That night when Miho was able to receive the flowers, she immediately called Pat to thank him but his number couldn't be reached. The truth is, she's never a fan of roses, but when she saw on TV some Halloween-inspired designs, the black roses piqued her interest. Mas nagustuhan niya ang itsura nuon kesa sa puti, pula at pati ang mga artificially blue-colored na mga rosas. Agad niya iyon itinabi kay Fourth the Cactus pagkarating sa kwarto.
She tried to call him again after she took a bath. Hindi parin ito sumagot kaya hinayaan na lang muna niya. She just sent him a thank-you message before she went to sleep.
The following morning, she made him a bento that consists of ground chicken meat, scrambled eggs and salmon flakes. She also prepared Duck Misua with Chinese Herbs, an Amoy-style dish which is a favorite of her father. Taga-Xiamen (Amoy) kasi ang angkan ng tatay niya kaya nakalakihan na rin nito ang mga pagkain na nagmula duon. Her mother, who learned it from her dad, taught her how to cook the dish.
Pagkarating nga lang niya sa faculty room ay wala ito duon sa desk. Before lunch, she texted him but he didn't respond. Kagabi pa itong hindi nagpaparamdam. When she saw Ms. Michelle, she immediately asked her if Pat was absent.
"Ay, nag-sick leave siya, Hija," sagot nito sa kanya. "Teka, kayo na ba talaga? Totoo ba yung mga naririnig ko?"
She nodded. Mukha itong natuwa. Halatang marami pa ito gustong sabihin pero agad na rin siyang nagpaalam at lumabas ng faculty room. Mayroon pa siyang mga klase sa hapon at habang naglalakad, nag-iisip na siya ng mga alibi. Sabihin niya kayang nag-LBM siya kaya kailangan na niyang umuwi? O di kaya nilalagnat din siya o nahihilo? Ngunit ang lame naman pakinggan. Gusto na niyang puntahan si Pat para tignan kung ano na ang nangyari dito. Hindi ito nagpaparamdam tapos hindi pa sinabi sa kanyang may sakit ito. Nagtatampo ba ito sa kanya? If so, was it because she wasn't able to meet him last night? Ano pa bang ibang dahilan?
She waited until her last class ended. She had no choice but to do so. Pagkatapos, dali-dali siyang umalis para puntahan si Pat.
---
As usual, pinaakyat lang si Miho agad ng guard sa taas. Kumatok siya sa pintuan ng tatlong beses at naghintay. Hindi na siya nagtext dito na pupunta. Naisip lang niya na mas mainam na biglaan na lang siyang pumunta tutal naka-ilang tawag na siya dito at text pero hindi siya sinasagot.
After a few seconds, the door swung open. Pat was there, in his shirt and jogging pants. Mukhang antok ang mga mata at medyo magulo ang buhok.
"Why are you here?" tanong nito sa kanya. He sounded irritated. Parang may kung anong sakit siyang naramdaman sa loob. Ayaw na ba nito bigla ang presensya niya?
"Hindi mo kasi sinasagot yung tawag ko kagabi atsaka text kahit kanina.. Nalaman ko rin kay Ms. Michelle na may sakit ka pala kaya hindi ka nakapasok," sabi niya rito. What she wanted was an explanation but what's more important for her is to know his current condition. Mukha nga kasi itong may sakit at hindi lang alibi para maka-sick leave.
"Busy lang ako," sagot nito sa kanya bago siya nito papasukin sa loob. Mukhang may painting itong ginagawa dahil may canvas na nakatayo sa stand sa may living area nito. He gestured her to sit but she didn't. Tumayo lang siya sa may harapan nito.
"Hindi mo man lang nabanggit na masama pala pakiramdam mo. Kung alam ko lang—"
"Miho, wala pang dalawang araw na hindi tayo nag-uusap. Are you that clingy? Pati 'pag may sakit, kailangan rin ba kitang i-inform? Do I need to tell you everything?"
Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig.
Oo, dahil girlfriend mo ko! She wanted to say. Nanatili siyang tahimik. She knew Pat can be like this, yung masungit na pwedeng makasakit gamit ang salita. Pero sobra naman ata ito? Is he testing her? Nung nakaraang mga araw lang ay malambing ito sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/66342304-288-k784626.jpg)
BINABASA MO ANG
Yo te Cielo
Historical Fiction{ sequel of ikaw na ang huli } Will Pat and Miho's encounter lead to the fulfillment of a promise that was broken in the 19th century?-or shall their past lives still dictate their destiny to remain as star-crossed lovers until the present time? ...