Chapter 10: Who are you?

16.3K 315 8
                                    

Someone's POV

"How are they?" tanong niya saakin ng makarating ako.

"Still the same"

"Kumikilos na ang dalawang grupo. Hanggang kailan natin sila kayang protektahan? Hindi pwedeng habang buhay natin silang itago alam mo yan. Hinahanap na sila ng kalabang organisasyon, kumikilos na din ang mga ito at ang nananahimik na grupo ay nakisali na din."

Napabuntong hininga ako. Oo alam ko hindi habang buhay matatago namin sila, pero nag-iisip pa ako ng plano dahil hindi basta-basta ang posibleng mangyari pag nalaman ng lahat na buhay pa ang dalawa. Sila lang susi para matigil ang gulo. The Deviant and Vieros Organization, ngayong wala na ang boss ng dalawang organization na iyon alam kong hawak na ito ng traydor na yun kaya pag nalaman niyang buhay pa sila nasisigurado kong malalagay sa kapahamakan ang buhay nilang dalawa.

"I still need time to plan everything."

"I have heard a news. Dell'Acqua is already married and guess what her wife is 'she' does it part of your plan?" she sarcastically said.

"Una pa lang alam na nating sila talaga ang magkakatuluyan. Dahil matagal na iyon plinano ng dalawang organization. Kaya oo parte iyon."

"How about the meeting of Avriade and Zin?"

Napakunot ang noo ko. What?! Nagkita na sila. This is not good.

"Deviant and Vieros Organization meets Dell'Acqua Organization. Sounds interesting."

"Also sounds dangerous" I said then narrowed my eyes on her.

Zin and that Avriade guy, I need to focus on them. Alam ko namang kaya na ni Dell'Acqua protektahan ang asawa niya.

Zyren's POV

"Alam mo nabubwesit na ako sayo." inis na sabi ko sa palayboy na to.

"Bakit ba ang init ng dugo mo saakin? Ikaw na nga tong hinahatid eh"

"Kasi hindi malamig buwesit. Tsaka wao lang ha sino pa nagpumilit na ihatid ako? ako ba ha?!! Lumayo ka nga mahawaan pa ako ng sakit sayong palayboy ka." sabi ko at pilit na tinutulak siya papalayo. Malay niyo may AIDS o kaya STD na to.

"Baby it's playboy not palayboy" ngingiti-ngiting sabi nito pero inirapan ko lang siya at lumabas na ng kotse.

Inis na pumasok ako ng bahay at ang palayboy na yun ay sumunod, hinayaan ko na lang kasi napapagod na akong makipagtalo. Dirediretso akong pumasok sa kusina para sana kumuha ng tubig ng may hindi inaasahang makita ako.

"Faye Vieros. What's the meaning of this?"

Hindi kaagad nagsalita yung dalawa at mukhang nag-usap pa.

"Baby pahi-- whoaaa."

Mabilis kong sinapak si Yue dahil sa mukhang tuwang-tuwa pa siya sa nakikita.

"Ouchh naman baby." angal nito pero pinandilatan ko lang siya.

"I'll count one to ten Faye kapag hindi pa kayo nagpaliwanag malalagot talaga kayong dalawa." banta ko dun sa dalawa.

Hindi pa man ako nagsisimulang magbilang ay naitulak na ni Faye yung lalaki at mabilis na tumakbo.

"Sino ka?" taas kilay kong tanong dun sa lalaki.

"Faye's husband"

What?!!!!!

"Hehehe boss ako na pong bahala dito kay daldal." biglang singit ni palayboy at hatak saakin haggang labas ng bahay.

Lechugars na palayboy na toh. Pinilit kong makawala sa hawak niya, aba mahirap na malay niyo may HIV na tong lalaking to at mahawa pa ako.

"Hoyy palayboy bitaw"

"Ayaw"

Aba!! Anong ayaw?!! Susuntukin ko na sana siya sa mukha ng mabilis niya itong masalo sabay ismid na siyang kinainis ko lalo.

"Not my face baby. Not that part of me."

Sa kasalukuyan dalawang kamay ko na ang hawak niya at lalo itong dumagdag sa inis ko. Sumabog na ako sa inis ng tumawa pa ito.

"How about here?" tanong ko sabay sipa sa kaniyang pinakaiingatan.

"Oh sht"

At dahil sa sakit ay nabitawan niya na ang kamay ko. Tawa lang ako ng tawa habang tinitingnan siyang nasasaktan. It's his fault after all. Goodbye jewel, goodbye genes and goodbye baby hahaha. Pangalawang bese ko ng ginawa yun, kaya hindi na ako magtataka kung mabaog na to ha.ha.ha bagay lang yan sa kaniya. Atsaka I do him a favor kaya kasi kapag nabaog na siya iwas disgrasya siya oh diba diba.

"Paalam palayboy. Sana hindi na tayo magkita hahaha" tawa-tawa kong sabi at mabilis tumakbo palayo.

Ang saya talaga sa pakiramdam ng nakakaganti. Ewan ko ba basta yun talaga nararamdaman ko, I know na masama ang gumanti but I can't help it. Pagkatapos ng halos 15 minutong pagtakbo ko ay huminto ako saglit sa isang parke na nakita ko. Hingal na hingal akong umupo sa isang bench dun.

"Whooooo. Ang layo na pala ng napadpad ko" hinihingal na bulong ko ng mapansin kong hindi pamilyar tong parke ito.

Mukha na siyang luma pero hindi mo maiikaila na maganda pa din ito. Bilang na lamang sa aking daliri ang mga taong nanduon, pero sabagay anong oras na din.

"Zin Adrine Deviant"

Gulat na nilingon ko yung tumawag saakin. How come she know my name?

"Who are you?"

But instead of answering my question she sat down right next to me. I looked at her with confusion.

"So it's really true that you are alive. Tell me does your sister also alive?" tanong nito habang may nakakalokong ngiti.

"Maluwag ata turnilyo ng utak mo Miss. Wala akong kapatid." nakataas kilay kong pahayag sa kaniya.

"Yes you do have. Si Faye?"

"She's my cousin" seryosong sagot ko dito ng banggitin niya nag nag-iisa kong pinsan.

"Pinsan nga ba? Sino nagsabi? Yung tatay-tatayan niyong si Alejandro? A fabricated story isn't it?"

"Huh what do you mean?"

Ngumisi muna ito ng nakakaloko bago nagsalita muli.

"Hindi ka ba nagtataka sa kinikilos ni Alejandro?"

Lalo akong naguluhan sa sinasabi niya. Ano ang ibig niyang sabihin? Tatay-tatayan? Si Papa? Huh?

"What do yo me-- Huh? Nasaan na yun? Miss?"

Mabilis kong nilingon-lingon ang paligid only to found out na ako na lang mag-isa sa parke at malapit ng magtakip silim. Jusq minamaligno ba ako? Dahil ba yun sa ginawa ko kay palayboy? Naku naku.

Minabuti ko na lang na maglakad ng pauwi, habang iniisip ang sinabi nung babae. Ano ba yan Zyren wag kang magpapaniwala dun sa babaeng yun baka napagtripan ka lang. Pero sino namang mangtitrip ang aalam pa ng pangalan ko para lang maging epektib? Siguro yung mga may sayad sa utak na tulad ni Av-- arghhhh siguro siya nag-utos nun? Pag nalaman ko lang talaga. Malalagot siya saakin.

Tamad na tamad akong naglalakad pauwi ng narealize kong..... naliligaw ako whaaaaaaa. Hala anong gagawin ko? Naiwan ko sa bahay yung cellphone ko.

Patuloy ako sa pag-iisip ng maaaring gawin ng biglang may humatak sa akin at pinasok sa isang kotse.

The Boss' BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon