Chapter 19: Revelations v2

1.6K 6 0
                                    

Magdadalawang oras na niya akong hinde pinapansin. Seryoso, nakakainis na. Wala namang masama kung sumabay ako kay Mark diba? Wala namang meaning yung pagsabay ko. Nag-offer lang siya ng ride, tinanggap ko. Anong masama dun?! Kasalanan ko ba kung gusto ayaw kong mag-intay ng matagal ng taxi at gusto kong makauwi kaagad kasi nag-aalala ako sa kanya? Sana sinabi niya na lang na ‘take your time’ para hinde na lang ako nagmadali. Pero ganun parin yun eh, sasabay parin ako kay Mark. Menos gastos yun.

Ang nakakainis pa, habang kumakain kami, ang tahimik! Alam kong dapat hinde kayo mag-usap tuwing kumakain pero awkward kaya yung katahimikan. Sinubukan ko na ngang mag-open ng conversation aba, parang bumulong lang ako ng pagkalakas-lakas sa hangin!

Pagkatapos naming kumain, hinde niya rin ako tinulungan maghugas ng mga pinagkainan namin! Ano ako dito, katulong!? Unang-una sa lahat, nilabag ko na yung kontrata ng academy! Tagustagusan na yung kasalanan ko sa kanila, tapos ganito pa nangyayari! Katulong na nga ako tapos hinde pa ko pinapansin!

Lumabas ako ng kwarto para kausapin ulit siya. Hawak niya yung gitara niya at tumutugtog habang naghuhum. Umupo ako sa tabi niya at pinakinggan lang siyang tumugtog. Ngayon ko lang kasi siyang narinig tumugtog ng malapitan.

“Kanta ka.” Sabi ko sa kanya, pero walang imik. “Anong kanta yan?”

Well, alam ko naman na Screaming Infidelities yung tinutugtog niya, gusto ko lang siyang magsalita. Kasi paghinde pa siya magsasalita, pipitik na ko! Dito niya ko papatulugin tapos hinde naman niya ko kakausapin edi baliwala lang rin yung stay ko! Tsss.

As expected. Hinde nga siya nagsalita.

“Hinde mo talaga ako kakausapin? Edi di wag! Bahala ka!  Dedma parin siya. Tumayo ako at nagpunta sa kwartong tutulugan ko. Binuksan yung pintuan nung kwarto at biglang nagring yung cellphone ko, “Wrong timing naman talaga nito tumawag oh.”

Nagkatinginan kami ni Lucas. Tumalikod ako para sagutin yung tawag.

“Bakit?” sinarado ko yung pintuan ng kwarto. “May nangyari na naman ba?”

“Sinagot mo rin yung tawag ko..” Parang gumaan yung pakiramdam niya nung sinagot ko yung tawag niya. “Hinde ka na tumatawag sa akin.. hinde ka na rin nagtetext.. Hinde ko na nga alam ang gagawin ko eh.”

Biglang bumigat yung puso ko. Bakit ngayon siya umeeffort kung kelan ok na ko.. kung kelan masaya na ko sa buhay ko? Nung panahon na gustung-gusto ko siyang makita, bigla na lang niya akong tinalikuran. Tapos ngayon, papahirapan niya ulit ako?

“Masisise mo ba ako?” Hinde siya sumagot. “Hinde ko nga alam kung bakit magkausap pa tayo ngayon eh.”

“Yumi ginagawa ko naman ang lahat eh. Nagkataon lang talaga—” Biglang may bumukas na pintuan.

“Peter?” Boses ng babae. Malamang si Mia yun. “Sinong kausap mo?”

“Ha? Ah…” Iniwasan niya yung tanong ni Mia.

“Nakakahiya ba talagang ipaalam sa kanya na kausap mo ‘ko? Ano mo ba ako, ha?” Well, girlfriend pa rin niya naman ako, I think. No formal break-up yet so may karapatan pa rin akong sabihing girlfriend niya ako.

“Hinde! Teka la—”

“Ang tagal ko ng nag-intay. Tama na.” Binabaan ko na siya.

Gusto ko talaga siyang intayin. Gusto kong maniwala sa kanya.. pero hinde ko na kaya. Willing ako, pero may humihila sakin. Pati, kahit na sabihin nating kami parin, hinde na ko masaya.

Tumunog ulit yung cellphone ko, pero this time, message lang.

From: Peter Lo

Anong ‘tama na’? Tatawag ulit ako. Sagutin mo.

Lie About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon