Sorry if nalate. Enjoy this update. Mahaba than the usual. Pambawi sa late update. By the way may babalik na karakter sa susunod na update. Pinag iisipan ko if makakabuti ba ang pagbabalik ng karakter na ito o siya ang magiging sanhi ng pagkabuwag talaga ng relasyon ni James at Nadine.By the way, Ivan in the media. One of the longest chap talaga lol. Pambawi lang talaga sa late update.
___________________________
Joseph/JL POV
Changes. Akala ko magiiba ang tingin at pagmamahal saken ni Nadine pero hindi pala. May mga hindi pala nagbabago. Gaano man kadaling magbago mahirap parin pagdating sa pagibig.
Akala ko 3 years ago noong nakita kung muli si Nadine at makasama sa Canada ay magkakaroon na ako ng pag asa lalo pa ng malaman kung naghiwalay na sila ni James pero wala parin pala.
Hindi ako magsisinungaling na hiniling ko nung una na sana hiwalay na sila ni James nung muli kaming magkita dito sa Canada. Tadhana nga naman. Dito kase kami unang nagkita ni Nadine at akalain mo nga naman dito din kame nagkitang muli at dito niya pa binalak na magbagong buhay. Tama naman ako sa hinala ko na hiwalay na sila ngunit bigo parin ako dahil siya parin ang mahal ni Nadine.
Nung malaman ko ang lahat sakanya hindi ko mapigilan na magalit kay James. Paano niya nagawang saktan ang tulad ni Nadine. Pero may part parin saken na pareho lang naman silang mali pero dahil sa kagustuhan ko na makuha si Nadine dahil narin sa nasaktan na siya kay James ay hindi ko sinabi sakanya na bigyan ng pagkakataon si James. Na mag usap sila. I never pushed her. Naisip ko kase na mas makakabuti narin yun sakanila at that time. Oo at naging makasarili ako ngunit dahil ayaw ko lang masaktan muli si Nadine.
Pero bago siya umalis pabalik ng pilipinas nagtapat ako sakanya at humingi ulit ng pagkakataon na mahalin ko siya at huwag niyang isarado ang puso niya para saakin. Ginawa ko naman kase ang lahat this past few years pero si James parin ang laman ng puso niya.
Pero sa huling pagkakataon na sinabi niya saakin na she will try ay ang pagdurog din ng puso ko. Dun ko kase narealize na parang pinipilit ko na siya. Na naawa lang siya sakin. Kaya nagdesisyon akong kausapin ulit siya at pumunta sa pilipinas pero huli na pala ako. Nagkita na silang muli ni James.
Sa huli ay nabigo ako sa lahat ng kagustuhan ko. Maliban nalang siguro ang iwan si Nadine sa taong makakapagpasaya sakanya. Alam ko kase na sasaya lang siya kay James. Binulag ko lang ang sarili ko na darating ang panahon na mamahalin niya ako kahit na sa katunayan, una palang alam ko nang si James lang ang makakapagpasaya sakanya.
Sobrang sakit sa pakiramdam na makita ang taong mahal mo na kasamang muli ang taong alam mong makakapagpasaya sakanya. Ang masakit pa dun malaman na kasal pa sila ngayong buong akala ko wala na talaga sila.
Alam ko naman na una palang talo na ako ngunti sabi nga nila pag mahal mo hindi mo susukuan. Pero pagod narin kase ako. Mahal na mahal ko si Nadine ngunit marunong naman akong magpalaya. Kung saan siya masaya dun din naman ako. Una palang kase alam ko na ngunit umasa parin ako. Wala eh mahal ko.
Sana lang sa pag alis kung muli ay hindi na siya masaktan pa. Dahil sisiguraduhin ko na, sa pagnlimang beses na pagiyak ni Nadine dahil kay James ay kukunin ko na talaga siya. Bakit lima? Alam ko kase na iiyak at iiyak parin si Nadine kay James. Sana lang huwag lumagpas sa ibinigay ko. Dahil wala na akong pakialam sa susunod. Gagawin ko ang lahat mapasaya lang si Nadine kahit hindi ako ang kaligayahan nito.
-------------------------------------------------
Nadine POV
Ilang minuto pagkaalis nina James at Jared ay ang pagtawag ko naman kay Yassi. I was thinking on calling JL pero naala ko ang nangyari and decided to call Yassi muna para may kasama ako. I was also considering on calling my Brother pero naisip ko na baka busy yun.
BINABASA MO ANG
Dealing with My Boss (RE-EDITING)
RomanceReally love James and Nadine that's why i wanna use them to portray my character in this story. THIS STORY IS ON PROCESS!!!