YUE IS IN THE MM!
Faye's POV
Pagkatapos kong maglibot libot sa mall na pinuntahan ko ay naisipan kong umalis na. Kaysa naman tuluyan akong mapagod kakalakad doon kahit wala naman akong mapapala, mas mabuting umuwi na lang ako at magpahinga. Sana naman wala na doon si Bee este Megan.
Habang naglalakad ako pauwi may nakita akong isang parke. Dahil medyo pagod na rin ang aking paa kakalakad ay naisipan kong tumigil muna at magpahinga ng saglit. Umupo ako sa isang bench na aking nakita at nilibot ang aking mga mata, luma na ang parke pero hindi mo makakailang maganda pa din ito.
Naglibot ang aking mga mata at mahagip noon ang isang pamilyar na bulto ng lalaking naglalakad at kung hindi ako nagkakamali si Papa ang aking nakita. Nang maisipan kong tawagin si Papa ay biglang may humawak sa aking pulsuhan. Hinigit ako nito ng malakas na siyang lalong nagpagulat sa akin at sa aking paglingon isang babaeng nakamaskara at may hawak-hawak na baril ang aking nakita.
"Anong ginagawa mo dito?" seryoso niyang tanong.
Naguluhan ako ng tanungin niya ako nun, pero bagama't hindi ko siya kilala ay ninais kong sagutin sana ang kaniyang tanong nang bigla niya akong hatakin muli paalis sa kinauupuan ko. Pinilit kong tanggalin ang kaniyang kamay, pero masyadong malakas ang babae para mapigilan ko. Dinala niya ako sa isang bodega na marahil ay parte ng dating parke.
"Anong ginagawa mo dito?" ulet niya habang hawak-hawak ang aking pulsuhan.
"N-naligaw lang naman p-po ako." utal na sagot ko.
Naramdaman kong gumalaw ang isa niyang kamay na may hawak na baril kaya't napapikit ako ng mariin. Hinintay kong may marinig na putok pero imbis na putok ang aking marinig, ang pagbagsak ng isang gamit na sigurado akong yung baril ang aking narinig. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mata at nakita ko ang babaeng nakatalikod na at nasa sahig ang kaniyang baril.
"Faye, hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo ang aking nalaman. Dahil alam kong hindi mo kakayanin ang lahat lahat. Umalis ka na bago ka pa niya makita." seryoso pero puno ng pait na sabi ng babae.
Why do I have this feeling na kilala ko ang babaeng ito? Lalapitan ko sana siya ng bigla niyang pulutin ang baril at pinaputok paitass na naging sanhi para ako ay mapasigaw.
"Go." utos niya na agad ko namang sinunod baka kasi sa susunod na putok ng kaniyang baril baka imbis na paitaas ay baka saakin na niya itutok.
Mabilis naman akong nakaalis sa parkeng iyon, pero hanggang ngayon ramdam ko pa din ang takot at kaba na aking naramdaman ng iputok niya ang kaniyang baril. Ano ba kasi talaga itong pinasok ko?
Pagkauwi ko sa mansion ay dirediretso akong nagpunta sa aking silid. Pumasok ako sa cr at naghilamos ng aking mukha. Pagkatapos ay lumabas ako at naupo sa aking kama. Bigla akong napaisip, sino ba yung babaeng yun? atsaka ano ang ibig sabihin niyang iyon. Naguguluhan at nalilito ako. Pero paano kung hindi lang iyon ang huling beses na makaka-encounter ako ng ganung sitwasyon. Paano kung mas malala pa dun? Kakayanin ko ba? Paano kung sa susunod mamatay na talaga ako ng tuluyan? Ang hirap ng sitwasyon ko.
"Lady Faye, the dinner is ready."
Napabuntong-hininga na lang ako at tumayo na mula sa pagkakaupo sa kama. Lumabas ako ng aking kwarto at nagpunta na din sa hapag kainan. Habang kumakain ay lumilipad ang aking isipan sa mga bagay na posibleng mangyari pa saakin. Idagdag mo pa yung may karibal akong anak ng isang mafia, pero teka may asawa naman akong mafia ha.
Tama tama, pero teka sa papel lang naman kami kasal eh atsaka parang napilitan lang naman kami kaya paniguradong walang paki yung lalaking iyon. Pero at the other side, diba sinabi niya saakin na umaakting siyang sila ni Bee este Megan para iligtas ako mula sa tatay ng babaeng iyon. Ano ba talaga ang dahilan bakit nangyayari ito?
"Gusto kong matutong bumaril." wala sa sarili kong sabi habang kagat kagat ang tinidor.
"WHAT?"
Muntik ko ng matusok gilagid ko sa gulat ng may biglang sumigaw slash nagtanong. Tiningnan ko ang may sala nun at nakita ko ang poging lalaki este wala kayong nabasa, basta si Ciro ang may sala.
"Ha?" naguguluhan kong tanong sa kaniya.
Sobrang lalim pala ng iniisip ko at hindi ko napansin na nandito na pala tong nilalang na ito.
"You said awhile ago, you want to learn to use a gun."
Napakunot noo ako sa sinabi niya, sinabi ko ba yun? ang alam ko sa isip ko lang sinabi yun eh. Teka nasabi ko ba talaga yun? Ayy ewan ko.
"Ahh oo sana." sagot ko na lang habang binababa ang kaninang kagat-kagat kong tinidor. Takte naalala ko tuloy muntikan ng matusok yung gilagid ko.
"No."
Napairap na lang ako sa hangin ng sabihin niya ang maikling salitang english na ang ibig sabihin sa tagalog ay hindi.
"Hindi sa lahat ng oras ikaw ang magdedesisyon sa ating relasyon." inis na sabi ko.
"What?"
Takte nabingi na ba tong nilalang na ito. Ang pinakaayaw ko pa naman ay yung pinapaulit yung tapos ko na sabihin.
"Ang sabi ko hi--"
"I get it" putol nito sa sasabihin ko sana, lesugar lang ha pisti bastusan ganern?
Bigla itong umalis kaya naiwan akong nasa hapag kainan. Inis na dinampot ko yung tinidor at tinusok yung steak. Bastos talaga ng nilalang na iyon.
[A/N: Yieee nag-update ako kaiyaq, dapat kanina pa ito kaso dumating si beshyq tapos pinahiram yung cd nilang Autopsy of Jane Doe, tungunu di ko keri HAHAHA hindi tuloy natapos. Try ko ding mag-update tomorrow, nahanap ko na utak ko HAHAHAHA]
BINABASA MO ANG
The Boss' Bride
AkcjaThe Boss' Bride by: Eonnieverse My name is Faye Vieros and this is my not so ordinary and full of action story. Highest Rank: #16