“Yumi ko~~ nagugutom na ko~!!!”
Unti-unti kong imunulat yung mga mata ko. Nakita ko si Lucas sa tabi ko. Tumingin ako sa ilalim ng kumot kung may damit pa ko. Walang nangyari.
Dahil medyo maganda yung ending namin kagabi kaya dito ako napauwi sa condo niya. Dun ako sa isang kwarto natulog, sabi niya sa akin yun daw ang magiging kwato ko if ever daw.
“Anong oras na ba?” Tanong ko kay Lucas.
“9:30 AM. Gutom na ko~” Sabi sa akin ni Lucas
Bumangon na ako at inayos yung kama para makapag handa na ng almusal. Naghilamos at nagsipilyo na muna ako bago ulit ako humarap sa kanya.
Pagbukas ko ng ref, may mga gulay na akong nakita. Nung tiningnan ko naman yung freezer, ang dami ng laman! Namalengke ba siya? Bakit parang ngayon ko lang nakitang puno yung ref niya!?
Kumuha na lang ako ng hotdog, bacon pati itlog. Dahil wala na akong oras para magluto ng kanin, kinuha ko na lang yung tinapay sa may cabinet. Napatingin ako sa may likuran ko at nakitang nanonood si Lucas.
“Yumi ko.. pumayag ka na diba? Na dito ka na titira.” Tanong sa akin ni Lucas habang nakatalikod ako sa kanya. Hinde ko sinagot yung tanong niya dahil alam niya naman yung sinagot ko sa kanya kagabi. “Bakit hinde kasumasagot?? Joke lang ba yung kagabi para manahimik ako??”
Tiningnan ko siya. Nakasimangot siyang nakatingin sa akin. “Hinde ako nagjojoke kagabi. Tumango ako diba? Napaka praning nito.”
Ngumiti siya bigla. Tinulungan niya akong buhatin yung mga plato ng pagkain at dinala ito sa lamesa. Umupo kami sa magkabilang side. Honestly, hinde ako sigurodo sa sinagot ko kagabi. I mean, nadala ako ng moment! Sino ba naman ang hinde makakahinde sa dun!! Siguro kung hinde ako tumingin sa mga mata niya nung oras na yun, hinde yung sinagot ko. Pero hinde ako makahinde! Na-hypnotize ako ni Lucas Elizalde.
“Pero dapat naka schedule tayo. Hinde kasi pwedeng araw-araw eh. Mamili ka ng isang araw na gusto mo.” Sawakas, nasabi ko na rin yung nasa loob ko. Yan talaga yung gusto kong mangyari. Ok lang sa akin kahit na isang araw, wag lang araw-araw.
Habang hawak-hawak niya yung tinidor na may hotdog ay biglang kumunot yung noo niya at biglang ibinaba ita sa plato niya. Nakasimangot na naman siya! napaka moody talaga nitong lalaking ‘to! Kanina abot tenga yung ngiti, ngayon nakasimangot na! bi-polar ata to eh! Ayaw niya ba ng hotdog!?
“Ayaw mo ba yung pagkain?” Tanong ko sa kanya pero hinde siya sumagot. “Sabihin mo kasi sa susunod kung ano yung gusto mong kainin. Hinde ko naman alam kung anong mga paborito mo eh. Kainin mo na lang muna yan sa ngayon.”
“Minsan hinde ko alam kung insensitive ka o talagang nagtatanga tangahan ka lang eh!” Ano na naman bang problema niya? Malay ko ba na ayaw niyang kumain ng hotdog! Kung ayaw niya pala yun, bakit siya bumili nun!!
“Sabi ko naman ‘sa ngayon’ lang diba?” Kalmado kong sinabi. “Sa susunod kasi sabihin mo sa akin kung anong gusto mong kainin, hinde yung sasabihin mo na ‘kahit ano’ pero pagnakahanda na bigla kang aayaw! Anong akala mo sa akin, manghuhula?!”
“Hinde naman yun eh! Anong akala mo sa akin, ganun kababaw?!” Sabi sa akin ni Lucas na medyo pasigaw. Para naman siyang bata! Bakit hinde niya na lang sabihin yng problema niya kung hinde pala siya ganun kababaw! Nagsimula na naman siyang magsalita, “Pati bakit ba ganyang ang suot mo! Kanino ka ba nagpapaganda kagabi?! Parang gig lang yung pupuntahan mo tapos nakapang gimmick ka pa!!!”
Ano bang problema nito!? Para kanino nga ba ‘tong suot ko? Common sense na lang kasi yun eh!! Sino ba yung pinanood kong tumugtog kagabi? Nakakainis talaga!