Capítulo 21

932 42 44
                                    

At ten in the morning, Miho was still asleep on her bed. Hindi kasi siya agad nakatulog kagabi matapos nilang mag-usap ni Pat. Nagising lamang siya nang marinig na tumutunog ang phone niya. It was her mom calling her. Nang sinagot niya ito, lasing pa siya sa antok. Her mom instantly noticed her voice was groggy.

"Anak, teka lang, puyat ka ba kagabi?"

"Opo, kakagising ko lang po," Sabi niya habang pinupunasan ang naramdamang laway sa gilid ng kanyang labi.

"Nako, Miho!" Her voice sounded alarmed. "Ipakausap mo ko kay Greg! May usapan kami na huwag—"

"Ma!" She stopped her from continuing her words. "Wala pong nangyari! Atsaka.." Atsaka wala na po siya at nasa sariling unit na po ako. "Tulog pa po siya."

Her mom kept on asking her to tell the truth, pero wala naman kasi talaga siyang aaminin. Nang kumalma na, nagpaliwanag ito na nag-aalala lang siya na baka magaya siya kay Dolores. Miho understands why her Mom is like this so she just let her continue with her homily. Pagkatapos nito magsalita, siya naman ang nagtanong.

"Bakit nga po pala tinanggap niyo na bigla si Greg?" Bumangon siya at naupo sa kama.

Narinig niya ang buntong hininga ng kanyang ina sa kabilang linya.

"Sa tagal ng panahon, sa kanya ka parin bumalik, ano pa nga bang magagawa ko, Anak? Sa totoo lang, kung ako lang ang pipili, iba na lang sana at hindi yuong ex ng kapatid mo. Naisip ko lang na bigyan siya ng chance. Nangako siya sa'kin, kaya kapag yu'n hindi niya ginawa.. Teka, hindi pa ba siya gising?"

Napakamot ng ulo si Miho. Dapat pala sinabi na lang niyang umalis ito.

"Hindi pa po eh." She changed the topic by asking her mom how she is and her half-brother, Tristan. Nasa Pangasinan daw sila ngayon at sa madaling araw na nga ang lipad nila.

"Pagbalik ko dyan, baka maisama ko rin si Dolores," her mom told her. "Sana makapag-usap na uli kayo."

She sighed.

"Sana po." Sinubukan naman niyang makipag-usap dito dati. Ito lang si Dolores ang nagmamatigas at lumalayo. Ilang taon na rin ang lumipas at hindi parin nga sila nagkakaayos. Before her mom ended the call, she told her to take care of herself. Ganuon din ang sinabi niya dito.

After the call, she got out of the bed and started her morning routine. She had a simple breakfast, fried egg lang dahil hindi pa siya nakakapag-grocery. Afterwards, she started doing the laundry. Natapos na siya nang bandang tanghali na. Marami din siyang nilabhan dahil natambak na nuong sa pagtira niya sa unit ni Pat. Ayaw niya kasing labhan gamit ang sabong panlaba nito, lahat na kasi ng toiletries nito halos ay ginamit niya.

Pat crossed her mind very often. She wondered if he was doing his paintings or something else. She was tempted to text him, pinigilan nga lang niya ang sarili. Naaalala pa rin niya ang sinagot niya dito kagabi. Ako rin, She admitted to him after he told her he misses her already. Ramdam pa rin niya ang kaunting hiya, kaya naman lalong iwas siya na mauna itong kausapin. Baka rin kasi mamaya makaistorbo pa siya. Patingin-tingin siya sa cellphone niya, ngunit hindi naman ito nagpaparamdam pa. What she received was a text from her ex-boyfriend.

Francis

Libre ka bukas? Dinner. Mom's birthday. She invited you. Susunduin kita ng hapon kung libre ka. Around 3. G?

To Francis

Ah nandyan pala siya ngayon? Sige, G!

Yo te CieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon