Chapter 34: We meet again

1.4K 43 8
                                    

See the picture of 1 yr old Baby Jared sa media. Hope you enjoy this chapter.

----------------------------------------------

Nadz POV

"Hello, Mrs Reid"

"Goodmorning, Mrs. Reid"

"Welcome back, Mrs. Reid"

"Mrs. Reid"

Mrs. Reid
Mrs. Reid
Mrs. Reid
Mrs. Reid

Nakakarindi na. Ang sakit na sa tenga.Yan ang kanina ko pa naririnig na bati saken ng mga empleyado dito. To think na hindi ito ang RVC. I'm actually in Ivan's company kase siya yung talagang manangement ko. Kaninang umaga ko lang nga lang nalaman eh. Siya pala ang pumalit kay Mr. Willton. Hindi ko rin naman alam na anak pala ni Mr. Willton si Ivan. Mr. Willton is the owner of the entertaiment na naghahandle saken.

Hindi ko nalang pinansin ang mga empleyado na bumabati saken. Pero ngumingiti nalang ako. Masabihan pa akong bastos kahit irita na ako sa Mrs. Reid nila. Hindi ko alam kung bakit Mrs. Reid ang tawag nila saken. Mapapatay ko si Ivan pag nagkita kame.

Kaninang umaga kase nagtext si Ate Fei. Sabi niya sa VEC daw ako pumunta which means Villasquez Entertaiment Company. Nagtaka pa ako nung una kaso hindi ko na tinanong si Ate Fei. Hindi parin kase kame nag uusap about James. Mamaya o bukas ko na itatanong sakanya kung alam ba niya na si James ang may pakana nito.

Akala ko nga sa RVC ako pupunta. Buti nalang hindi pala. Mas mabuti nayun dahil wala pa akong gana kausapin ang lalaking yon.

Ang masama pa 11 am na. Malapit na mag lunch. Ganda kase ng sched ni Ivan eh. Nakakahiya naman sakanya. Umaga daw pero mag la lunch na. Imba talaga yung lalaking yun.

Pagdating ko sa floor kung saan ako pinapunta nung staff sa baba when i ask kung saan ba ang opisina ni Ivan ay agad akong kumatok.

"Come in" sabi ng tao sa loob. Parang pamilyar yung boses niya. Si Ivan naba yun? Tagal ko narin kasing hindi nakakausap yung tukmol na yun eh.

Isiniwalang bahala ko nalang ang pagdududa ko at pumasok na.

Himala walang secretary dito. O baka wala lang ang secretary niya ngayon? Ay ewan.

Pagpasok ko inilibot ko ang paningin ko sa opisina ni Ivan. Well maganda naman. Black and white. Tipikal na lalaking business man tulad niya na kahit makulit seryoso parin. Mas makulit kase si Luke sa kanilang magbabarkada. Well kaya nga siguro clubs ang business nun eh.

Lumakad pa ako hanggang sa tumigil ako sa gitna. Tumingin ako sa chair na nasa harap ko ngunit hindi ko makita si Ivan.

Nakatalikod kase siya habang nakaupo sa swivel chair niya.

"Van?" alanganing tanong ko. Pero hindi parin siya humaharap.

"Hoy Ivan" lakas loob ko nang tawag sakanya. Dati kase siya ang pinakaclose ko sa lahat, well beside Luke. Si Sam medyo lang. Busy kase lagi yun eh. Tsaka si Jace medyo seryoso kaya ang kabiruan ko nun eh yung dalawang makulit which is Luke and Ivan. "Jack wag kang ano at humarap kanalang. Feeling sikat kananaman" pang iinis ko pa sakanya. Pero wala parin.

"Pag hindi mo ako hinarap aalis na ako dito" naiinis na sabi ko. "Kung pinagtritripan mo nanaman ako aalis na talaga ako" pagbabanta ko sakanya. "Isa Jack Ivan" pagbibilang ko sakanya pero walang epek parin.

Dealing with My Boss (RE-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon