Chapter 10: Meeting
“Mahigit tatlong buwan na tayong hinde nagkikita~ ano na bang bago sayo?” tanong ko kay Peter sa kabilang linya ng telepono.
“Bagong gupit ako! Hehe! Ikaw? Kamusta S University?” may narinig akong nagsara na pintuan, “Yumi~ tawagan kita ulit~” bigla niyang binaba yung telepono.
Kakaiba na si Peter. Parang hinde ko na siya kilala. Recently, tuwing nakakarinig ako ng pagsara ng pinto, bigla na lang humihina yung boses niya. Pag gabi naman ganun parin! Naiintindihan ko kung sa umaga maging ganun siya, pero sa gabi?! Bakit hanggang gabi ba siya nagtatrabaho dun!? Umuwi na lang siya dito kung kayod kabayo ginagawa niya sa Cebu! Panatag rin naman yung loob ko kasi kasama niya si Mia sa Cebu. Hinde siya mahihirapan mag adjust, may makakausap siya ng tagalong at siyempre, may magbabantay sa kanya.
Pero si Mariel kinokontra lahat ng sinasabi ko. Lahat ng positive sa paningin ko, negative sa kanya. Simula nung nalaman niya yun, gusto na niya akong makipag date habang nakatalikod si Peter. Wala naman daw mali kung date-date lang, kasi siya pa rin daw yung original. Hinde ako pumapayag sa mga gusto niya. Ano na lang ang sasabihin sakin ng mga kaibigan ni Peter pag nalaman nila? Ayokong lumabas na masamang tao. At gusto nya pa na mag hanap ako ng lalaki sa S University! Ok lang siya?! Hinde ako papatol sa mas bata sa akin! Makulong pa ko ng di oras!
Sa iisang condo kami nakatira ni Mariel. Graduation gift sa kanya ng parents niya yung condong yun. Masaya naman kasi kasama ko si Mariel. Umuuwi rin ako tuing weekend sa bahay kaya walang problema kela Papa. Nagsimula na ulit akong mag aral sa S University, Business Administration yung kinukuha kong course. Sa Graduate school talaga yung plano ko pero wala pang 2 years yung experience k sa trabaho kaya ayan, magsisimula ako from scratch.
“Miss—Yum—Ate Yumi?” napatingin ako kay Jam, “Ate Yumi ba dapat itawag ko sayo kasi mas matanda ka sakin ng apat na taon o Miss Yumi kasi naging teacher kita?”
Napangiti ako sa tanong niya, “Ano ba! Wala na tayo sa academy. Hinde naman tayo magkapatid eh, kaya Yumi na lang.”
“Ok, Yumi it is.” Ngumiti siya, “Close na rin naman tayo kahit papaano diba? I mean, naging teacher kita sa academy, tapos classmate kita ngayon sa ibang subjects. Nakasama ko na rin kayong lumabas ni Ate Mariel…”
“Jam, ano ba yung gusto mong sabihin?”
“Kanina ka pa kasi nakatingin dun sa lalaking yun eh.” Napatingin ako sa taong tinuturo niya.
I have no idea kung ano yung pinagsasasabi niya. Hinde ko nga napansin yung taong yun kung hinde niya pa tinuro eh. Ano bang special sa lalaking yun? Pati may boyfriend ako, hinde ko kailangan ng iba.
“Kelan pa ko nakatingin sa kanya?” tanong ko.
“Kanina pa kaya! Yumi~ highschool pa lang kami gusto ko na siya~” napatingin ako sa kanya. Nasa mukha niya na hinde pa niya nasasabi dun sa lalaking tinuturo niya na gusto niya siya.
“Ano bang pinagsasasabi mo?” Ngumiti ako sa kanya, “yung lalaking may hawak ng gitara yung tinitingnan ko.”
Napatingin siya dun sa lalaking tinuro ko. Pinagmasdan ko rin ng maigi yung lalaking tinuro ko. Mabuti na lang at gwapo siya, kung hinde baka isipin niya na kakaiba yung taste ko sa lalaki. Matangkad, hinde ko masabi kung payat siya o normal yung katawan niya at mukhang seryoso sa buhay. Hinde ko madescribe ng maayos kasi medyo malayo siya. Kaya hinde rin ako sgurado kung gwapo ba talaga siya o hinde.
“Si Lucas?” napatingin ako kay Jam, “Schoolmate ko rin siya sa Southville High eh.”
“Lucas?” tanong ko sa kanya, “nagacademy rin ba siya?”