Paulo burst into laughter when he heard Miho's story. Parehas kasi silang nag-assume na yogurt ang BTIC, yuon pala ay iba.
"Hanep din gumamit ng salita 'tong si Pat, ha!" Ang sabi nito bago siya paluin ni Miho. "Okay lang 'yan, patikim palang 'yan ng Patbingsu! Oh my gosh, girl, ikaw yung nag-propose ng dessert na 'yun!" Halos humiga na ito sa sahig ng opisina sa kakatawa at sa pagaarteng kinukumbulsyon ito sa kilig.
"Wow, ang galing mag-relate ah! Ang laking tulong niyan, Pau," Ang sarcastic na kumento ni Miho bago niya ito palakpakan.
"Friend, pinatulan mo na rin pala eh! Ayan na 'yon! Follow your heart!" Naka-Oblation pose pa ito habang nagsasalita.
Pag-uwi niya galing C'est La Vie, parang wala rin siyang napulot galing kay Paulo maliban sa "Follow your heart" na alam niyang hindi naman laging applicable sa lahat ng oras. Ilang araw na niyang iniisip kung ano ang dapat sabihin kay Pat, pero wala siyang maisip dahil lahat awkward pakinggan kaya isang linggo na at hindi pa rin niya ito pinapansin.
After her afternoon Friday class, she decided to spend her time in the library with Francis. Nagyaya kasi ito na duon na lang muna magpahinga dahil ang ingay sa faculty room sa oras na iyon. Naisip niya na kapag wala siyang magawa, isang magandang ideya na duon na lang din siya uli tatambay sa susunod. Maliban kasi sa libre ang aircon at tahimik, mapapalibutan pa siya ng mga libro. When she was still in college, she was fond of borrowing books— minsan fiction, minsan history books. She especially loved reading about Rizal's works, The Katipunan, Telesforo Carrasco's biography and that particular book about General Del Pilar.
Tumungo sila sa ikalawang palapag ng library dahil sa Filipiana section mas kaunti ang mga tao. Duon niya sinilip ang mga book shelves kung saan niya naaalala ang mga pinaglalagyan ng mga paborito niyang libro, habang ang mukhang inaantok na si Francis ay iniwan niya sa kinauupuan nito. She took a shelf ladder and climbed a few steps. Sa pinakataas niya nahanap ang isa sa mga libro— yung kay Teodoro Kalaw na naka-ipit sa pagitan ng mga lumang libro.
"Miho."
Nabagsak niya ang librong hawak sa gulat nang marinig ang pamilyar na boses. Pababa pa lang siya ng hagdan kaya si Pat na ang pumulot nito. He glanced at the title of the book, flipped through the pages, then gazed at her.
"If you really missed my name, sana nagreply ka na lang. I waited for your response that night."
Gusto na lang ni Miho isiksik ang sarili niya sa gitna ng mga libro para lang magtago. Kinuha niya ang librong iniabot at nagpasalamat.
"Aalis ka na naman ba?" Hinawakan nito ang braso niya at hindi na siya gumalaw. "Care to explain kung bakit ka umiiwas, Ms. Huang?"
He pulled her closer to him, hindi alintana ang estudyanteng naghahanap ng libro malapit sa kanila. Miho noticed her looking pero tumakbo rin ito, mukhang nakaramdam na may tensyon sa paligid.
"D-Di ko kasi alam ano yung s-sasabihin," She said as she avoided his stare. Gusto niyang magpumiglas, pero kapag ginawa niya, baka mas mapansin sila ng mga tao.
"Hiramin mo na lang 'to." He snatched the book from her hand. "Let's talk elsewhere."
"Umm, May klase pa kasi ako.." She looked at her wrist watch as if she was in a hurry.
"After consistently ignoring me, now you're even lying?" Narinig niyang bumagsak ang libro sa sahig bago nito hawakan rin ang kabila niyang braso. "Alam kong kanina pang 3:30 ang last class mo, so stop making excuses!" Lumapit pa ito lalo sa kanya at napahakbang siyang patalikod dahil natakot siya sa masama nitong pagtitig sa kanya. "If this is about the kiss, then—"
![](https://img.wattpad.com/cover/66342304-288-k784626.jpg)
BINABASA MO ANG
Yo te Cielo
Historical Fiction{ sequel of ikaw na ang huli } Will Pat and Miho's encounter lead to the fulfillment of a promise that was broken in the 19th century?-or shall their past lives still dictate their destiny to remain as star-crossed lovers until the present time? ...