Chapter 24: The long wait.

1.8K 6 0
                                    

“Yumi, matanong ko lang,” napatingin ako kay Mariel. “Break na ba kayo ni Lucas?”

“Hindi kami.” Simpleng sagot ko sa kanya.

“Makikita ko ba siya mamayang gabi? Dalawang linggo na yung lumipas simula nung huling kita ko sa kanya eh.”

“Kung ininvite mo naman siya, edi malamang pupunta yun. Birthday party mo yan. Hindi ako pwedeng mangialam.” Sabi ko kay Mariel. Well, hndi naman talaga ako pwedeng mangialam, pero pagkasama niya si Cherry maaapektuhan pa rin ako.

“Ok lang talaga ah??? I-invite ko yung Soulfool!” Excited niyang sinabi sa akin.

“Ikaw nga bahala. Ay. Hindi daw makakapunta sila kuya kasi may work si Kuya Jin kinabukasan, si Kuya Yuki naman magbabantay ng bahay kasi wala si Papa.” Sabi ko sa kanya. “Sige, may pasok pa ko eh. Bye!”

Lumabas na ko at nagmadaling bumaba ng building. Nung nakita ko na yung kotse ni Mark ay sumakay na ko dun. Ewan ko ba sa kanya. Napapadalas yung pag hatid at sundo niya sa akin. Parang nasanay na rin ako.

“Birthday ni Mariel ngayon, magcecelebrate siya sa Fiamma. Punta ka.” Sabi ko kay Mark.

“Ok lang ba? Hindi kami close eh.” Nag-aalinlangan niyang sinabi.

“Ininvite nga kita diba? Ok lang yun! Nandun naman ako eh. Edi bisita kita, wala na siyang magagawa dun.” Ngumiti lang siya habang umiiling. “Basta pumunta ka, ok? Hindi ko rin naman kilala yung iba niyang friends dun eh. Kaya pareho tayong ma-O.P.”

“Sabay tayong pumunta? Sunduin kita?” Tanong niya sa akin.

“Pwede rin. Sige.” Sagot ko naman.

Pagdating namin sa academy ay dumiretso na kami sa kanya kanya naming klase. Nagbago na kasi kami pareho ng schedule ngayong sem break, so 3-8 pm kami pareho. Buti na lang talaga at hindi naiinis samin si Mrs. Bautista kapapalit ng sched. Naiintindihan naman siguro niya dahil committed kami ni Mark sa university.

Naging mabilis yung takbo ng oras ko dahil masaya at madaling turuan yung nakuha kong class. Tag-70 minutes bawat class, bali may apat na klase ako at may tag 5 minutes na break time ako bawat klase. Mukhang matagal sa una, pero pagtumagal tama lang yung oras.

Biglang nag vibrate yung phone ko. Hindi ko na muna chineck yung message, makakapagintay siya.

Naging mabilis bigla yung oras ko dahil nagpa-game ako sa mga class ko kaya naging Masaya yung class. Once in a while kelangan ng kontiong break sa pag-aaral. Kaya siguro ako pinipili ng mga bata kasi isip bata rin ako kahit papaano. Pfft.

“Tara na?” Tanong sa akin ni Mark. “Dinner na rin kaya tayo?”

“Sige.” Bigla akong napaisip. Gastos na naman yun. “Kung samin na lang kaya tayo mag dinner? Ano bang gusto mong kainin?”

“Parang gusto ko ng pasta eh.”Sabi niya sa akin habang nakatingin sa taas.

“Okay! Pasta it is!” Sabi ko naman. “Grocery muna tayo, ok lang?”

“Ok!” Sabi ni Mark habang tumatango.

Sumakay na kami sa kotse niya at dumiretso na sa condo namin. Bago pa umandar yung kotse ay may nakita akong pamilyar na kotse. Siya kaya yun? Imposible. Hindi lang naman siya yung taong may ganung klaseng kotse eh. Pati bakit niya pa ako pupuntahan sa academy? Eh siya na nga yung unang nagtaboy sakin.

“Teka, paano yung susuotin mo mamaya?” Tanong ko kay Mark.

“May damit ako dyan sa likod.” Ready!? Ganito ba talaga siya? “May party rin akong dapat na pupuntahan eh. Pero dahil ininvite mo ko, sa party na pupuntahan mo ako pupunta.”

Lie About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon