Capítulo 30

1.1K 54 52
                                    

No te amo como si fueras rosa de sal,
topacio o flecha de chaveles que propagan el fuego:te amo como se aman ciertas cosas oscuras

I do not love you as if you were salt-rose, or topaz,
or the arrow of the carnations the fire shoots off. I love you as certain dark things are to be loved

-Pablo Neruda, Cien sonetos de amor (XVII)

***

Miho's mind was torn between the voice in her dream and the pessimistic thoughts of what might happen later. She tried her best to set aside these musings for awhile as her eyes roamed around the place, immediately noticing the vintage things inside the ancestral house—old chandelier hanging in the living area, ceiling fans, wooden furnitures and the typical old Spanish windows that reminded her of the old house of the Enriquez family. She stayed behind Pat as they walked towards a pudgy old lady wearing a floral duster in the dining area.

"Hijo, tinola ang niluto ko, sakto pala at medyo marami akong nagawa dahil may bisita ka," ang sabi nito kay Pat bago ito ngumiti sa kanya. "May darating pa ba? Para naman madagdagan ko agad at baka kulangin yung ulam."

"Wala na po, Manang," he replied before he introduced her to the old lady. Si Manang Pina ang taga-bantay ng tahanan ng mga Del Pilar na siyang pumalit kay Manang Celya. Mas madalas kasing nasa Maynila si Georgina at Pat kaya naman ito na ang naniniguradong malinis ang bahay kahit wala sila.

"Ito ang kasintahan mo?"

Napatingin siya kay Pat na parang napaisip saglit bago ito sumagot sa pamamagitan ng isang tango.

"O, maghapunan muna kayong dalawa," yaya nito sa kanila. She wasn't in the mood to eat but she could already feel the hunger pangs. O baka naman kasi sa sobrang kabado niya ay sumasakit na ang tiyan niya.

Miho sat across Pat on the dining table. Sila lang dalawa ang kakain dahil tapos na raw kumain si Manang Pina. Ngayon ay may niluluto itong dessert kaya busy ito sa may kusina. During dinner, the house was enveloped by silence. Ang tunog lang ng dumadaan na tricycle ang rinig. Nag-iisip siya ng sasabihin kay Pat pero hindi niya alam kung paano siya maguumpisa.

Ito rin ay tahimik, hindi niya alam kung nag-iisip lang o sadyang hindi ito komportable sa presensya niya.

As she ate, she observed him. Tiningnan niya ang paghiwa nito ng manok at pagdala nito sa bibig ng kutsara. Pati ang pagnguya nito ay tiningnan niya hanggang sa paglunok nito. Hindi na niya mapigilan, pati ang pag-inom nito ng tubig mula sa baso ay pinanood niya.

"Bakit mo ko tinititigan?"

Tumalon ang puso niya sa gulat dahil sa seryosong pagkakatanong nito. Nahalata pala nito ang ginagawa niya. But she did it as discreetly as she could! Does that mean... he was also looking back at her?

"W-wala, sorry..."

Nagulat siya nang kunin nito ang tasa niya at pinunong muli ang paubos na laman noon bago ito ibalik sa kanya. Hindi na siya nakaayaw kahit busog na siya. Kaya naman nang matapos na siyang kumain ay parang hindi na siya makatayo. Dumating pa si Manang Pina na dala-dala ang dessert nila.

"Gorgorya ito, hija. Nakatikim ka na ba nito?" She asked as she served a bowl filled with small shell-shaped biscuits glazed with syrup.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Yo te CieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon