Chapter 28: Lilorh?

9.3K 183 0
                                    

Faye's POV

"What's the meaning of this Lilorh?" galit na tanong ni Ciro sabay hatak sa aking kamay.

"What do you mean Mr. Dell'Acqua" nakangising tanong nito habang nakatingin sa kamay namin na magkahawak.

Mas lalo akong napakapit sa kamay ni Ciro dahil sa kilabot na nararamdaman ko. Anong nangyayari kay Lilorh? Bakit niya ito ginagawa?

"Oh! Why so sweet Boss?" he asked while smiling devilishly. Ibinaba nito ang hawak na baril at itinapat ang hintuturo sa kaniyang sintido na para bang nag-iisip ito.

"Ah! Does it because you also want a revenge? You'll keep her safe then killed her afterwards? Is that it Boss? That's a great idea." he snapped out happily.

"Shut up Aragon!" nanggagalaiting sigaw ni Ciro kay Lilorh na siyang ikinagulat kunwari ni Lilorh. Umakto ito na para bang natatakot at maya maya ay tumawa ito. Ibang iba ang Lilorh na kaharap ko ngayon kaysa sa Lilorh na nakilala ko.

"May balak kang patayin si Lady Faye diba Boss? Kaya nga natin hinanap ang anak ni Faith Vieros ay para maghiganti diba?" biglaang tanong nito habang galit na nakatingin kay Ciro.

"Don't listen to him Faye. Don't" bulong sa akin ni Ciro habang hinihigpitan ang pagkakahawak sa aking kamay. Pilit ko naman itong tinatanggal habang pinipigilan ang sakit na nararamdaman.

Bakit nila ako gustong patayin? Ano bang atraso ko sa kanila? Ano bang atraso ng pamilya ko sa kanila? Why do I need to be hurt like this?

"C-ciro"

"No, mia moglie. It's lie I can't do that to you. Listen to me."

"Oh well Lady Faye you should fucking listen to me. Yes we planned to kill you, we planned to make you suffer and the one who planned it all is that man beside you. Yes that man, your husband and the love of your life" natutuwang sabi nito habang nakaturo pa kay Ciro.

So all this time plano lang pala ang lahat. That's explain why they suddenly entered my life. Bakit nga ba hindi ako nagtaka nun? Ang tanga-tanga mo naman Faye. You let someone enter your life without knowing that they have a bad intention to you.

"I TOLD YOU TO SHUT UP ARAGON!" galit na sigaw ni Ciro sabay paputok ng baril kay Lilorh.

Pero imbis na mabahala ang lalaking tinamaan ng bala ay mas lalo pang lumakas ang pagtawa nito na para bang nakarinig siya nang sobrang nakakatuwang kwento. Umiling-iling ito habang tumatawa pa pero bigla na lang nagbago ang reaksyon nito at nagpaputok rin ng baril. Para siyang isang baliw.

"Aray!" hiyaw ko ng madaplisan ako ng kaniyang bala. Nakita ko ang pagdaloy ng dugo nito pero pinagsawalang bahala ko na lang at muling tumingin kay Lilorh.

"Oh? Sorry hindi ko sinadsadya" sabi nito habang nakataas ang kamay na para bang hinuhuli siya.

"Dapat pinatay na kita ng maaga Lady Faye, edi sana nakuha ko na yung hustisya para sa magulang ko na pinatay ng tatay mo, that fvcking bastard. Nang dahil sa tatay mo kinailangan kong danasin ang lahat. Pero laking pasalamat ko ng makilala ko iyang asawa mo. The man who loathed you and your family"

Lumapit sa akin si Ciro pero itinulak ko lang ito palayo sa akin. Sa nalaman ko ngayon hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa akin. Napalibutan ako ng kasinungalingan at hindi ko alam kung may dapat pa ba akong pagkatiwalaan.

Lumandas ang lungkot at sakit sa mga mata ni Ciro. Pero para na akong naging isang matigas na bato. Para na akong naging manhid.

"YOU DIMWIT! Arghhh" malakas na hiyaw din ni Ciro ng sadya itong patamaan ng isang babaeng kadarating lang. Isang babaeng traydor, sabagay napalibutan naman ako ng mga traydor.

The Boss' BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon