Faye's POV
Mabilis akong napabalikwas ng bangon dahil sa biglang pagbaliktad ng aking sikmura. Pero teka nasan yung lababo? At teka nasaan ba ako? Naku naku Faye ano ba ang nangyari? Anong ginawa mo? Isip-isip.
Arghhh. Ang naalala ko na lang ay nakilala ko yung mga kaibigan ni Qri tapos pinaiinom nila ako and boom klek klek barubom badubom nalasing ako kagabi. Anong sunod na nangyari? Jusq.
"You're already awake"
Huh? o--o
Olalalala pandesal sa umaga. Ang manly pa ng boses bes whooo.Pero wait a minute? Sino to?
"A-anong nangyari?" kinakabahan kong tanong.
Wala naman sigurong nangyaring hindi inaasahan diba? Kasi kung mayroon magwawala talaga ako.
"You can't remember anything?" nakakunot nitong tanong.
Kumunot din ako habang nag-isip ulit. Nagmunimuni panandalian baka bigla kong maalala pero wala pa din nganga.
"W-wala"
"Well milady you just got drunk yesterday. Still can't remember?"
Shunga ka ba koya? Lasing nga diba? Paano ko maaalala kung lulong ako sa alak kagabi. Jusq koya sayang kapogian mo. Yan kasi nangyayari kapag malaki ang katawan eh, parang si Johnny Bravo(?) yung cartoon character na malaki katawan tapos maliit yung ulo na mahilig mang-chicks? Basta yun ._.
Iling lang ang sinukli ko sa tanong niya. Pero dapat pala di na lang ako umiling kasi sumakit lang yung ulo ko at lalo akong nasuka na mukhang naintindihan naman ni Koya kasi tinuro niya yung daan papuntang cr.
*suka, suka, suka*
Naku. Talagang napakahina ko pagdating sa inuman. Papaalalahanan ko nga yung sarili ko na wag umarteng lasenggera kahit na di naman keri.
"Okay ka na ba?"
Nagmumog muna ako atsaka nilingon yung nagsalita.
"Teka ikaw yung babaeng kasama ni Qri kagabi ha" gulat kong sabi habang nakaturo sa kaniya pero kaagad ko ding binaba yung kamay ko ng titigan niya yun.
"Yeah. I'm Ayce. I think okay ka na. So let's go may pupuntahan pa tayo"
Sumunod naman ako sa kaniya.
"Choose" maikling sabi nito habang hawak yung dalawang puting damit.
"P-po?"
"I said choose" sabi niya sabay paikot ng mata.
Nang maintindihan ko yung ibig niyang sabihin ay kaagad akong pumili. Pinili ko yung damit na may desensyong simple lamang pero mukhang elegante.
"Good. Now take a bath and aayusan pa kita" sabi nito at umalis sa kwartong kinalalagyan ko.
Magtatanong pa sana ako kung kaninong bahay to kaso nilayasan na ako ni Ayce eh. Wala na akong nagawa pa at naligo na lang dun sa cr na pinasukan ko kanina.
*ligo, ligo, ligo*
Nang matapos ako ay kinuha ko yung robe na nakita ko at lumabas na.
"So fast. You are not a typical girl huh. Now take a sit and let me handle you." sabi nito.
Umupo na lang ako dun sa tinuro niyang upuan at sa harap nun ay isang malaking salamin. Sinimulan niyang lagyan ng kung ano-anu yung mukha ko. Pagkatapos ay ang aking buhok naman ang pinakilaman niya. Medyo kinulot niya ito at itinali ng pa-bun. Teka? Ano nga ba tawag sa style na ito? Ayyy oo messy bun pala. Nagtataka pa din ako sa nangyayari pero natatakot naman akong magtanong kay Ayce kasi para siyang bad mood eh.
BINABASA MO ANG
The Boss' Bride
ActionThe Boss' Bride by: Eonnieverse My name is Faye Vieros and this is my not so ordinary and full of action story. Highest Rank: #16