Capítulo 6

1.1K 59 78
                                    

Pau

San ka?

To Pau

Kasama si IV.

Pau

WUUW san punta?

To Pau

BTIC raw gusto.

Pau

Ah yung yogurt? Ang sarap, pero baka mas yummy si IV. :))))

To Pau

,,I,, BALIW

Pau

,,I,, WUSHUUU BET MO NAMAN KASI PAREHAS SILA NG PES! DALI CHECK MO NA RIN YUNG ANO

To Pau

Shatap

Pau

Sige na nga di na kita guluhin! enjoy. Ikain mo na lang ako nung chocomint sarap nun dabest

Choco Mint yogurt, She thought to herself. Ano pa nga ba ang better than ice cream kung hindi yogurt? Nawala ang nerbyos niya dahil sa pag-iisip kung mas masarap nga kaya ang chocomint kaysa sa green tea. Habang nakatitig sa kawalan, dumaan rin sa isip niya kung magkano kaya ang ginastos ni Pat para sa dinner nila na siya dapat ang magbabayad. Gustuhin man niyang tanungin, nangibabaw ang hiya kaya nanatili siyang tahimik. Wala ring imik ang kasama niya na nagmamaneho kaya kahit lalong awkward ang feeling sa loob ng kotse ay sinabayan na lang niya ito sa pananahimik. Napasalita na lamang siya nang mapagtanto na nasa basement parking sila ng isang pamilyar na building.

"Dito yung dessert shop?" Napakapit si Miho sa seatbelt niya habang palingon-lingon siya sa kausap na naka-concentrate sa pag-p-park. "Meron ba nung BTIC sa first floor?"

"What are you talking about?" He said with a slight frown as he unfastened his seatbelt.

"'Di ba 'yung better than ice cream, yogurt?" Nagsimula na siyang magpanic sa loob kasabay ng paglingon ni Pat sa kanya.

"Are you playing innocent just to tease me?" His coffee-hued eyes gazed at her behind his glasses.

Tease? Ni hindi nga 'ko marunong lumandi! Napa-exhale si Miho ng malakas. Her feelings were a whirlwind of emotions. Gusto niyang matawa at manampal. Kung saang lupalop napulot iyon ng kausap ay hindi niya alam. Ang sigurado lang niya, nasa isang hindi magandang posisyon siya ngayon.

"Ano 'to, prank? Ganon?" Ang kunot-noo niyang tanong sa lalaking nakangisi sa kanya.

Nasa pagitan nila ang gear stick, pero nagawa pa rin nitong lumapit pa sa kanya. She tried to unfasten her seatbelt but unfortunately, it seemed to be uncooperative; na-stuck ata ito o hindi niya lang ito makalas dahil natataranta siya. Nang hawakan ni Pat ang kamay niya, lalong hindi niya ito matanggal.

Their faces were inches away from each other, parang nuong araw ng school fair. Napalunok siya habang iniisip kung ano dapat ang sabihin o gawin pero mukhang tumirik na naman ang utak niya. He helped her unfasten her seatbelt before she saw his lips moved towards her that made her breathe heavily; parang hindi siya makahinga.

Yo te CieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon