sa burger niya.

Hinampas ko siya sa braso niya dahil sa inis ko dun sa dalawang babae. Napalakas ata kasi bigla siyang napatingin sa akin.

“Anong ginawa ko sayo!?” Sabi niya habang may laman yung bibig niya.

“Malas ka kasi eh!” Sabi ko sa kanya sabay lakad ng mabilis.

Alam kong wala siyang ginawa, pero siya kasi may kasalanan kung bakit nakarinig ako ng mga dapat hinde ko naririnig! Ang labo! Pero naiinis parin ako!! Ano?! Kung ako yung girlfriend ni Lucas, edi lahat ng babae sa school pwede na nyang maging girlfriend?!

THE FACE?! Ganun ba kapangit mukha ko!? Kung talagang panget ako, bakit laging nakadikit sakin mga kapatid ko!? Malamang.. kapatid eh. Pero mahilig sa magaganda yun eh! Dapat tinataboy nila ako kung hinde ako maganda!!!

Tiningnan ko si Lucas sa may likuran ko.

“Ano bang ginawa ko?” Tanong niya sa akin habang hawak-hawak niya yung burger ng dalawang kamay.

“Bakit ka ba kasi pinanganak na gwapo eh..” Sabi ko ng mahina at naglakad namuli pabalik kela Jam.

Narinig ko yung pagtawag niya sa akin pero hinde ko parin siya pinapansin. Hinde ko naman kasalanan kung sumuko siya sa isang EXOTIC eh! Hinde ba sila marunong tumingin sa kalooban ng isang tao?! Ayaw ba nila sa mabait at matalino?? Teka.. bakit ba ko umaamin na exotic ako!!

Umupo kaagad ako sa tabi ni Paul pagkadating na pagkadating ko.

“Bakit bigla kang naging bad mood?” Tanong sakin ni Paul. “May ginawa ba sa iyo si Ian?” [again, Ah Yan yung pag pronounce.]

“Asan na si Ian?” Napatingin ako kay Greg, pero mas nag focus ako sa kamay niya sa balikat ni Jam.

“Ewan ko. Baka may nakasalubong na babae tapos nakipag landian.” Sagot ko habang nakatingin parin sa may kamay niya. “Kayo na ba?”

Biglang nagkatinginan yung dalawa tapos tinanggal ni Greg yung kamay niya sa may balikat ni Jam.

Pinalitan bigla ni Jam yung topic. “Bumalik na ba sa normal si Lucas? Kasi kanina, parang napaka close niya sayo eh.”

“Anong close?! Sinong close?!” Naalala ko bigla yung pagmumukha nung dalawang babae nung bigla silang tumawa. “Kung close kaming dalawa, edi close na ako sa buong tao!”

Tumalikod ako sa kanila tapos nagbuklat ng libro at nagbasa. Nakarinig na lang ako ng bulungan habang nag babasa ako. Nice one guys. Rinig na rinig ko pinaguusapan niyo.

“Alam niyo nagdududa na ko sa kanilang dalawa. Kelan lang hinde sila magkagusto, tapos ngayon parang sobrang close nila.” Narinig kong sabi ni Paul

“Hinde nga kami close.” Sabi ko naman habang nakatingin parin sa libro. Hinde nila ako pinansin kaya patuloy parin sila sa pagbubulungan, kuno.

“Oo nga eh. Wala naman sinasabi sakin si Ian.” Sabi naman ni Greg.

“Naririnig ko kayo” Sabi ko ulit sa kanila. Tumahimik sila saglit pero biglang nag salita si Jam.

“Wag niyo akong tingnan! Lalong walang sinasabi sakin si Yumi!” Sabi naman ni Jam.

“Pati napansin niyo, parang bumabait si Yumi samin? Si Bryle tuwang tuwa nga kasi maalaga na si Yumi sa kanya eh. Diba Greg?”

“Oo. Dati nga, hinde yan ngumingiti eh. Pati nakakatakot kausapin. Pero last Friday, ibang iba siya. Nakangiti siya bawat tingin ko sa kanya tapos medyo madaldal.” Huminto saglit si Greg sa pagsasalita. “Dahil kaya dun sa boyfriend niya? Sino Yun? Si Mark?”

“Hinde niya boyfriend yun! Co-teacher niya yun dun sa academy!” Sabi ni Jam kay Greg.

Sinara ko yung librong binabasa ko tapos tumayo. Tama na. Ayoko na makarinig pa ng bulungan! Ako na naman ang nasa hot seat ngayon.

“Hinde ako nagbago! Hinde kami close ni Lucas! Lalong lalo nang hinde ko boyfriend si Mark!!” Sabi ko sa kanila. Nakatingin lang sila sa akin, siguro nagulat sila sa biglaang pag react ko.

“Naririnig niya pala..” Sabay nilang tatlo sinabi.

“Ang lakas kaya ng mga boses niyo!” kinuha ko na yung bag ko pati yung mga libro ko. “Uuwi na ko. 5 na kasi yung trabaho ko sa academy. Bye!”

Nagmadali akong maglakad para hinde ko na maabutan si Lucas. Yung bwiset na yun! Hinde man lang ako sinundan pabalik!! Kung nasan man siya, wala na akong pakialam! Bahala siya!

Nakarating ako ng bahay ng safe, sa lamat sa Sarao motors. Bago ako umakyat sa bahay ay bumili na muna ako ng makakain. Ilang oras ko ring aaliwin yung sarili ko sa bahay bago ako pumasok. Dvd? Internet? Libro? Sana nasa bahay na lang si Mariel para naman may kasama ako.

Pagpasok ko sa building, hinde ako makapaniwala kung sino yung nakikita kong lalaking naka tayo sa may tabi ng elevator. Nakayuko siya at tingin ng tingin sa cellphone niya.

Nung lumapit na ako sa may elevator pinindot ko na lang yung button ng hinde siya pinapansin. Nung nakita na niya ako, napansin kong ngumiti siya. Alam ko kasi tinitingnan ko siya sa may gilid ng mata ko. Nung bumukas yung elevator, pumasok ako, sumunod naman siya.

Pinindot ko yung fifth floor na button.

“Bakit ka umalis ng hinde ako hinihintay?” Tanong niya sa akin habang kinukuha yung bitbit kong plastic bag.

Inagaw ko yung plastic bag sa kamay niya at sakto bumukas yung pinto. “Kasalanan ko ba kung matagal ka?”

Nagmadali akong lumabas ng elevator at papunta sa unit, sumunod naman siya. Binuksan ko yung pintuan tapos iniwan kong bukas yung pinto para hayaan na siya yung magsara. Masyado akong nagiging mabait sa kanya. Dapat sa mga oras na to nagpapakipot ako sa kanya eh. Isasarado ko yung pintuan at hinde siya papapasukin. Usually ganun yung mga napapanood kong palabas eh. Bakit ba hinde ko sinunod yun? Loser ba talaga ako kasi wala akong kasama sa bahay at ayaw kong mag-isa?

“May humarang kasi sakin eh. Nakakahiya naman kung bigla kong talikuran diba?” Umupo siya sa may sofa tapos tumingin sa akin.

“Babae na naman?” Ngumiti kaagad siya sa tanong ko.

“Weeeell~~ hinde ko na kasalanan yun. Kusa silang lumapalit sa akin.” Nakahawak na siya sa may baba niya habang nakangiti sa akin. “Malaking isda nabingwit mo eh.”

Tumango na lang ako pero makikita sa mukha ko na baliwala lang yung sagot ko. Nilabas ko sa plastic bag yung binili kong pagkain. Naglabas rin ako ng kaldero para maluto ko na yung noodles na binili ko.

“Yun lang yung reaksyon mo?!” Tumingin ako sa kanya. Naka patong yung mukha niya sa may tuktok ng sandalan ng sofa. Tapos naka simangot siya. “Kung si Tin siguro yung nakakita nun malamang nag selos na yun.”

‘Tin’? Tama ba yung narinig ko? Pangalan ng babae? Nakarinig ba talaga ako ng pangalan ng babae?

“Edi dun ka sa ‘Tin’ magpakita ng kalandian mo!” Hinde na ko nagdalawang isip na sabihin sa kanya yun.

“Nag se—” bago niya pa ituloy yung sasabihin niya ay pinangunahan ko na siya.

“Hinde. Ako. Nag. Seselos.” Pumunta ako sa may ref para kumuha ng itlog. Nung kumukulo na yung tubig ay nilagay ko na yung noodles at yung powder.

Hinde ako makapaniwala na nakarinig ako ng pangalan ng babae galing sa bibig niya. Pagkatapos nung mga nangyari nung Sabado sa bahay namin, bigla na lang siya babanggit ng pangalan ng ibang babae?! Kung alam ko lang edi sana hinde ko na lang sinabi yung lintek na ‘I’m yours’ na yan!! Masyado akong natatangay ng hangin ni Lucas. Hinde ko na kinakaya!

“Penge ako. Nagugutom rin ako eh.” Sabi ni Lucas sa may likuran ko.

“Wala ka bang klase ngayon?”

“5 pa next class ko. Yung 3 to 4:30 prof ko may meeting na aattendan kaya wala kaming class.” Tumango na lang ako.

Kumain kami pareho ng noodles na niluto ko, well, instant noodles. Tao rin pala talaga siya, kumakain rin ng instant noodles. Akala ko kasi prinsipe siya masyado kaya dapat literal pinag hihirapan yung mga kakainin niya.

Biglang nagvibrate yung cellphone ko ng matagal. Sabay naming tiningnan ni Lucas kung sino yung tumatawag. Kinuha ko kaagad yung cellphone at sinagot yung tawag.

“Kuya Jin.” Sabi ko ng medyo malakas. Nung narinig ni Lucas na si Kuya Jin yung nasa kabilang linya ay tinuloy na niya yung pagkain niya.

“Yumi~~” malambing niyang sinabi yung pangalan ko, medyo malakas rin kaya napatingin si Lucas sakin nung narinig niya to. “Bukas natin cecelebrate birthday ni Papa kaya umuwi ka ng maaga ok?”

“Bukas? Eh diba sa Monday pa birthday ni Papa? 8 pa tapos ng work ko..” Explain ko kay Kuya.

“Basta pumunta ka ok? Sabay na kayo ni Mariel. Kasama mo ba si Lucas?” Nung umoo ako ang tagal niya bago sumagot ulit. Kaya nagulat ako nung biglasiyang nagsalita. “Isama mo rin si bayaw!”

“Bayaw? Sinong bayaw?”

“SI LUCAS SI BAYAW~~” Malakas niyang sinabi. Bago pa ko makapagsalita ay binaba na niya yung phone.

Nung napatingin ako kay Lucas ay nakangiti na siya habang kumakain. Narinig niya. Sigurado akong narinig niya.

“Birthday ni Papa? Ano kayang ibibigay ko sa kanya~~?” Papa? Kelan niya pa naging tatay ang tatay ko? “Si Kuya Jin talaga oh~ bayaw na kagad tawag sakin~”

Halatang nag eenjoy siya sa mga nangyari dahil ibang klase yung ngiti niya! Bumubungisngis pa siya. A weird family and a weird bo—friend. “Masaya ka na niyan?”

Tumango siya, “Out of all the girls I've known, I picked the right one this time.”

Hinde ko naintindihan yung sinabi niya, at yung ibig niyang sabihin kaya nag panggap na lang akong naiintindihan ko at umiling. Nung natapos na kaming kumain ay sa may living room kami tumambay at nanood ng TV. Palipat lipat siya ng channel, gusto ko na sana siyang sigawan pero bigla siyang tumigil sa isang palabas na may lumalabas na babae sa TV.

“Gusto ko yang palabas na yan! The Ring.”  Nung pagkasabi ko ng The Ring ay bigla niyang nahulog yung remote at umurong sa tabi ko habang yakap yung unan. “Takot ka ba?”

“Hinde ah. Bakit ako matatakot?” Sabi niya habang nakayakap parin ng mahigpit sa unan. “Inaantok lang ako.”

Hinde daw siya takot pero tuwing lumalabas yung babae palagi siyang nakatingin sa akin. Akala ko nung una, wala lang gusto niya lang akong tingnan. Pero napansin ko na sa tuwing lumalabas si Sadako nakatingin siya sa akin. Naka hinga siguro siya ng malalim nung natapos na yung palabas.

4:30 na kami umalis ng bahay. Hinatid niya ako sa academy, syempre bago niya ako papasukin ay pinaalala niya muna sakin na sa condo niya ako uuwi. Kinuha niya pa yung mga gamit ko para lang makasigurado na sa kanya ang uwi ko.

Mabilis naman yung naging takbo ng oras ko sa academy. Syempre yung mga bata nanibago rin sa akin pero naging ok naman yung klase. Nagmadali akong lumabas ng academy dahil baka hinihintay ako ni Lucas at hinde pa siya nakakapag dinner. Pwedeng mangarap, diba?

“Yumi!” Napalingon ako sa may gilid ko at nakita si Mark. “Pauwi ka na ba? Hatid na kita.”

Hinde na ako nagdalawang isip pa at sumakay kaagad sa kotse niya. Bawas gastos rin to. Mapapataxi na naman kasi ako ng hinde oras. Hinde naman syempre pwedeng maiwasan ang chikahan. PEro isang tanong isang sagot lang kami. Syempre, nagulat siya nung nalaman niyang sa Zerendra ako papunta. Hinde ko naman pwedeng sabihin na kay Lucas yun, lagot na noh. Labag sa kontrata yung ginagawa ko.

Nung nakarating na kami sa tapat ay nagmadali na akong bumaba ng sasakyan. May manners pa naman ako, kaya hinde ko nakalimutang mag pasalamat. Yun nga lang, may gusto pa ata siyang sabihin pero sabi ko nagmamadali ako kaya hinde na niya nasabi.

“Bakit kasama mo siya?!” Napatingin ako sa may likuran ko. “Parang ang saya mo pa nung bumaba ka sa kotse niya eh.”

Ngumiti ako nung nakita ko si Lucas. “Kumain ka na ba? Sorry. Tara na magluluto na ko. Ano bang gusto mong kainin?”

“Bakit mo iniiwasan yung tanong!!” Medyo malakas niyang sinabi. “Akala ko ba wala lang yung lalaking yun?! Akala ko ba kakakilala mo lang sa kanya?! Eh bakit nakita kitang bumaba sa sasakyan ng ungas na yun!?”

Hinde ako makapag salita dahil sa sunod-sunod na mga sinabi niya. Ayokong mag assume… pero walang masama kung mag tatanong ako diba?

“Nag…” Nagaalinlangan paring magtanong, pero gusto ko lang malaman yung sagot. “..seselos ka ba?”

“Eh ano naman ngayon!? Masama ba?!” Hinde ako makapagsalita sa sinabi niya. Gumagawa kaming dalawa ng eksena pero parang wala lang pareho samin. “Oo na nagseselos na ko! I’m fcuking jealous! So what!? I’m so sorry, I can’t help being jealous!”

Pagtapos niyang sabihin yun ay naglakad siya papasok sa loob ng building.

Naiwan akong nakatanga sa may labas. Hinde parin makapaniwala sa mga narinig ko. Hinde naman ako nananaginip diba? I mean, gising ako! Alive na alive. Hinde rin ako nabingi..



Nagseselos siya.


Lie About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon