Chapter 23: The War

10K 187 3
                                    

Faye's POV

Busangot ang isinukli ko sa sinabi ni Lhoreigh. Paanong hindi ako bubusangot kung ang magaling kong asawa ay nauna na raw sa Party. Taeng tae ba siya maki-party?

"Smile Ate Lhoreigh" utos ni Lhoreigh sabay paikot pa ng mata. Pero hindi ko pinanansin ang utos nito at pinatili ang nakabusangot kong mukha. Is this what you called sulking? If yes, then I am sulking. He promised na sabay kaming pupunta pero ayun nauna na ang nilalang na iyon. Bayagan ko kaya yung lalaking iyon?

"We're here Ladies" anunsyo ng aming driver na si Zakapa. Naalala niyo pa ba siya? Siya yung lalaking napagkamalan kong Sapaka yung name. Yes guys buhay pa si Fafa Zakapa. By the way binibenta ko nga pala siya. Sino balak bumili?

Back to reality. Ngayon nakababa na kami sa kotse at kaharap na namin ang malawak na bahay ni Qri. Masasabi kong hindi ito papahuli sa mansyon namin este ni Ciro pala. Malaki at maganda rin ito pero mas maganda pa rin yung sa amin. Walang kasamang pambobola yun ha. Like owners, like house kasi mga bruh.

"Hindi pa ba tayo papasok?" tanong ko kay Lhoreigh na nakatayo lang sa tabi ko. Napansin kong seryoso ang itsura nito habang tinitingnan ang bahay. Tinapik ko ito at balak sanang tanungin kung ano ang problema pero laking gulat ko ng bigla siyang mag-abot ng baril. Wth?

"Bakit ka may dalang baril?" gulantang na tanong ko sa kanya

Pero imbes na sagutin ang aking tanong ay bigla nitong iniangat kaunti ang laylayan ng aking damit na dahilan para lalong manlaki ang aking mata. Sasawayin ko na sana ito nang may makita akong maliit na lagayan doon at kung hindi ako nagkakamali ay isa itong lagayan ng baril. Bakit hindi ko ito napansin kanina? Ganun na ba ako kamanhid? Char.

"Just grab this gun if it's needed" paliwanag nito sabay lagay ng baril sa lagayan na iyon.

"What do you mean?" nakakunot noo kong tanong sa kaniya.

"Sa loob ng mansyong ito may iba't ibang klaseng tao. It includes Mafias and to tell you almost all Mafia Organizations are here according to Lilorh, who hacked the system to see the list of invited persons for this party. So we just need to be careful" seryosong paliwanag nito.

Kung halos lahat ng Mafia Organizations ay nandito ibig sabihin nandito rin yung pumatay sa magulang ko at ang taong namumuno ngayon sa Vieros and Deviant Organization.

"Another reminder Ate Faye. Wag kang magtitiwala kahit kanino, maliban sa akin, kay Kuya at kay Ate Zyren" pahabol na sabi nito.

Magtatanong pa sana ako pero may biglang humawak sa aking kamay na ikinagulat ko talaga. Kung kaya nagawa kong masuntok ang salarin nun at sobra ang aking pagsisisi sa ginawa kong iyon.

"Why did you punch me?" tanong niya sa akin habang hawak hawak ang natamaang bahagi ng kaniyang mukha.

"Hala sorry" kaagad kong hingi ng tawad at tiningnan ang natamaan ko. Medyo namumula lang iyon at hindi naman masyadong napuruhan kung kaya lumayo ako dito at sumimangot. Akala niya ba nakalimutan ko ang ginawa niyang pang-iiwan kanina?

"Milady" seryosong tawag nito sa palayaw niya sa akin.

"Ano?" inis na tanong ko sa kaniya. Bigla itong lumapit sa akin at hinawakan ang aking kamay. Iniangat niya ito at nilapit sa kaniyang mga labi sabay kintil ng munting halik sa aking kamay.

"Sorry if I didn't keep my promise milady. It just that I need to attend a emergency thing" paliwanag nito sabay halik sa aking noo. Wala na, uwian na. Panalo na naman si Ciro dahil nawala na ang aking tampo dahil sa pinaggagawa niya.

"Pasalamat ka maganda ako" kunwari inis ko pa ring sabi pero sa totoo lang gusto ng kumawala ng aking ngiti.

"Yeah. You're beautiful milady" sang-ayon nito king kaya hindi ko na mapigilan ang aking pagngiti.

The Boss' BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon