Capítulo 27

970 44 28
                                        

Miho has been trying to call Pat again after Francis informed her that he called last night. Matutuwa na sana siya dahil mukhang desidido na itong makipag-usap sa kanya ng matino. Nang sabihin naman sa kanya ni Francis na parang galit si Pat sa pakikipag-usap dito, ay lalo na siyang nag-alala.

"Looks like I made things worse," sabi sa kanya ni Francis. "I answered the call. Pakiramdam ko na-misunderstood niya yung nangyari."

She was so drunk last night. Kelan nga ba ang huling nangyari ito bago pa yung kagabi? Ah, that night when Pat brought her to his place. Sumakit na naman ang puso niya nang maalala iyon. Hindi naman niya gusto sanang uminom na naman ng madami, pero makulit sila Sir Antonio at sina Hazel, Mavy pati ang iba pa. Napilitan siyang uminom kaya nang maumpisahan, ayun, tuluy-tuloy na naman siya. And besides, she needed warmth. She was missing him so much. The feeling of loneliness took over, ayon, napa-inom siya ng pitong bote.

Mabuti na lang at hindi siya nagkalat masyado kung saan-saan. Sa banyo kasi siya dinala ni Francis at duon siya nagsuka. Sa katabing cubicle anduon naman si Ysabelle, na nalaman din niyang first time daw uminom; ito rin ay inasikaso ni Francis. After she vomited almost everything (nearly including her internal organs), she felt so tired and sleepy. Dinala na siya agad ng kaibigan sa kwarto. The bedroom was huge, ilan ang mga kama at may mga panlatag din para sa mga dagdag na tao. Francis stayed beside her, paggising kasi niya, nakita niyang nakasandal ito sa may higaan at nakaupo sa sahig. Buong araw niya na ata ito pinasalamatan.

The team building went well. May mga activities na first time niyang ma-experience. It just wasn't that fun because one, she's not really fond of group contests and two, she was feeling so down. Tapos lumala pa nang mapagalaman niyang tumawag si Pat, pero hindi niya nasagot. Sayang, ngayon hindi na naman ito ma-contact.

Pag-uwi sa bahay, wala na naman siyang ginawa kung hindi yakapin ang Rilakkuma stuffed toy na binili nito sa kanya. It was almost as big as a human, mas mataba pa kay Pat. Masarap yakapin pero hindi parin ito sapat. A human's warmth is different. Gusto niyang sapakin ang sarili sa kagagahan niya. Kung pwede lang niya makausap ito ngayon, sasabihin niya na komunikasyon lang siguro ang problema nila. She couldn't understand him and it looks like he also doesn't understand her. Siya, tumatakbo paminsan sa problema, mukhang ganuon din pala ito at umiiwas sa maayos na usapan. Does it mean they're incompatible? Baka nga sila ang human form ng coke at mentos kagaya ng naisip niya sa mga unang pagkikita nila.

Halos buong gabi na lang niyang binantayan ang cellphone niya, nagbabakasakali na tatawag ito. At habang naghihintay, pinakinggan niya ang na-record niyang boses nito na kumakanta ng "Magkaibang Mundo". Magkaiba nga ba talaga ang mundo nila at hindi sila dapat magkasama? Baka napagtanto ito ni Pat kaya hindi na itong tumawag muli sa kanya.

Kinabukasan, ginawan na naman niya ito ng ulam at iniwan sa desk nito. Caldereta iyon. Kahit siya, walang ganang kumain, sinisikap parin paglutuan ito. Hindi lang niya alam kung tinatapon ba nito ang pagkain o ano; she doesn't see him eating lunch in the cafeteria, pati din duon sa tinatambayan nila dati. Mukha na ata siyang tanga at minsan tinitignan na lang siya ng mga taga-Euro language. She didn't care anymore, gusto niya iyon gawin para dito kahit pa mukhang wala na itong balak na kausapin siya. It's her way of telling him "I still care." and she's not planning to stop.

When she was walking alone in front of the building that afternoon, she heard a group of people talking about her. Kahit hindi na siya lumingon alam na niya kung sino ang mga iyon; yuong mga dati ring pinag-ch-chismisan sila ni Pat at may isang boses lang ng lalaki na nakahalo.

Sabi sayo wala rin yan e, si Pat pa! Nagpakatanga kasi yung babae. Bakit kasi pinatulan? Alam na ngang gago.

Malay mo siya naman may sala. E diba puro malandi lang naman babae nun? Malamang nanlandi!

Yo te CieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon