Y así te espero como casa sola
y volverás a verme y habitarme.
De otro modo me duelen las ventanas.So I wait for you like a lonely house
till you will see me again and live in me.
Till then my windows ache.-Pablo Neruda, Cien Sonetos de Amor (LXV)
***
"Sensei!" Rico, one of Miho's students, raised his hand. Kaagad naman siyang lumapit rito para tignan ang papel na kanyang inaabot.
Good job, Pat!
Napa-Ay putragis siya sa loob. Parati siyang nagsusulat ng extra comment sa mga test papers ng mga estudyante niya at minsan tinatatakan pa niya ang mga ito ng mga pambatang stamps. Kakaisip ng kung anu-ano kagabi, iba palang pangalan ang nasulat niya.
"Uy, wala naman pong Pat samin ah. Sino naman po yan?"
At nagsimula na mag Yieee ang ibang mga estudyante sa loob. Hindi naman nagalit si Miho dahil sanay na siya na makukulit ang mga ito. She felt slightly embarrassed and anxious— pero nang maisip na hindi naman siguro nila kilala yung Spanish teacher sa kabilang kwarto, napakalma niya ang sarili.
"Pat! As in.. Patrick Garcia! Nanuod lang kasi ako ng throwback drama niya kagabi, kaya ayon. Nadamay siya dyan." She took a green pen from her pocket, then drew a line on the name that she had written last night and corrected it to Rico.
"Wala ng tanung-tanong ha, kung hindi, dadagdagan ko yung assignments niyo." Binalik niya ang papel at natahimik na lamang si Rico nang sikuhin siya ng katabi.
"Joke lang!" She made a peace-sign and dismissed the class.
"Mi hijo."
Naka-ilang hakbang na siya mula sa labas ng classroom nang marinig ang pamilyar na boses. Lumingon siya at naruon sa likod niya si Pat na nakatingin sa kanya.
"Do you love Japan that much?" Seryoso ang pagkakatanong nito. Miho knew she wasn't wearing a Japanese-street fashion inspired outfit so she wondered why did he asked this out-of-the-blue. Hindi nga rin siya naka-todo make-up para magmukhang Japanese gal, kaya hindi niya maunawaan ang tanong hanggang sa tumuro ito sa kanyang likuran.
Sinilip ni Miho kung ano ang tinuturo ni Pat at nakita ang pulang mantsa sa kanyang white na skirt. Bigla siyang napamura at nagpanic sa loob pero sinubukan niyang hindi magpakita ng taranta.
Bwisit 'to! Di nalang sinabi na may mantsa! Dinaan pa sa joke! Sino naman kayang nakakita? Hala, kanina pa ko naglalakad-lakad sa classroom! Ang naisip niya habang naglakad siyang papuntang hagdanan. Pinantakip na lang niya ang mga kamay sa kanyang likuran.
"Where are you going? Sa kabila ang washroom," Ang paalala ni Pat habang bumubuntot ito sa kanya.
"Sa.." Hindi niya natancha ang araw na darating ito dahil irregular siya palagi; gusto niyang sapakin ang sarili dahil hindi na naman siya naging handa. "Sa convenience store.."
"Stay here." Hinubad niya ang suot na jacket at isinabit sa baywang nito para matakpan ang mantsa sa likod. Pinilit tanggalin ni Miho ang jacket sa kadahilanang ayaw niyang madumihan ito pero pinigilan siya ni Pat.
"Tampon or what?"
Umayaw siya pero nagpumilit na lang si Pat na siya nalang ang bababa. Ang dahilan nito ay may bibilhin raw siya bago umuwi kaya naman isasabay na lang niya ang pagbili ng kailangan nito.
BINABASA MO ANG
Yo te Cielo
Historical Fiction{ sequel of ikaw na ang huli } Will Pat and Miho's encounter lead to the fulfillment of a promise that was broken in the 19th century?-or shall their past lives still dictate their destiny to remain as star-crossed lovers until the present time? ...