"Quiero estar dentro de tu todo más oscuro."
I want to be inside your darkest everything.
-Frida Kahlo, The Diary Of Frida Kahlo: An Intimate Self-Portrait
***
Ilang araw na, na hindi pumapasok si Pat. Miho survived the days despite of her endless worries. Nalaman ni Paulo ang nangyari nuong tumawag ito sa kanya, kaya naman gumawa ito ng paraan para pasayahin siya.
Kasama si Lawrence at ang girlfriend nito na si Camille, nilibre nila siya ng hapunan habang nanuod ng mga live performances sa isang restau-bar. Pinayuhan siya ng mga ito ng kung anu-ano at isa na duon ang pabayaan na si Pat dahil mukha namang magulo ang isip nito. Pero siya naman, parang lumabas lang sa kabilang tenga ang mga narinig.
Pinilit pa siya ng bestfriend niya na mag-make over para naman daw gumaan-gaan ang pakiramdam niya, nauwi tuloy sa pagpapagupit ng buhok ang pamimilit nito. Gusto ni Paulo na pakulayan lang ang buhok niya at huwag ng bawasan ang haba nito. Sa huli, siya naman ang nasunod at pinili na lang niyang pagupitan hanggang sa ibabaw ng balikat niya ito at huwag ng pakulayan. She appreciated her friends' efforts to make her happy. Iyon nga lang, umuwi parin siya ng malungkot nuong gabing yuon na parang wala man lang nagbago at nangyari.
Kahit Sabado na, kinailangan pa niyang pumasok para mag-judge sa finals ng Japanese Speech contest. It helped her remove Pat from her mind just a bit as she needed to focus on the contestants. Pero dahil ang topic ng speech ay ang number "Four", normal lang na maya't mayang ito parin ang naiisip niya.
Nagsimula raw sa "One" four years ago, ang topic sa speech contest. Dahil ayaw na raw mag-isip ng korning topic kagaya ng "love", "friendship", etc. Mas unique raw kung numero. "Four fingers", "My Fourth Husband" and "F4 fever" ang mga finalists. Sa final judgment nanalo ang "My Fourth Husband": ang totoong kwento ng isang babaeng kinasal ng apat na beses at kung paano ito nangyari sa kanya.
She was rooting for "Four Fingers", tungkol sa lalaking may tig-apat na daliri sa bawat kamay at kung ano ang naging epekto nuon sa buhay nito. (Which actually showed that despite of a missing finger, nothing much is different from him from other people) Si Francis naman raw ay nagustuhan yung nanalo. She liked the story too, maganda rin yung pagkakadeliver ng speech, but still, she preferred her first option.
After the contest, which ended at five in the afternoon, Francis and her decided to get some dirty ice cream for snacks. Kumain sila duon sa may mga upuan na malapit sa puno sa tapat ng building.
"Anong nangyari diyan?" She pointed at his lower lip as he licked his cheese ice cream. Mukha kasi yuong namamaga at nasugatan.
"May nanggigil lang na babae," he said with a laugh. Pinalo niya ang braso nito at sinimangutan ito.
"Nag-usap na ba kayo?"
She knew that he was referring to Pat. Umiling siya dito bilang tugon.
After snacks, he invited her for dinner. Oo na sana ang sagot niya kung hindi niya lang nakita si Georgina na naruon sa faculty room at kausap si Ms. Michelle. When she saw her, agad itong napangiti at kinawayan siya. Lumapit ito sa kanya, nakipag-beso at bumati rin sa kasamang si Francis. Miho introduced Francis to her, pinakilala niya bilang kaibigan.
"I got your schedule from Tita Mich. Sorry kung biglaan. I-t-text sana kita kaso naisip ko mas mainam pumunta. If you're free... can we have dinner together? I really need to talk to you."

BINABASA MO ANG
Yo te Cielo
Historical Fiction{ sequel of ikaw na ang huli } Will Pat and Miho's encounter lead to the fulfillment of a promise that was broken in the 19th century?-or shall their past lives still dictate their destiny to remain as star-crossed lovers until the present time? ...