Faye's POV
Ilang araw na din mula ng lumayas ako dun sa bahay ni Loko. Sa totoo lang namimiss ko na yung ni-- what?!! erase erase. Hindi ko namimiss yun, he's a jerk magsama sila na babaeng yun.
"Nak, hindi ka ba babalik dun sa pinagtatrabahuhan mo?" biglang tanong ni Papa.
Ayy oo nga pala ang sabi ko nagtrabaho ako kahit na ang totoo ginawa akong caretaker slash chef ng nilalang na yun.
"Nasisante na po ako Pa. Kaya di na ako makakabalik. Hahanap na lang po ako ng bagong trabaho"
Pero naisip-isip ko rin naman na kahit wag na lang ako magtrabaho keri na rin naman kasi nangako na rin sa akin si Yue na kapag sumama ako hindi na niya talaga itutuloy yung pesteng kaso na yun. In our case now, sumama ako pero pinaalis din naman ako. Hindi ko na iyon kasalanan.
Magbuburo na lang ako dito sa bahay at pagtutuunan na lamang ng pansin ang aking story na hindi ko pa natatapos. Nakukuku yung deadline nga pala ng kwentong yun.
"Pasensiya na sa inyong dalawa ng Ate mo ha. Hindi na kasi ako pwedeng magtrabaho, kaya kayo pa tuloy ang nahihirapan."
"Ayy naku si Papa. Wag ka nga Pa, ikaw ang dahilan kung bakit nandito pa rin kami ni Ate." nakangiti kong sabi.
Si Papa kasi nagdadrama na naman. Nitong nakaraan kasi lagi siyang humihingi ng tawad sa amin ni Ate kahit maliliit na bagay.
"Pero sana mapatawad niyo ako balang araw" makahulugang sabi ni Papa.
"What do you mean Pa?"
Pero imbis na sagutin ako ay ngumiti lang siya saakin at nagpaalam na may pupuntahan lang. Somehow I got curious kung saan nagpupunta si Papa, kasi wala ng trabaho si Papa pero palagi pa din siyang umaalis tapos pag nagtatanong kami ang sagot niya lagi ay nagpahangin lang. May nagpapahangin ba na umaabot ng halos limang oras nawawala? Oo si Papa hahaha.
Pinagpatuloy ko ang pagtipa sa aking laptop at paminsan minsang hinto din dahil nasasabaw utak ko. Matapos ang halos isang oras nakatapos ako ng dalawang kabanata at dahil sobrang sabaw na ng utak ko ay minabuti kong buksan muna ang email account ko baka kasi nag-email yung Publishing house na pinagpapasahan ko ng mga gawa ko pero imbis na yun ang aking nakita iba ang nag-email. Mabilis kong binura yung email na yun dahil naiinis ako leche siya.
Minabuti ko na lang na isara ang aking laptop at magluto na lang ng makakain. Panira ng mood yung nakita ko. Anong nakita ko? Isang email na nagmula sa 'Dell'Acqua's Corp.' at ang nakalagay ay ang patungkol sa mga absences ko daw. Absences their face. But I don't care, bahala sila sa buhay nila. Okay ng walang trabaho kaysa naman sa mayroon nga pero makikita ko naman yung lalaking iyon.
"Are you not going home?"
Isang malamig na boses ang narinig ko at gulat na gulat akong lumingon dahil pamilyar ang boses nito at tama nga ang hinala ko. Bakit siya nandito?
"Paano ka nakapasok?" galit na sabi ko.
"I'm the one who ask first."
"And I don't give a sht. Nasa pamamahay kita kaya sagutin mo ako."
"I'm your hus--"
"Tell that to your girlfriend you jerk" galit na pagpuputol ko.
Nakikita ko sa itsura niyang naiinis siya sa naging sagot ko pero wala akong paki. Ano maiinis siya? Bakit kasalanan naman niya ha. Naku wag ako. Inis na ginulo niya ang buhok niya at tiningnan ako ng masama na sinuklian ko din ng masamang tingin. Ano siya pa ang may ganang magalit? Siya na nga itong nagtaksil sa dyosang katulad ko tapos siya pa? siya pa itong susugod sa bahay ng may bahay para lang magalit? Grabe talaga siya. Pero laking gulat ko nang itulak niya ako papunta sa may malapit na pader. Nashock ang katauhan ko and at the same time nakaramdam ako ng electricity.
"Arayy! Leche ka. Ano bang problema mo?" inis na tanong ko habang tinutulak siya papalayo saakin.
Pero sadyang malakas si Loko kaya di ko matulak para lang akong tumutulak ng poste, hindi natinag eh.
"Listen to me."
"Fine! I'll listen to your sht."
"That girl who visit you was Megan, the daughter of Madriaga's boss. Megan told her father about you being my wife and Megan being a spoiled brat she use you to blackmail me. That's why I need to.. fvck why do I need to tell you this."
Tinaasan ko siya ng kilay. Siraulo na ata tong nilalang na to, nagdemand na makinig ako tapos nung nakinig ako hindi tinapos yung sasabihin. Ang mas malala kinausap pa ang sarili.
"Maybe because I'm your wife and you are guilty." plain na sagot ko sa tanong niya.
Kawawa naman kasi, tinatanong yung sarili. Hala sige sariling tanong sariling sagot ang peg niya nun. Concern citezen lang naman iz me.
"Yeah. Can't believe this. Do you understand what I said earlier?"
"Maliban sa Megan pala pangalan ni Ms. 'I don't know who the fvcking hell is she' at anak siya ng boss ng Madriaga which is di ko nagets kung anong connect tapos nagsumbong siya dun at dahil laki sa layaw si bruha sinabi niya sa tatay niya yung tungkol sa dyosang ako na asawa mo at ginawa niya ito bilang pamblackmail then kaya mo sinabing.. Ano bang sinabi mo?"
"She is not my girlfriend and you, you need to go home." sabi nito ng nakangiti.
Wala sa sarili akong tumango. Nadala ata ng kanyang ngiti ang aking kaluluwa. Wao. Nakangiti si Loko aba minsanan lang to. Bigyan niyo ko ng camera pipicturan ko to. Pero what? Pumayag talaga ako?
Teka diba dapat aawayin ko pa siya? Tapos sasabihin kong maghiwalay na kami.. wao 'hiwalay' talaga. Basta yun tapos sasabihin niya ayaw niya dahil dyosa ako then iiyak siya, ako naman magmamatigas at pipilitin pa ding makipaghiwalay. Tapos mauuwi kami sa annulment dahil sa may iba akong mahal. Oh yeah, perks of being a writer.
"Faye Vieros. What's the meaning of this?"
Bigla kong naalala yung pwesto namin at gulat na lumingon sa bagong dating. Mahaba-habang paliwanagan ang ganap nito.
"Lagot ka totoy" sabi ko sa kaharap ko.
"Pati ikaw nene"
A/N: THE END! Whooo charot lang marami pa akong plano tsaka chapter 9 pa lang jusq mahaba-haba pang paglalakbay ito mga bhoexzszzs. So yun nga natapos din yung pagbabago and I'm so happy back to normal UD na tayo. Feedbacks mga guys.
BINABASA MO ANG
The Boss' Bride
AcciónThe Boss' Bride by: Eonnieverse My name is Faye Vieros and this is my not so ordinary and full of action story. Highest Rank: #16