Goyong,
Ito na marahil ang huli kong liham at nawa'y iyo itong mabasa. Puno ako ng pag-aalala na ito ay maaaring hindi makarating sa iyong mga kamay, ngunit ang aking mas inaalala ay ang mga susunod na magaganap.
Ang aking kaduwagan ay iyong ipagpatawad ngunit kinakailangan kong magpasya alang-alang sa kung ano ang mas nakabubuti para sa atin.
Sa kabilang mundo na lamang natin ituloy ang naudlot nating pangako at kung tunay nga na mayroong ganuon, duon na lamang na ako ay maghihintay sa iyo. Nanaisin mo pa kaya na ako'y hanapin? Hindi naman marahil kay hirap kung iyong nais lamang na subukin. Kapag bumilis ang tibok ng iyong puso at ika'y di mapakali kagaya nuong una tayong nagtagpo, malalaman mo na ako na ang siyang kasama mo. Kapag iyong inamin muli sa akin na nabighani at inibig mo ako agad sa una pa lamang na sulyap, kukunin ko itong hudyat na ikaw na nga ang nasa aking harapan. Kung mapagbibigyan lamang tayong muli, ibibigay ko sayo ang pag-ibig na aking naipon at mangangakong hindi na tayo magkakalayong muli, kung ito lamang ay iyong hangad parin sa ating dalawa.
Sana ang iyong pagdududa sa aking nararamdaman para sa iyo ay siyang alisin. Kung patuloy mo lamang na ako'y hindi paniniwalaan, sa susunod na buhay ay ipapaalam ko sa iyo kung ano ang tunay hanggang sa ika'y maniwala na ang lahat ng binitiwang mga salita ay hindi ka lamang pinaasa.
Sa kasalukuyan, atin na munang harapin ang masakit na tadhana at patuloy ko lamang na ipagdarasal na gabayan ka lamang lagi ng Panginoong Dios sa mga araw na tayo ay hindi na muling magkakasama.
Taos-pusong pasasalamat muli sa iyong pag-ibig na inalay.
Poleng
***
A/N: Fictional letter ni Poleng na hindi nakarating kay Goyong.
BINABASA MO ANG
Yo te Cielo
Historical Fiction{ sequel of ikaw na ang huli } Will Pat and Miho's encounter lead to the fulfillment of a promise that was broken in the 19th century?-or shall their past lives still dictate their destiny to remain as star-crossed lovers until the present time? ...