“Ang tagal naman nung iba!” Sabi ni Jam habang nakasimangot. Tumingin siya kay Daryl, “Asan na ba raw sila?”
Ikinibit ni Daryl yung balikat niya, “Sabi ni Lucas malapit na raw sila e.”
Pag nakikita ko si Daryl, gustung-gusto kong itanong sa kanya kung bakit siya nagsinungaling sa akin. Wala naman akong maisip na kasalanang ginawa ko sa kanya! Pati kung may hinanakit siya sa akin o kung may ginawa man akong masama sa kanya, edi sabihin niya sa akin. Hindi yung pinagkakatiwalaan ko siya tapos yun pala paninira yung ginagawa niya sa akin.
Nagkatinginan kami bigla ni Daryl. Ngumiti lang ako sa kanya.
Hindi naman sa galit ako, ang weird lang kasi kung bakit kelangan niya pang gawin yun. Ano yun, may gusto siya sa akin? Ha-ha, joke ba yun?
“Daryl, ok lang ba kung samahan mo ko? May pinapabili kasi sa akin si Greg, e kakatext lang.” Sabi ni Jam kay Daryl.
“Sige, tara.” Tumayo si Daryl at lumabas na ng bahay ni Jam.
“Alis na muna kami, ok? Paki hintay na lang siya, parating narin yung mga yun.” Tumango kami ni Mariel at saka siya lumabas.
Tumunog bigla yung cellphone ko
From: G-Boy
I’ll be late.. I want to see you badly!!! =(
Napangiti ako bigla at nagmadaling mag reply. Napapadalas na rin yung pagtext naming dalawa simula nung ‘bakit ngayon ka lang day’.
To: G-Boy
I’m here na that’s why you should hurry up! I miss you..
“Too cheesy..”
To: G-Boy
I want to see you na
“Baka sabihin niya na hayok akong makita siya..”
“Ano ba talagang gusto mong sabihin?” Napatingin ako kay Mariel na nakatingin din sa cellphone ko.
“Bakit ba kasi nakikibasa ka?” Nilayo ko ng konti sa kanya yung phone ko.
“Sabihin mo na lang na bilisan niya dahil nandito ka na.” Napatingin ako sa kanya. “Wala rin masama kung gusto mong sabihin na gusto mo na rin siya makita.”
“Natatakot ako e..” Sabi ko habang nakatingin sa cellphone.
“Siya nga hindi natakot sa sinabi niya kaya bakit ka matatakot?” Nagkatinginan lang kaming dalawa.
To: G-Boy
I want to see you too.. That’s why you should hurry up! =)
Send.
Parang kelan lang sabi sa akin ni Mariel na wag daw akong ma-in love kay Lucas, pero ngayon siya na yung nag sasabing sabihin ko yung tunay kong nararamdaman. Jusko, e hind ko nga alam yung tunay kong nararamdaman e. Hindi ko alam kung gusto ko siya o phase lang to dahil siya yung madalas kong nakakasama bukod kay Mariel at Jam.
Fifteen minutes na ang lumipas at wala parin sila. Kahit si Jam at Daryl, hindi pa bumabalik.
“Ang tagal naman nung mga yun! May balak ba talaga silang mag practice?” Pagkatapos na pagkatapos ni Mariel magsalita ay may biglang nag doorbell.
Lumabas yung katulong ni Jam at tiningnan kung sino yung tao sa labas. Pagbalik niya sa loob ay kasama na niya si Lucas… at isang babae.
“Asan na sila?” Unang sinabi ni Lucas sa amin.
Hindi niya ba ipapakilala sa amin yung kasama niya, I mean, usually diba ‘Hi’ ‘Hello’ tapos sabay ‘Si ano nga pala’ yung mga unang sinasabi? Wala naman sa akin kung hindi niya ipakilala yung tao pero kasi.. wala lang. Nakapagtataka lang.
“Lumabas si Daryl at Jam, may binili lang.” Sagot naman ni Mariel. “Sino siya?”
I love you Mariel~~ nabasa mo yung isip ko!
“AH! Oo nga pala,” Tumingin siya sa katabi niyang babae at nginitian siya. “Siya nga pala si Cherry. She’s going to jam with us this Friday.”
“Hi!” she said sweetly. Inabot niya yung kamay niya kay Mariel para makipag shake hands.
“Mariel,” hinawakan ni Mariel yung kamay niya at nakipag shake hands. “Nice meeting you.”
Humarap naman sakin si Cherry at ngumiti, “And you are?”
“Yumiko. My name is Yumiko,” sabi ko.
Inabot niya yung kamay niya sa akin, “Nice meeting you, Yumiko.”
Tiningnan ko muna yung kamay niya saglit tapos nakipag kamay. “Same here.”
Nung umupo kami sa may sofa ay biglang naging awkward ang lahat. Nasa magkabilang dulo kami ni Lucas. Nasa gitna ni Lucas at Mariel si Cherry, at ang masaklap pa dun, naka upo ako sa may solo na upuan sa may tabi ni Mariel.
Blockmate ni Cherry si Lucas kaya sila nagkakilala. Madalas daw na silang dalawa yung magkatabi sa klase kaya silang dalawa rin yung madalas magkausap sa classroom. Kaya ayun, alam nila yung interest ng isa’t isa.
Nung dumating na silang lahat medyo nawala na yung awkwardness. Medyo na-OP kami ni Mariel dun sa dalawa kaya mabuti na lang at dumating na yung iba.
Ipinakilala rin ni Lucas si Cherry sa iba.
Bakit ganon, parang may mali.. parang ang saya niyang ipinapakilala si Cherry sa kanila. Samantalang nung nakilla niya ako, parang hindi siya halos interesadong makilala ako!
“Relax ka lang, Yumi G.” Sabi sa akin ni Mariel. “Alam kong naiinis ka, hayaan mo na lang. Kunwari wala kang nakikita.”
Kumunot yung noo ko bigla, “Bakit naman ako maiinis? Ok ka lang?”
Ako naiinis? Bakit? Dahil nakangiti siya sa harap ng ibang babae? Bakit, ngumngiti rin naman siya sa tapat nila Mariel at Jam ah? Tuwing may gig sila, ngumingiti rin naman siya sa tapat ng marami ah? Ano pa ba sa akin kung may dumagdag pang isa?
“Bakit ba kasi parang hindi ako makahinga?! Mainit ba dito sa loob?” Tanong ko kay Mariel. Nilapitan ko si Jam at bumulong sa kanya, “Lalabas nga muna ako.”
Hindi ko na inintay yung sagot niya at lumabas na lang ng bahay.
Patuloy akong nagpapaypay gamit yung kaliwang kamay ko. Pero parang sumisikip parin yung dibdib ko.
Pagnaaalala ko yung ngiti ni Lucas kay Cherry, parang gusto ko siyang hilahin palabas bigla. Hnde ko naman nararamdaman yun dati, pero parang gustung-gusto ko talagang gawin ngayon yun.
First time ko atang naramdaman yung ganito, yung tipong parang iniipit yung puso ko tapos nairita na lang ako bigla. Hindi ko alam, parang mababaliw na ko dito sa nararamdaman ko. Ano ba kasi ‘to!?
“May sakit na ata ako sa puso, parang naninikip talaga e.” Sabi ko sa sarili ko.
“Gaga! Anong pinagsasasabi mo diyan?” Sabay batok sa akin ni Mariel. “Baka naman selos yan?”
Napaisip ako bigla.
“Ano ba feeling nun? Alam ko yung meaning at spelling,” Sabi ko sa kanya. Tiningnan niya ako na parang ang weirdo ko.
“Ano bang klaseng buhay ang kinalakihan mo at hindi mo alam yung pakiramdam nun,” Tanong sa akin ni Mariel.Tumango siya bigla habang tinatapik yung balikat ko, “Sabagay, hindi ka naman kasi yung tipong nagseselos. Ano ba kasi yang nararamdaman mo?”
“Weird e.. parang tinutusok tapos iniipit..” Sinimulan ko ng i-describe yung nararamdaman ko.
“Tapos naiinis ka pati naiirita pag nakikita mo silang nakangiti sa isa’t isa,” Sabi ni Mariel.
“Oo, ganon nga.” Sumangayon ako sa sinabi niya.
“Gusto mo silang paghiwalaying dalawa.” Sabi niya ulit.
“OO!!!” Sumangayon ulit ako sa sinabi niya.
“Yung tipong gusto mong suntukin yung mukha ni Lucas dahil sa kakangiti niya pagtapos ay hihilahin mo siya palabas?”
“NAKUHA MO!” Muli akong sumangayon sa mga pahayag niya.
Ang galing.. Nakuha niya lahat nung nararamdaman ko! Expert nga siya pagdating sa mga ganitong bagay. Pero may kulang pa..
“Medyo masakit diba?” Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya.
“Oo..” Bakit alam niya pati yung natitirang kulang? Ibang klase.. Wala na akong maabi pa kay Mariel. Siya na ang expert. “Ano ba kasi ‘tong nararamaman ko?”
“Selos nga yan,” Hinawakan ni Mariel yung dalawa kong kamay. “Congrats. For the first time, nagselos ka rin.”
Selos? Hindi pwede.. Sabi ko hindi ako pwedeng bumigay e.. matatalo ako. Pano na ‘to? Na-i-in love na ba ako sa kanya? Wag naman sana. Wag muna ngayon.