Capítulo 4

1.3K 57 51
                                    

Bahagyang inayos ni Pat ang pagkakasuot ng kanyang salamin bago tumingin sa bintana, paiwas sa titig ng babaeng nakaupo sa harapan niya. Georgina is somehow capable of making him feel guilty whenever she stares at him, samahan pa ng boses nitong malumanay.

"'Don't worry, 'di na kita s-sermonan dahil for sure, napagsabihan ka na ni Irish. Pero tandaan mo, 'di kami magsasawang paalalahanan ka," Hinawakan nito ang braso ni Pat at nagpatuloy magsalita ng mahinahon. "Baka mamaya 'pag laki ni Kiel, sasali na siya samin para sawayin ka."

Pat chuckled when his nephew's name was mentioned. Naimagine niya na baka nga mamaya kapag nagbinata si Kiel, ito pa ang magsasaway sa kanya at magsasalita rin ng tungkol sa karma.

"Ate, umm.." He remembered something and immediately used this to change the topic.  "May black flower dye ka ba?"

"Black? Wala eh," She stood up and went to the kitchen while Pat remained seated on the sofa. "I'll just order for you. Pero teka, kung mag-d-dye ka ng flowers, ba't di ka nalang umorder ng gawa na namin duon? Igagawa na lang kita. It will save you some time and effort."

"Okay lang, gusto ko lang subukan mag-dye ng rose," He insisted. Hinintay niyang tanungin siya ni Georgina kung bakit hindi ang bouquet of red roses uli na kagaya ng lagi niyang binibili ang kailangan niya ngayon, pero hindi na siya kinulit pa ng kapatid.

"Sige. Osiya, alis na 'ko Pat, idinaan ko lang talaga yung pagkain. Nag-promise ako kay Kiel na sabay kaming magd-dinner mamaya." Kinuha ng Ate niya ang handbag na iniwan nito sa sofa bago siya tumayo para ihatid ito papuntang pintuan. "Sabihan na lang kita 'pag nabili ko na. Oo nga pala, iniwan ko na yung leche flan at yung sisig sa ref, ha? Mga tatlong packs 'yun sisig."

"Thanks, Ate. Sama niyo si Kiel next time."

She promised to bring Kiel soon before saying Good-bye. Right after his Ate left, he thought of immediately calling Miho.

"Hello?" Her voice sounded alarmed. "Pat?"

"Are you available next Sunday at 7PM?" Pat noticed the tone of his own voice was business-like.

"Sunday? Anong meron sa Sunday?"

Nalimot ba niya? He wondered.

"Babayaran mo ko, 'di ba?"

"Ahh! Oo nga pala! Free ako! Next week pa 'yun sabi mo 'di ba?"

Bakit? Kung this Sunday, 'di ka free? Do you have a date? Sinong ka-date mo? May nanliligaw sa'yo? He wanted to ask but instead, he just said "Yes.". Masyado sigurong advanced na naisip niyang dapat pala, the day before na lang siya nagyaya; Great, he must have sounded like an excited teenage boy asking a girl for a date.

Sinabi niya na susunduin na lang niya si Miho sa apartment. She refused and insisted that they should just meet elsewhere so he could avoid the hassles of traffic; umayaw parin si Pat at sinabing kabisado na rin naman niya ang daan papunta sa apartment nito.

---

Nuong Sabado, niyaya si Miho ng kanyang kaibigan para mag-sleepover sa kanila. Pagdating sa bahay, may dala-dala siya na ilang microwaveable popcorn at isang litro ng iced tea.

"Hala, girl, diet ako! Sana nagdala ka nalang ng salad!" Alam niya na seryoso na si Paulo sa kanyang pagwo-workout at pagd-diet para ma-achieve na ang inaasam na katawan, pero nakalimutan niya iyon nang yayain siya para sa movie bonding. 

"Salad na naman? Di ka pa ba inuuod niyan? Mukha ka ng dahon, Pau. Dali na, minsan lang naman! Ngayon lang!" Ang sabi ni Miho habang winawasiwas ang biniling butter-flavored popcorn na paborito ng kaibigan. Nag-decide nalang si Paulo na mag-give in sa temptation, wala na eh, nasa harap na niya. Besides, who would enjoy eating plain leafy greens while watching movie?

Yo te CieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon