Pagkatapos kong ma-realize yung totoong nararamdaman, bigla na lang akong kinabahan. Hindi ko kasi alam kung paano ako aarte sa tapat ni Lucas. As much as possible, ayoko maging awkward sa kanya. Pano naman ba kasi hindi magiging awkward e narealize ko na una, nagseselos ako kay cherry. Pangalawa, in love ako sa kanya. Oo, mahal ko si Lucas. I love Lucas. For now, I don’t care kung ganun din yung nararamdaman niya, hindi na rin muna ako aasa. Basta I love him, that’s it.
“Yumi, pupunta ka tonight diba?” Tumango ako. “Sabay sabay na tayo pumunta ni Mariel sa Wall, ok?”
“Ok. Punta ka na lang sa condo later.” Sabi ko sa kanya bago ako tumayo. “Sige mauna na ko.”
Nagpaalam na ako kay Jam at hinanap si Lucas.
Nilabas ko yung cell phone at nagtext sa kanya.
To: G-Boy
Where are you? Can I see you before I go to work?
From: G-Boy
Can’t. I’m with Cherry. Practice.
Nung nabasa ko yung pangalan nung Cherry ay bigla nanaman akong na-irita. I have to calm down. Practice nga diba? Walang dapat ika-selos, practice yun eh. Pagtapos na pagtapos ng gig nila, kaming dalawa ang magkasama hanggang bukas. Kaya dapat, relax lang. Akin siya mamayang gabi.
To: G-Boy
Ganon? Okay, I’ll just see you tonight! Goodluck! Mwah! <3
Yumi G… may mwah at heart ka pang nalalaman. Nakain ka na ata talaga ni Lucas.
Pagkadating ko sa academy ay kinausap kaagad ako ni Mark. Tinanong niya ako kung may gagawin daw ba ako tonight, syempre sinabi ko meron. Naputol na yung usapan namin dun dahil time na para mag klase.
Nung natapos na yung dalawa kong klase, naabutan ko naman si Mark na nagte-take ng break sa faculty room.
“Saan ka mamaya?” Tanong niya sa akin.
Umupo ako at inayos yung mga gamit ko, “Ah, may gig kasi yung friend ko eh.” Tumayo na ako at nagpaalam sa kanya. “Sige una na ko!”
Nagmadali akong makauwi para makapaghanda na. Ayokong ma-late sa gig nila Lucas at kelangan ko ng oras para sa paghahanda. Hindi ko na naman alam ang susuotin ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat i-asta sa tapat ni Lucas. Sasabihin ko na ba? Dapat ko bang ipakita? Bibigyan ko ba siya ng hint? Hindi ko na alam!
Pagdating ko sa condo ay nagluto na muna ako ng dinner bago maligo. Sakto rin yung dating ni Mariel at Jam dahil kakatapos lang maluto nung pagkain.
“Big night ngayon noh? Excited ka ba, Yumi?” Tanong sa akin ni Mariel. Si Jam naman medyo naguluhan ata sa tanong ni Mariel.
“Ok ka lang? Finals na kaya next week! Dapat ba akong ma-excite dun?” Pinangunahan ko na si Jam. Baka kasi magtanong pa siya ng kung anu-ano samin.
“Oo nga eh. Sablay yung gig nila!” Sumang-ayon naman si Jam sa sinabi ko.
Nauna na akong maligo at iniwang naghuhugas ng plato si Mariel at Jam. Pagpasok ko sa kwarto ko ay nakita kong naka ready na si Jam at yung damit na susuotin ko.
“Yan daw suotin mo sabi ni Mariel.” Tiningnan ko yung damit na ni-ready niya. Gray tank top, vest at skinny jeans na lahat galing sa cabinet ko. “Yumi style daw.”
Nagdamit na ako at nagpatuyo ng buhok. Nung tapos na kaming lahat mag-ayos ay nagpunta na kami sa The Wall. Nagdala na lang kami ng kotse para hinde na kami mag-abang ng taxi. Pagdating namin sa Wall ay madami ng nakatayong tao sa may labas. Mabuti na lang at nakahanap ng parking si Mariel at kung hindi lagot na kami.
May nakareserve ulit na table para sa amin. Last performer sila Lucas ngayon kaya wala pa sila sa may Wall. Magaaling rin yung unang band, pero syempre, Soulfool pa rin.
Nung nagsimula ng tumugtog sila Lucas ay hindi ko maalis yung mga mata ko sa katitingin sa kanya. Parang na-glue kaagad yung mga mata ko sa kanya. Parang siya na lang yung nakikita ko sa paligid ko.
“Easy lang. Baka naman matunaw.” Bulong sakin ni Mariel.
“Ewan ko ba!! Parang… ewan. Hindi ko ma-explain.” Hindi ko alam kung pano ko sasabihin na nahila na ko sa mundo ni Lucas.
Next thing I know, last song na nila yung kinakanta.
Tumugtog na yung keyboard. Lahat ng tao sa loob ng Wall ay naghiyawan na. Alam na siguro nila yung susunod na kakantahin ng Soulfool.
“Alam niyo namana siguro ito noh?” Sabi ni Bryle. Ngumiti siya bigla tapos napatingin sa table namin, “Para sa mga na-late ng dating… BAKIT NGA BA KASI NGAYON KA LANG?!”
Napatingin ako kay Mariel, “Ikaw ata tinutukoy ni Bryle!!”
“TANGA!” Hinampas niya ako. “Sino ba kasi yung na-late?”
“Malay ko!! Sino ba?” Tanong ko kay Mariel.
Biglang umakyat si Cherry sa stage at tumabi kay Bryle. Hindi ko na lang pinansin yung presence niya dahil kay Lucas na naman ako nakafocus.
Pero pagdating ng chorus ay bigla siyang tumabi kay Lucas at hinawakan yung mukha niya. Naghiyawan yung mga babae dahil sa ginawa niya.
“Bakit ngayon ka lang… dumating sa buhay ko.. pilit binubuksan ang sarado ko ng puso.. ikaw ba, ay nararapat sa akin.. at siya ba’y dapat ko ng limutin.. nais kong malaman… bakit ngayon ka lang.. dumating.”
Kumulo na naman yung dugo ko sa nakita ko. Dati naman wala lang sakin yung may kasama siyang ibang mga babae eh. Pero ngayon parang inis na inis talaga ako. Tipong, hindi ko mapigilan yung sarili kong mainis.
Biglang may kumalabit sa akin. Nung lumingon ako, nakita ko si Mark. Napatingin ako kay Mariel, pero umiling lang siya.
“Upo ka.” Hinila ko yung may upuan sa tabi ko at umupo siya dun.
“Buti na lang naabutan kita dito.” Sabi niya sa akin, “Akala ko late na eh.”
“Patapos pa lang sila..” Sabi ko naman sa kanya. Kinuha ko yung menu at binuklat ito, “May gusto ka ba?”
Umiling lang siya.
Narinig ko na naman yung hiyawan ng mga babae. Nung tumingin ako sa may banda, nakita ko si Cherry at Lucas magkaholding hands. Umiwas na ako ng tingin dahil pipitik na ko.
Nung napatingin ako kay Mariel, nasa mukha niyang naaawa siya sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya para hindi na siya mag-alala pa.
Pagtapos nilang magayos ay pumunta na sila sa table namin. Pinakilala ko ulit sila kay Mark isa-isa.
“Sige, mauna na kami ni Cherry. Ihahatid ko pa siya sa kanila eh.” Sabi naman ni Lucas.
“Ngayon na?!” Tanong ko naman sa kanya. Tiningnan niya lang ako. “Ingat..”
Nung umalis na sila Lucas ay nagtinginan silang lahat sa akin. Ngumiti lang ako sa kanila at ininom yung beer sa tapat ko. Mga isang oras rin kami nag stay sa Wall.
“Tara na, uwi na tayo Yumi.” Sabi bigla ni Mariel sa akin.
“Ngayon na?” Tumango si Mariel. “May pupuntahan pa ko eh..”
“Hatid ko na kayo.” Sabi naman ni Mark. “On the way rin naman kayo eh.”
“Ha? Mapapalayo ka pa pag pati ako ihahatid mo eh. Si Mariel na lang hatid mo,” Sabi k okay Mark, “ok lang ba?”
Tumango siya.
“Saan ka ba pupunta? Ihahatid ka na lang namin.” Sabi naman ni Jam.
“Ok lang ba?” Tumango naman si Greggy.
Nung nasa kotse na kami ay biglang nagbago ng plano sila Greg. Nagkayayaan sila sa condo ni Lucas para mag-inuman ulit. Hindi naman ako makatanggi pa kasi dun rin naman ang punta ko. Hindi na kami hinarang pa nung guard dahil kilala naman kami. Hiningi lang ni Greggy yung susi sa may babae at ibinigay ito sa kanya.
Habang nasa loob ng unit at naghihintay kay Lucas ay hindi ako mapakali.
“Tawagan mo na si Lucas.” Sabi ni Paul kay Bryle.
Kuniha naman ni Bryle yung cellphone niya at dinial yung number ni Lucas.
“Ang tagal mo namang sagutin!!!” Sabi ni Bryle kay Lucas, “Dito kami sa condo mo. Asan ka na ba?! Punta ka na dito!!”
Biglang binigay sa akin ni Bryle yung phone niya.
“Wrong timing ka talaga!! Good thing she’s still taking a bath. We’ll just do it then we’ll go there after, ok?” Hindi ako nagsalita. “Sige na, she’s almost done.”
Tiningnan ko yung cellphone kung si Lucas nga ba talaga yung kausap ko.
Hindi pa rin ako makapaniwala.
Sobrang wala lang ba talaga sa kanya yung sa amin?
Binalik ko na kay Bryle yung cellphone niya, “Anong sabi niya?”
Pinilit kong ngumiti, “May gagawin lang daw sila tapos pupunta na daw sila dito.”
“Gagawin..? Ano daw?” Ikinibit ko lang ang aking balikat habang pilit na nakangiti. “Don’t tell me…”
“Hehe.. Sige, mauna na ko. May pupuntahan pa ako diba?” Kumaway na ako sa kanya at lumabas ng unit.
Mali lang siguro yung narinig ko. Mali lang yun diba? Close na kaming dalawa eh. Imposibleng gawin niya pa yun… hindi ba?