¿Se pueden inventar verbos? Quiero decirte uno: Yo te cielo, así mis alas se extienden enormes para amarte sin medida.
Can one invent verbs? I want to tell you one: I sky you, so my wings extend so large to love you without measure
-Frida Kahlo
***
"Eh BFF kayo, kelan?" tanong ni Paulo habang nakatalumbaba ito sa mesa.
Tumingin si Miho sa malayo at tiningnan kung nasaan si Pat. He was talking to an acquaintance— common friend daw nila ni Lawrence. He had no idea that they have one until this evening. Napansin niyang maganda iyon at sexy... panay hawak pa sa braso ng boyfriend niya.
Pat was obviously trying to get rid of the skinship. Lumalayo-layo ito, yung babae lang yung parang linta na kumakapit. Well, who could blame that girl? Kahit simpleng puting long-sleeves at slacks lang ang suot nito ay nagsusumigaw parin ang pagkagwapo nito. Pero hindi, ayaw pa rin niyang may umaaligid ditong mukhang haliparot.
"Miho? Huy!" She felt Paulo slapped her arm. Nagising na lang siya sa realidad.
"Sorry. Ano uli 'yon?"
"Sabi ko, kayo naman, kelan ikakasal?"
Lumingon naman siya duon sa may bandang gitna. There was a band on the stage singing a familiar Tagalog love song. The beautiful bride and handsome groom were in front, slow dancing to the music. Yung ibang guests ay naruon din at nagsasayaw, most are obviously couples.
She shrugged. "Hindi ko alam e."
Totoo naman. Hindi niya alam kung may balak ba talaga si Pat tungkol sa mga ganung bagay. Sure, they talked about their relationship and the things that they should do to make it stronger. Pero ni isang beses, walang binabanggit ito na kasal sa kanya.
"Seryoso ka ba?"
Natigil ang usapan nila nang biglang dumating si Pat at tinapik si Paulo sa likuran. May binulong ito na hindi niya narinig.
"Eh ako, kelan mo ko hihiramin, Pat?" sabi ng kaibigan niya dito.
Pat chuckled. "I can't. I'm sorry. Loyal ako kay Miho."
"Etchoserong pagong ka! Loyal ka talaga? Du'n na nga kayo maglandian! Alis na!" Pabirong sinamaan ito ng tingin ni Paulo. He shooed them away, dahilan kung bakit sila lalong natawa.
"Saan tayo?" She asked as she stood up. He reached for her hand and intertwined it with his. Humarap ito sa may gitna. Gets na niya kung saan sila pupunta.
"Joke ba 'yan?"
Umiling ito at ngumiti sa kanya. Hindi siya makapaniwalang niyayaya siya nitong magsayaw. As far as she could remember, Pat never told him that he likes dancing. Hindi rin siya mahilig magsayaw, pero dahil ayaw niyang maging KJ, sumunod na lang siya rito.
Sa may gilid lang siya nitong dinala. He must have an idea that she doesn't want to stay at the middle near the newly weds. Mas marami kasing tao duon banda. The next music began and the other people continued dancing. Yung iba naman, mukhang napagod na kaya nagsialisan at nakipagkwentuhan na lang sa mga kakilala.
BINABASA MO ANG
Yo te Cielo
Historical Fiction{ sequel of ikaw na ang huli } Will Pat and Miho's encounter lead to the fulfillment of a promise that was broken in the 19th century?-or shall their past lives still dictate their destiny to remain as star-crossed lovers until the present time? ...