The following week Miho waited for Pat in the faculty room. Pasimple siyang nag-abang sa upuan niya. Nuong Monday at Tuesday wala ito. On a Wednesday afternoon, she was informed by Ms. Michelle that Pat was present, hindi naman niya napansin ang pagdaan nito.
May meeting raw ito sa head upang pag-usapan ang malamang na suspensyon nito. She told her that Pat was planning to resign. Nag-alala na naman siya sa narinig. Nang makita niya itong lumabas sa kwarto ni Mr. Vargas ay agad siyang nagtago sa cubicle.
Tiningnan niya ang mukha nito— hindi nakapag-ahit, mukhang pagod at nangayayat. Gusto niya itong habulin pero hindi niya nagawa. Naisip niyang hindi ang faculty room ang tamang lugar. Ayaw na niyang makadagdag pa sa mga chismis.
Naabutan siya ni Tanya na nakasilip at hinatak siya nito papunta sa may isang sulok ng kwarto. Nakiki-chismis na naman ito, gustong malaman kung ano ang nangyari. She didn't say anything, ayaw na niya kasi talagang magkwento. Wala tuloy itong ginawa kung hindi magpakumpirma na lamang ng mga narinig na balita dahil si Francis daw ay ayaw rin itong kwentuhan.
Sa sobrang kakulitan, nagsalita na rin siya. She just confirmed that Pat and her are not in good terms. Yuon lang.
"I knew it! He's really a heartbreaker! Binalaan na kita dyan, ha." Napailing ito. She didn't react to what Tanya said. Instead, she tried to get some news from her.
"May balita ba sa suspension niya?"
"Balita ko aabot till next week. Not really sure. But don't worry, na-warning-an na rin daw yung mga immature na mga 'yon. Matagal na rin siyang binbwisit ng mga chismosa't chismoso. He was always calm as if he didn't care at all. Kaya siguro kala ng mga 'yon, okay lang yung mga ginagawa nila. But anyway, karma lang siguro kay Pat ang mga nangyayari 'no?"
She shook her head. Ayaw niyang isipin na karma ang mga nangyayari kay Pat. Sadyang may mga tao sa paligid na walang ginawa kung hindi magkalat ng mga balitang wala naman kinalaman sa mga sarili nitong mga buhay. He was just one of their victims.
"Sus! 'Wag kang magpapaka-martyr du'n! Alam ko naman na may kabaitan si Pat. But he doesn't deserve you! Well, hindi naman talaga siya deserving sa kahit sino kung parati lang siyang manloloko."
"Hindi naman gano'n, Tanya."
"Sabi ko na nga ba eh, ikaw kasi, masyado kang mabait kaya ganyan ka mag-isip!" She rolled her eyes and sighed.
"Mauuna na ko, ha?" She gave her a small smile and walked away. Hindi naman siya makapagsabi ng lahat ng opinyon niya rito. Pat broke Tanya's heart, alam naman niya kaya ito ganuon din magsalita. Sinaktan din naman siya nito, pero hindi niya hahayaan din lunurin ng judgments ang feelings niya.
---
Nuong Biyernes ng hapon, dumaan siya sa puntod ng kanyang ama para mag-sindi ng insenso at magdasal. She talked to him for an hour. Kinwento niya ang lahat ng nararamdaman niya at ang mga nangyayari. She cried her heart out.
Miss na miss na niya ang kanyang ama. Kapag wala siyang ginagawa ay binabasa lang niya ang sulat nito sa kanya. Marahil ang sinabi nito tungkol sa pag-ibig ang dapat niyang sundin— Don't be afraid to fall in love and fight for it. If he was still alive, that line that he wrote in his letter was probably his advice to her situation now. Meron pa nga ba siyang ipaglalaban? Hindi niya alam. But at least, she's not afraid to fall in love again... and get hurt.
Georgina promised to help her. Pabiro nitong sinabi na babatukan raw ang kapatid kapag hindi ito nakipag-usap sa kanya. Hindi rin siya sanay sa ganito dahil mas sanay siyang tumakbo. But if she was able to do it for Goyong, she knew she could also do it for Pat. Kaya naman nang tumawag si Georgina nuong hapon na paalis palang siya sa sementeryo, alam na niya na darating na ang tulong na hinihingi niya.
BINABASA MO ANG
Yo te Cielo
Ficción histórica{ sequel of ikaw na ang huli } Will Pat and Miho's encounter lead to the fulfillment of a promise that was broken in the 19th century?-or shall their past lives still dictate their destiny to remain as star-crossed lovers until the present time? ...