Capítulo 25

959 44 42
                                        

On a Sunday evening, Pat came to Miho's apartment only to get disappointed by her absence. Susurpresahin pa naman sana niya ito. Pagkahatid niya kasi dito nuong umaga ay napansin niyang malamlam ang itsura nito. He planned to take her out that night to cheer her up, kaso wala naman pala ito.

Kasalanan naman niya kasi dahil ang hilig niyang pumunta ng walang pasabi. Pagtawag niya dito ay umalis pala ito dahil may lakad kasama si Francis at ang isang pa nitong kaibigan. As per Miho, it was their classmate in Tokyo, susunduin nila tapos mag-d-dinner sila sa labas. Duon nga lang niya nalaman na magkaklase pala ang dalawa nuong nag-aral ito sa Japan. He wasn't able to get all the details, nagmamadali na rin kasi si Miho dahil parating na sila sa airport kaya ibinaba na nito ang tawag.

Narinig palang niya ang pangalan ni Francis Lee ay napapa-simangot na siya. Naaalala pa lang niya ang itsura nito ay parang gusto na niya itong sapakin. Was it because he feels very much insecure of him? Natawa siya sa sarili. Insecurity is not in his vocabulary.

Normally, he didn't care if his girl would flirt with any guy. Palibhasa gawain din naman niyang makipaglandian kahit may girlfriend na. He's not a hypocrite so he never complained. And truth be told, he never really had serious feelings with anyone, so he never cared. Tapos ngayon, nag-iba ang ihip ng hangin.

Ibinilin na lang muna niya ang regalo para kay Miho sa isa sa mga guard sa may lobby. Nakiusap na lang siyang ibigay ito pagdating. He also made a mental note to text her later about the gift that he left. Nakalimutan niya kasing banggitin kanina nuong magkausap sila. Glass-cased black roses iyon; Pagkahatid niya kay Miho nuong umaga, dumaan siya sa flower shop ng ate niya tapos inasikaso na niya agad ang pag-dye ng mga rosas paguwi. Nang natuyo, inayos na niya ang mga ito ng patayo sa loob ng isang crystal case na may kaunting tubig sa ilalim.

Maliban pa sa inis kay Francis, hindi rin niya magawang mag-isip kagabi pa tungkol sa namatay nitong Fiancé. Why can't she tell him Goyong's cause of death? Tipid lang ang kwento nito tungkol dito. Sabagay, kagaya niya rin siguro ito na iwas din sa mga kwentong nakaraan kaya mukhang hindi rin niya ito masisi. But she seemed so sad and it looks like she's not over him yet— hindi niya rin tuloy maiwasang malungkot.

Paano naman siya hindi maaapektuhan, he looks like him and they have the same name! Marami tuloy siyang tanong sa isip ukol dito na isinantabi na lang niya muna— why did Paulo's dad called him using the surname "Sempio", what exactly happened to his last days with her, etc. Kelan pa siya may pakialam sa past ng isang tao?

Fuck, he cursed to himself. Sabi nila kung sino ang mas madalas kasama mo, mahahawa ka raw sa ugali nito. Then he must have acquired Miho's overthinking attitude.

He just decided to go and visit Charlie. Pagdating duon ay saktong naruon ito kasama si Kaden na nakita niyang nakasandal sa upuan. Mukha na itong lasing, mapula ang mga pisngi at pikit na ang mga mata. It was the first time he saw him drunk, kaya naman nang tabihan na niya ito ay agad niyang tinanong kung anong nangyari.

Pero imbis na sagutin, nakiusap si Charlie na tulungan niya itong i-akyat si Kaden duon sa kwarto nito sa taas. Pagdala nila rito ay agad itong nakatulog sa couch.

"Babae ang problema ni Kad," sabi sa kanya ni Charlie nang maupo siya sa isang upuan malapit sa desk nito.

Right, kung hindi naman career at pera ang problema ng tao, buhay pag-ibig. He hates the latter reason. Kaya nga simula pa ng bata siya pinangako niyang hindi siya matutulad sa ibang tao, lalo sa kanyang ama. They always say that love is a nice feeling, but too much seriousness, you'll just end up getting devastated. Yuon ang paniniwala niya.

Yo te CieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon