Capítulo 15

1K 52 64
                                    

"Pinagiisipan ko pa po. Para po kasing bata eh," Pabirong sagot ni Pat. Kung wala lang sila sa ospital at walang natutulog ay marahil sinipa na niya ito.

"Hindi ko po siya boyfriend. Ayoko po ng playboy."

Natawa ang matanda. Miho noticed she was laughing silently, gumagalaw ang balikat nito. Nasanay na kaya siyang tahimik tumawa dahil may kasama siyang pasyente? She wondered.

Pagpasok sa loob, nag-usap ang dalawa tungkol sa sitwasyon ni Manong Jaime, ang asawa nito. Sa mga narinig, napag-alaman niyang may Stage IV Lung Cancer ito at nag-c-chemotherapy. Nalungkot siya sa narinig habang tinitignan ang matandang nakahiga. He must be suffering so much.

Maya-maya ay nagpaalam si Pat na lalabas saglit at ayaw nitong magpasama.

"Stay with Manang. Alam kong ma-mi-miss mo ko, pero saglit lang naman ako."

"Asa ka!" She slapped his arm. "Alam ko namang makikipaglandian ka lang du'n sa nurse sa labas. Sige, enjoy." Pat gestured her to behave; pinanliitan naman niya ito ng mata.

Pagkaalis nito, Nagyaya ang matanda na magkape sila kaya nagpresenta na si Miho na siya na ang maghanda para sa kanilang dalawa.

"Huwag ka mag-alala, hindi yuon makikipaglandian. Hindi ka lang isinama dahil ayaw niyang malaman mo na magbabayad siya ng gastusin namin."

So that was the reason why Pat left her inside the room, maliban pa siguro para maaliw naman sa pagkakaroon ng kausap ang matanda o di kaya talaga para makipag-landian din saglit.

Hindi nga naman agad mahuhusgahan ang isang tao basta-basta. She knew Pat is helpful, sa dami ba naman ng ginawa nito para sa kanya. But, she did not expect him to be this helpful. Nung una niya itong nakilala, wala sa imahe nito ang sinasabi ngayon ni Manang.

"Masikreto po pala talaga siya," She said with a smile as she was putting hot water into the paper cups. Hinalo niya iyon pagkatapos sa pamamagitan ng stirrer.

"Hindi ka ba talaga nobya ni Ikaapat?"

Inabot niya ang baso ng kape sa matanda at umiling.

"Katrabaho lang po niya 'ko, Manang," Natatawang sagot niya.

"Ito kasing pilyong alaga ko, nasanay ako nuong bata pa siya na tuwing may babaeng kasama, nobya niya na agad!"

Pinanuod ni Miho ang pagtaas-baba ng balikat nito habang iniinom niya ang kapeng tinimpla.

"Nagtaka nga ako lahat na lang ng kasama ay kasintahan raw niya kaya tinanong ko dati kung sino ba talaga. Masikreto! Aba'y nalaman ko na lang kay Gina na ipinagsasabay pala lahat!"

Hindi niya alam kung matatawa siya o maiinis sa narinig. Hindi naman niya hinuhusgahan ang buong pagkatao ni Pat ngunit para itong isang paalala sa kanya na marahil hindi lahat ng matatamis na galaw ay mayroon ng ibig sabihin para sa lalaking katulad niya.

Nakwento ni Manang Celya na siya ang isa sa nag-alaga kay Pat nuong bata pa ito hanggang sa magbinata. Natigil na nga lang raw ito sa pagt-trabaho nang magkasakit ng malubha ang asawa at umaasa na lang din sa kinikita ng pamangking OFW; wala rin kasing mga anak ang mag-asawa.

Ikinwento rin nito ang pagiging mabisyo ni Manong Jaime pagdating sa alak at paninigarilyo. Hindi lang daw ito driver ng pamilya Del Pilar, kainuman pa raw ni Third, ang tatay ni Pat. Naisip ni Miho na siguro nga sadyang nandito siya ngayon para mahikayat na bawasan ang kanyang bisyo.

Yo te CieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon