Faye's POV
I'm getting married? To whom? No, this is not happening. Wake up Faye, nananaginip ka lang. Ito ba ang epekto ng pag-inom ko? Baka naman nakasinghot lang ako ng kung ano. Nakasinghot ng utot. Wow rhyme pa.
"Maglakad ka na Lady Faye, maikli pa naman ang pasensya niyan ni Boss" tawa-tawang sabi nito.
Wala sa sariling naglakad ako papunta dun sa kinalalagyan ni Ciro. Sa kaniya ba? Bakit may nangyari ba kagabi na hindi ko alam? Shezz. Eh hindi ko nga maalala ang nangyari kagabi eh. Ano ito? Shotgun wedding ang peg?
"We are all gathered here to witness the union of Mr. Ciro Leisure and Ms. Faye Vieros. Does any--"
"WALANG TUTUTOL" malakas na sigaw nung mga tao.
Umiling lang yung lalaking nasa harapan namin at nagpatuloy na muli sa seremonya pero kaagad din naman itong naputol dahil sa pagsabat ng bastos kong katabi. Kawawa naman si Kuya, laging pinuputol sa sasabihin. Kung ako siya sinapak ko na 'yang mga iyan kaso hindi eh kaya magtiis siya.
"Cut the sh*t Dawes"
"Oh chill boss. Fine fine. I now pronounce you as a husband and wife. Congratulation" napipilitang anunsyo ng kaharap namin.
Kasal na ako? Nang ganun ganun lang? Nangangarap pa naman akong ikasal ng bongga yung tipong sabay kaming nagplano, yung sa simbahan ako ikakasal, yung kasama ko ang pamilya ko, at yung ikakasal ako sa mahal ko. A total opposite of my wedding dream. What happened to the world? Kaya ayoko na sa Earth eh.
"I'll gonna wait that sh*t until tommorow." sabi nito dun sa Dawes kuno na nagkasal saamin. Tumango lang ang lalaki bilang sagot.
Mabilis niya akong hinatak palabas ng bahay na yun. Nauna siyang sumakay ng kotse at dahil no choice ako dahil di ko alam ang lugar na ito ay sumakay na rin ako. Mabilis niya ulit itong pinaandar at ako naman ay tahimik na nagdadasal na sana panaginip lang ang lahat.
**
Ilang araw na ba? Nah it should be 'Ilang buwan na ba?' simula ng maikasal ako sa bastos, walang modo at palamurang nilalang na yun?
"Lady Faye"
Huh? Halos 11 months na din simula ng una at huling marinig ko ang tawag na yun. Kaya laking gulat ko nang marinig ko na naman ang palayaw na iyon. Nang lingunin ko ang tumawag sa akin ay nakita ko ang isang lalaking naka-itim na suite. Man in black be like.
"Uhmm. Ako po ba?" tanong ko dun.
Malay niyo diba hindi pala ako tapos ang assuming ko na ako yun. Mas magandang nagtatanong muna para iwas pahiya. Sabi nga sa isang commercial, wag mahihiyang magtanong.
"Opo. Kailangan niyo pong sumama sa akin"
"Huh? Bakit naman po? At saan naman po? Naku kuya wag mong sabihin dun mo ko dadalhin sa bastos, walang modo at palamurang nilalang na yun. A.YO.KO" sabi ko at naglakad ulit.
After 11 months, ano? bigla niyang guguluhin ulit ang matiwasay kong buhay? Alam niya bang matapos akong makasal kuno sa kaniya ay hindi na ulit naging matiwasay ang buhay ko. Dahil araw-araw kong iniisip kung paanong naikasal ako at kung totoo bang kasal na ako. Paano na lang ang lovelife ko?
"Kailangan niyo na pong bumalik sa bahay ni Boss."
"Ayyy kuya di nakaintindi? A.YO.KO. Gusto mo spell ko pa? A-Y-O-----"
Hindi ko na natapos ang pag-spell ko dahil sa biglang may itinapat na panyo sa akin si Kuya. Ayyy bastos na nilalang, mana sa boss nila. Naramdaman ko na lang na may humawak na din sa akin na isa pang lalaki.
BINABASA MO ANG
The Boss' Bride
ActionThe Boss' Bride by: Eonnieverse My name is Faye Vieros and this is my not so ordinary and full of action story. Highest Rank: #16