Chapter 17: Shock

10.2K 238 4
                                    

Faye's POV

"Aray ko" malakas na daing ko ng napasalampak ang aking puwet.

Tumayo ako at inis na pinagpagan ang aking puwet. Pumuwesto ulit ako ng nakadepensa, baka kasi sumuntok nanaman ito. Napatawa lang si Lilorh na kalaban ko ngayon. Sinamaan ko ito ng tingin at umilag dun sa suntok niya.

"Weak" maarteng sabi ni Lhoreigh habang nakalingkis na naman kay Ciro.

"Attention seeker" I murmured.

Oo alam ko na pangalan niya. Siya daw si Lhoreigh at isa daw siyang fabulous na assassin ayun sa kaniya. Assassin her ass, kapag sinuntok ko siya sa batok. Whooooo gigil ako.

Napairap na lang ako dahil alam ko namang ako ang tinutukoy niya. Nasabi ko na bang mainit pa din ang dugo ko sa babaeng yan? Nakakairita kasi ang babaeng yan. Ang hilig mang-insulto at napakaarte. Ang sarap niyang itapon sa Bermuda Triangle.

"Stop" utos ni Ciro.

Napabuga muna ako ng hangin at sinapak si Lilorh sa mukha na ikinatawa nila Yue. Nagulat si Lilorh pero nakabawi din kaagad. Naiinis kasi ako at dahil siya ang malapit, sa kaniya ko na lang binuntong ang galit ko. Gigil ako.

"Fvck you Avriade." malutong na sabi ni Lilorh ng asarin siya ni Yue.

Dumiretso ako dun sa kinaruruunan nila Ciro dahil nandun ang inumin. Uminom ako at hindi ko pinansin yung dalawa. Medyo busy kasi sila nahiya naman ako. Baka masabihan pa akong panira ng moment.

"She's planning something." seryosong ani ni Lhoreigh.

Nacurious naman ako kaya lumingon ako sa kanila. Nahuli naman ako ni Lhoreigh na nakatingin kaya tumingin ito ng masama. Tusukin ko kaya niya eh.

"Why are you looking?" taas kilay na tanong ni Lhoreigh.

"Wala" maasim na sagot ko.

Gaspang talaga nang ugali ng babaeng ito. Kanino kaya nagmana ito? Ang sarap niyang ibalik sa pinanggalingan niya.

Umalis na ako dun sa pwesto nila at nilapitan ko yung mga ugok na nagpupustahan ata o ano. Nagsilabasan kasi yung mga pera nila.

"Hoyy. Pupuntahan ko lang si Papa. Pakisabi na lang sa boss niyong busy sa pakikipaglan-- este pakikipag-usap kay Lhoreigh ha. Nakakahiya naman kasi kung bigla akong sumingit sa usapan nila. Baka makapanira pa ako ng moment. Nakakahiya grabe" sabi ko sa mga ito.

Nagulat naman ako ng sumipol sila Lilorh at Izaec tapos si Yue at Dawes naman ay akala mo mga nalugi. Ano ba talaga problema ng mga ito?

"Gago. Paano niyo nalaman yun?" naasar na tanong ni Yue sabay abot nung pera.

Hindi ko alam ang pinagpupustuhan nila pero alam kong pustuhan ang ganap.

"Because I'm handsome" mahangin na sagot ni Izaec.

Napailing na lang ako at lumabas na sa training place. Gamit ang binigay ni Ciro na sasakyan ay nagbiyahe na ako papunta sa bahay ni Papa. Marunong na din akong magdrive, umaasenso ako diba?

Pagkatapos ng halos kalahating oras ng biyahe ay nakarating na ako ng bahay. Nagtaka naman ako ng pagkatok ko ay walang sumagot. Linggo ngayon dapat nandito lang si Papa at Ate. Baka gumala sila? Dapat tinawagan nila ako hayys.

Minabuti kong umuwi na lamang since mukhang umalis sila, nang biglang sumagi sa isipan ko ang panahong nakita ko si Papa sa parke. Ang parke na kung saan nakita ko yung babaeng nakamaskara.

Nagpunta ako sa parkeng iyon nang wala sa sarili. Hindi ko alam bakit nga ba? Curiousity? Maybe? I don't know.

Naupo ako sa isang bench na aking nakita at pinagmasdan ang lugar. Dinig na dinig mo ang huni ng ibon na nagpakalma sa kabang unti-unting bumabalot sa akin. Ipinikit ko ang aking mata habang dinadama ang katahimikan nang bigla itong masapawan ng isang malakas na pagsabog sa hindi kalayuan ng aking kinapupwestuhan. Nasundan pa ito ng sunod-sunod na putukan ng baril. Wtf? Ano nanaman ito?

Dahil sa takot minabuti kong tumakbo pabalik sa aking kotse ng may naramdaman akong tumama sa akin. Sa hindi malamang dahilan napapikit ako ng dahan-dahan hanggang sa tuluyan na akong kainin ng dilim.

***

Nagising ako sa isang madilim na lugar. Wala akong makita at di ko alam kung nasaan ako. Hindi ko din alam kung ano ang nangyari saakin. Ang tanging alam ko ngayon ay nakagapos ako at may takip ang aking bibig. Nakidnap ba ako o ano?

Dinig ko ang malalakas na pagsabog at barilan sa labas nitong kinaruruunan ko. Natatakot ako.

"Faye" pamilyar saakin ang boses na iyon.

Tuluyang tumulo ang aking nga luha. Dahil lalong naghalo ang aking takot at pagkagulo. Bumukas ang ilaw at nakita ko ang babaeng nakamaskara.

Siya nanaman? Sino ba talaga siya? At bakit sa tuwing may nangyayari sa akin dito sa loob ng parkeng ito lagi siyang nandoon?

"I'm sorry" mahinang hingi ng tawad nito. Hindi ko alam kung para saan ang sorry na iyon pero dahil doon medyo gumaan ang aking pakiramdam.

Lumapit siya sa akin at tinanggal ang harang sa aking bibig mapati ang aking pagkagapos. Walang lumabas sa aking bibig habang umiiyak na nakatingin sa kaniya. Gusto kong sumigaw at itanong ang mga bagay na nais kong masagot. Sigurado akong may alam siya tungkol saakin.
Pero hindi ko kayang ibukas ang aking bibig. Kung sakaling bubukas man ito sigurado akong hindi salita lalabas dito, kung hindi hikbi lamang.

"Oras na. Oras na para malaman mo ang katotohanan."

"Anong katotohanan?" naguguluhang tanong ko ng sabihin niya iyan.

Hindi ito sumagot pero may binigay ito sa akin. Isang baril na may nakatatak na Deviant at Vieros.
Naguguluhan na tiningnan ko ito at pinasadahan ng aking daliri ang dalawang apelyidong nakaukit dito.

Bakit nandito ang apelyido namin ni Ate Zy? Ano ang kinalaman nito sa mga nangyayari saakin? Si Papa ba ang may pakana nito? Pero papaano naman nangyari iyon? Baka naman sila Ciro talaga. Naguguluhan na talaga ako. Ano ba talaga ang totoo? Sino ba talaga ako?

Magtatanong sana ako sa babaeng nakamaskara ng dahan-dahan niyang tanggalin ang kaniyang maskara. Sa kaniyang pagtanggal ang pagmumukha ng isang babaeng di ko inaasahan ang aking nakita. Paanong siya yun? Bakit?

"A-ate Zy?"

[A/N: Shock? Sabi ko nga hindi taglayp.]

The Boss' BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon