Chapter 4: Phases and Faces

1.7K 5 0
                                    

Limang araw ko nang hinde nakikita si Peter Lo. Siguro sumama yung loob niya sa akin nung gabing yun. Sino nga naman bang hinde maaasar sa sinagot ko? Hay~~

“…ganung klaseng tao rin ba yung ineexpect mong Peter Lo?”

“Oo. Yun nga yung ineexpect kong Peter Lo. Mayaman, matalino, magaling mag basketball, gentleman at mabait.” Ngumiti ako sa kanya pero seryoso parinsiyang nakatingin sa akin. “Yun ba gusto mong marinig sakin?”

Pagkatapos nun ay hinde na kami nag usap. Inihatid niya ako sa bahay. Ang tahimk nga nung time na yun eh. Ni ha ni ho wala! Akala ko nun mabibingi ako sa sobrang katahimikan. Ang awkward pa! Mabuti na lang at hinde traffic dahil kung hinde, malamang hinde ko na kinaya!

Oo, siguro nga dahil sa mga narinig ko sa paligid ko kaya ako nagkaroon ng interes sa kanya. Pero hinde dahil dun kaya ko siya nagustuhan... parang meron pang ibang dahilan, pero hinde ko alam kung ano. Ok lang naman sakin kung hinde siya mayaman, matalino, o magaling magbasketball. Wala sakin yun. Kung gusto ko siya, gusto ko talaga siya. Kung hinde lang niya sinira ung moment namin nun, siguro nasabi ko na sa kanya na, mabait siyang tao at wala akong pakialam kung hinde totoo ung tsismis.

Ganun ba tingin niya sa akin? Dahil lang hinde siya matalino, magaling mag basketball at mayaman, hinde ko na siya gusto? Ganun ba kababaw tingin niya sa akin?? Hinde ko rin alam kung bakit gusto ko pa rin siya kahit na medyo nakakainis siya. May sira na ata ako sa ulo!

Nilapitan ako bigla ni Anna. Napansin niya ata na medyo nagda-day dreaming na naman ako. “Yumi, nasabi na ba sayo ni Boss yung balita??” tanong niya sa akin

Balita? Tungkol saan na naman kaya yun? Increase ba ng sweldo? May bonus ba kami sa katapusan?

Umiling ako, “Hinde pa. Ano ba yung balita?”

“Eh naghire ata si boss ng isa pang tauhan eh,” napapalakpak siya habang nakangiti, “Lalaki siguro yun! Yumi kasi siya ng Yumi eh. Ang weird naman kung babae yun tapos Yumi sinasabi niya! Sabi rin ni Boss pareho kayo ng pasok. Ewan ko ha. Baka lang yun.” sabi niya sa akin.

“Ahh. Sino daw ba yun?” tanong ko naman sa kanya.

“Ewan. Puro Yumi yung naririnig kong pangalan.” Nagtaka siya bigla tapos napatingin sa akin, “Baka kapangalan mo? O baka…” napahinto siya saglit tapos hinawakan yung kamay ko, “hinde kaya si Yuki yun??”

“Imposible. Ikukwento niya kagad sakin yun pag natanggap siya dito, pero wala siyang nakukwento e. Pati hinde ko rin siya papayagan magpart-time kaya imposible.” Sabi ko naman kay Anna

“Ganun..? Bakit naman hinde?? Nanay ka ba niya?” napayuko siya habang nakatingin sa kamay niya, “Sayang..”

Wag niya ngang sabihin sa akin na na-love at first sight siya kay Yuki!! Matatawa ako pag ganun!! Hinde ko maimagine na si Yuki may girlfriend, at kasama ko pa sa trabaho! Pati hinde ko papayagan si Yuki mag trabaho dahil sa sakit niya! Strict ako sa kanya pag dating dun. Pagtapos namin mag kwentuhan ni Anna ay biglang dumating yung boss namin. May kasama siyang lalaking naka sumbrero at shades. Pero parang may kamukha siya~~ Hinde ko lang matandaan kung sino~

Nilapitan ulit ako bigla ni Anna at habang sinisiko ay bumulong siya ng nakangiti, “Yumiko Gala! Lalaki siya!”

Binati namin yung may ari nung shop at lumapit sila nung kasama niya sa may counter. Lumabas kaming tatlo sa may counter para harapin sila ng maayos.

“Yumiko, Ross pati Anna. Eto yung bago niyong makakasama sa trabaho.” hinila niya yung lalaki sa may gilid niya, “Pamangkin ko siya. Siya si Peter.”

Peter? Peter Lo?? Hahaha. Imposible! Pano naman magiging pamangkin nung may-ari ng shop si Peter?? Ano to, joke?? Tsss. Bakit ba naiisip ko pa yang Peter na yan! Mamalasin lang ako ngayong araw eh. Ano naman kung hinde niya hiningi ung number ko! Ano naman kung hinde siya nagpakita sakin! Ano naman kung after nung ‘date’ na yun hinde na siya nag paramdam! Mamamatay ba ko?!

Lie About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon