Prólogo

2.3K 84 30
                                    

It takes hundreds of rebirths to bring two persons to ride in the same boat; it takes a thousand eons to bring two persons to share the same pillow.

-Chinese Proverb

***

Miho stared at the sky with unfocused eyes. She knew she was a firework waiting to happen; para siyang puputok ng dahil sa naipon niyang damdamin sa loob. Kapag nangyari yuon, hangad niyang maglaho na rin siya sa kalangitan at lamunin na ng mga ulap.

"Nakakaintindi ka ba ng Espanyol?" 

Biglang nagbalik ang diwa niya nang marinig ang tanong ng kasama.

She shook her head. "Hindi na ko marunong. Binaon ko na sa limot lahat ng naaral kong konti dati except for the swear words. E ano ba kasi yung–" 

Bago pa man din siyang mangulit tungkol sa Spanish words na nabanggit ni Pat, kaagad na nitong naisingit ang tanong na gusto niya sanang maiwasan.

"Goyong sounds like an old-school nickname with a hint of endearment. Iisa lang sila ni Gregorio, di ba?"

Pakiramdam ni Miho ay tumalon na ang puso niya palabas ng kanyang ribcage. She looked at him and gave a slight nod. Wala na siyang rason para itanggi pa ang obvious.

"So who's he?" He glanced at her left hand. "Your husband?"

She knew that the silver ring on her finger was the reason why Pat assumed that she's already married. 

"Fiancé," She replied. Gustuhin man niyang sabihin na kasal na sila ni Goyong sa harap ng Diyos, alam niyang hindi na kailangang ibahagi pa ang bagay na yuon. He would have probably laughed at her if she said that. Uso ba ang imaginary wedding sa simbahan na walang pari? Of course not— or probably, sa mga drama lang sa TV iyon madalas nangyayari.

"Well, let me guess.. Tinakasan ka niya at may iba na siyang pamilya ngayon. He must have realized you're too immature and he's fed up with your overreactions. Is that it?" Ipinasok ni Pat ang mga kamay niya sa bulsa ng kanyang slacks at ngumisi.

Oo, kung pwede nga lang na naumay lang talaga siya sakin, mas matatanggap ko pa eh. She thought to herself. Napa-buntong-hininga siya at sumulyap uli sa langit na puno pa rin ng makukulay na fireworks bago ibinalik ang atensyon sa kausap. Gagamitin niya sana ang kasinungalingan na nasabi niya sa kanyang nanay tungkol sa pag-alis ni Goyong, pero ang katotohanan parin ang lumabas sa kanyang bibig.

"Wala na siya."

The smirk has faded from his face and his expression turned into sympathy.

"I'm sorry to hear that." 

"Okay lang." Umiwas siya ng tingin dahil ayaw niyang mapansin ni Pat ang namumuong luha sa kanyang mga mata. Drama na naman? Gusto niya na tumigil na sa pagiging iyakin tuwing si Goyong ang usapan, pero hindi pa rin niya magawa. Para kasing kahapon lang nang nakita niya kung paano nito hinarap ang katapusan sa Tirad Pass.

"Do we really look alike?"

"Oo," She admitted. 

"Interesting— how we coincidentally have the same name and looks." 

Naisip niyang bahala na kung para kay Pat ay pick-up line sa bar ang dating nung 'kahawig at kapangalan mo yung fiancé ko' dahil wala na siyang lakas pa na mag-isip ng mga kasinungalingan.

"Teka, sabi mo mas guwapo siya kaysa sakin, di ba?"

She tried to suppress her laughter so she ended up smiling at him. Bumaon pala sa isipan nito ang mga salita ng pagkukumpara na nabanggit niya. Hindi lang niya masabi ngayon na wala talagang nakakaangat at hindi na kailangan pang gamitin ang salitang mas

"Finally, ngumiti ka rin." 

Napansin ni Miho ang maamo nitong pagtitig, boses at ngiti na halos nakalimutan niyang saglit na kadalasan itong mapang-asar at pwedeng magtransform bilang boy-version ni Ms. Minchin.

Biglang tumunog ang cellphone ni Pat at sumenyas ito sa kanya ng sandali lang. She nodded and turned her attention to the people around her. Tuloy pa rin ang fair matapos ang fireworks at marami pa ring tao na nag-aabang sa susunod na performance.

"Hello? Ria?"

Ria? Sino yun? Girlfriend niya? Na-overheard lang niya kahit pa nakatalikod na ito sa kanya. Yuon lang naman ang narinig niya at hindi na ang mga sunod pang sinabi nito sa babaeng nasa kabilang linya.

"Miho." He walked towards her until he was standing a few inches away from her. Hawak-hawak parin ni Pat sa kaliwang kamay ang cellphone na kagagamit lang niya. 

"A-Ano y-yun?" Their distance suddenly felt a little uncomfortable that made her stammer again. Napatingin na lang siya sa sapatos niya.

He tilted her chin up and she shyly placed her eyes on him. Habang naghihintay siya sa sagot, tinignan na lang muna niya ang mga mata nito. Malamang naka-contacts siya ngayon. Ano kayang grado niya?Naramdaman niyang hinawakan ni Pat ang pisngi niya. Dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa kanya at lalo siyang ninerbyos.

Teka, pipikit ba ko?

Suddenly, she felt his thumb swiftly wiped something from the corner of her left eye.

"May muta ka."

Ngumiti ito sa kanya— yung pilyong ngiti na naman na iyon.

Leche. She instantly denied to herself that earlier, she was half-expecting for a romantic gesture from him.

"Ahh.. O-okay. T-thanks."

"I have to go now, Miho. Dadaan muna ko sa faculty room. See you around."

Tinapik nito ang balikat niya bago maglakad palayo.

"Sige."

She waved at him before she let out a heavy sigh.

While looking at him from afar, she suddenly felt a wrenching sensation in her chest. He's so near, yet so far. Parang siya, na hindi siya. —duon nanggaling ang sakit na naramdaman niya. Naisip niyang hindi naman lahat ng coincidence ay nauuwi sa maganda. Hindi rin naman porket nandyan na sa harapan mo ay 'yan na 'yon. Maraming possibilities sa mundo at may tinatawag na Yuanfen. She knew that destiny and fate have different meanings and that— no matter how sad it may sound— sometimes people are just fated to meet each other, but not destined to be together.

Yo te CieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon