Faye's POV
Kalayaan ni Insan kapalit ang pagsama ko sa kanila. Kahit labag sa akin ay sumama ako, ayoko naman maging makasarili madami ng nagawa saakin si Papa at Ate. Ngayon ako naman ang magsasakripisyo.
"Hinihintay ka na po niya Lady Faye"
Inirapan ko muna yung lalaki at pumasok na dun sa opisina daw ni Boss. Psh. Boss na abnormal na nagmula sa di malamang planeta na naligaw dito sa Earth kasama ang mga alagad niyang elyen maliban kay Lilorh. Ang dami ko pa sanang gustong sabihin pero minabuti ko na lang na ituon ang aking isipan sa pagkalma saaking sarili, kasi pakiramdam ko kunti na lang talaga at mawawala na ako sa sarili ko at baka Mental Hospital pa ang bagsak ng dyosang si Faye.Pagkapasok ko ay nakita ko siyang nakaupo sa isang swivel chair at sa harap niya ay isang lamesa na may mga papel at kung ano ano pa.
"I've heard the news."
Napairap na lang ako sa inis. Anong paki ko kung narinig niya yung balita? Psh. Edi siya na chismoso.
"You took down my two men." pagpapatuloy niya sa sinasabi niya pero hindi pa din nakatingin saakin kung hindi dun sa papel na hawak niya.
Kahit gustong-gusto ko na siyang barahin ay minabuti ko na lang na tumahamik dahil sumasakit lang ang ulo ko. Pati pala yung bewang ko na kanina pa masakit dahil dun sa bakbakan na nangyari kanina.
"So you're good at fighting ha."
Sige lang kausapin mo yang papel mo. You're good at fighting, fighting ha! Bahala ka sa buhay mo. Leche kang bastos, walang modo at palamurang nilalang. Naku naku.
"Why you're not answering me?" inis na sabi nito ng mapansin niyang nananahimik lang ako.
"Are you even asking me?" pabalang na sabi ko.
"Tsk. Let's get to the point Ms. Vieros. I need you."
I need you girl weh honda champorado puto suman ibon he. I mentally sing after I heard the word 'I need you'. Dyosa lang makakarelate.
"For what Mr. Dell'Acqua?" nakataas kilay kong tanong.
"To secure my house"
Aba? Sabog ba to? To secure? Anong akala niya saakin guard? pulis? sundalo? air forces? Ano bang nahithit nitong nilalang na ito?
"Ang dami-dami mong tauhan tapos ako pa ang gusto mong magbantay ng bahay mo? Nasisiraan ka na ba ng bait?" inis na inis na sabi ko.
"Tsk. Slow."
What? Ako pa ngayon ang slow? Eh sa yun yung naintindihan ko. Hindi ko kasalanang ang labo niyang kausap dinaig niya pa ang Tulyahan River. Dyosa lang ulit nakakaalam nun.
May pinindot siyang kung ano na button tapos maya-maya pumasok si Lilorh na kalook a like si Nam Joo Hyuk. Crush ko na si Lilorh liek omayah fangirl feels.
"Hi Lady Faye. Hello Boss. Anong maitutulong ko sainyo?" nakangiting sabi niya.
Wao. Bakit pakiramdam ko lalo atang gumwapo to? Samantalang tong nilalang na kaharap kong bastos, walang modo at palamura hanggang ngayon pangit pa rin.
"Explain." utos nito na mukhang nagets naman ni Lilorh.
Pinaikot ko muna ang aking mata bago tumingin kay Lilorh at hinintay na magpaliwanag. Naalog siguro utak ni Loko kaya hindi kayang mag-explain at inutos pa kay Lilorh, o baka naman masyadong nagandahan saakin at naspeechless siya. Enebe.
"Kasi ganito yan Lady Faye. Simula ngayon dito na kayo titira, at dahil dito na kayo nakatira ikaw ang laging maiiwan dito dahil si Boss ay laging may lakad kaya bali ikaw ang bantay nito lagi" paliwanag niya.
Tumango-tango ako matapos niyang mag-explain pero napatigil din ako ng marealize ko ang ibig niyang sabihin. Whuttt?
"Ano?!!! Magiging caretaker ako ng bahay na to?" gulat kong tanong.
"Parang ganun na nga po."
Utang na loob, isa akong writer slash journalist, napakalayo sa pinapagawa nila. Ibinalik ko ang tingin ko sa bastos, walang modo at palamurang nilalang na yun pero this time mas naging deadly na ang tingin ko. Sana nakakapatay na lang ang tingin ko yung tipong may lalabas na laser ganurn para mawala na sa landas ko tong nilalang na ito. Para byuda ako kaagad. No to Ciro, Yes to lovelife.
"Ginulo mo ang buhay ko para lang maging caretaker nitong ba-- ay este mansion na to. Nag-attempt na kidnapin ako nung nga tauhan mo kaya napalaban ako para lang dito? You're unbelievable"
"Who told you to fought?" taas kilay na tanong nito na lalo kong kinainis.
Inis na lumabas ako ng opisina niya at malakas na sinara yung pintuan nun.
"IKAW! NASAN YUNG KWARTO KO?" galit kong tanong dun sa lalaking nakita ko.
"Ahmm. T-tara po it-turo ko." nauutal na sabi nito at sinamahan ako papunta saaking kwarto.
Mabilis akong pumasok dun at galit na sinara ang pintuan. Ginagalit talaga ako ng bastos, walang modo at palamurang nilalang na yun ha. Whoo calm down Faye calm down.
Ilang minuto ko din kinalma ang sarili ko baka kasi puntahan ko ulit siya sa opisina niya at masuntok ko siya ng wala sa oras. Mukha pa namang pumapatol sa babae yung nilalang na yun mahirap na no. Ngayong kalma na ako napagmasdan ko na ng maayos ang kwarto na kinalalagyan ko. It's a color peach, simple but beautiful just like me.
Haysss naalala ko na naman yung kasinungalingan ko kanina kay Papa. Nagpaalam kasi akong nakahanap na ako ng trabaho kaso stay in kaya kailangan kong magbalot balot ng gamit. Ano na lang ang mangyayari pag nalaman niya ito, lagot ako sa kaniya pati na din kay Ate. Hayyys.
*katok katok*
Napalingon ako dun sa pintuan ng may kumatok. Hinintay kong may magsalita at narinig ko ang pagtawag nito sa aking pangalan na may kasama pa ding 'Lady'
"Lady Faye. Kakain na po"
"Hindi pa po ako gutom" magalang kong sagot.
Actually gutom na ako pero wala ako sa mood na kumain baka kasi pagnakita ko nanaman yung nilalang na yun ay di na ako makapagpigil at maitapon ko pa sa mukha niya ang mga pagkain. Itutulog ko na lang ito. Haysss sana bukas wala na itong sakit sa aking bewang. Kasalanan talaga ng nilalang na iyon ang lahat ng ito.
**
Nag-inat muna ako bago umupo at nagkusot ng aking mga mata. Papahikab na sana ako ng may nagsalita, panira naman oo.
"You didn't eat yesterday"
Tiningnan ko lang ito ng saglit, pagkatapos ay pinagpatuloy ko na ang naudlot kong paghikab pero hindi pa din natuloy dahil nagsalita nanaman siya. SUPER PANIRA!
"Hard-headed"
Psh. Panira ka ng buhay! Lifewrecker leche kang nilalang ka.
"Alam mo Mr. Dell'Acqua w---"
Bastusan lang ganun? Nagsasalita ako tapos puputulin. Nakakainis lang.
"Just call me Ciro" putol niya.
He interrupted me while talking para lang sabihing tawagin ko siyang Ciro? Napaka-demanding naman niya.
"Oh yeah Ciro. Alam mo kung guguluhin mo ako pwede ba mamaya na lang at baka di kita matantsa. Magbiro ka na lang sa lasing wag lang sa taong humihikab. Panira."
"Tsk. Let's eat"
Sa wakas natapos din yung hikab ko, alam niyo yung parang nagbabawas ka tapos success? Ganun din yung feeling kapag nakahikab ka na ng maayos.
"Faye?"
Wao. First name basis na kami. Improving na kami, parang kahapon Ms. Vieros at Mr. Dell'Acqua lang ang tawagan namin. Narealize niya na bang Mrs. Dell'Acqua na din ako? Ngayon ko lang din narealize eh.
"Hindi pa ako gutom"
"Tsk. Don't fvcking kidding me."
"Ano ba pwede ba tigilan mo yang kakamura mo? Oo na kakain na" naiinis na sabi ko at magtali ng buhok sabay alis sa kama.
BINABASA MO ANG
The Boss' Bride
AkčníThe Boss' Bride by: Eonnieverse My name is Faye Vieros and this is my not so ordinary and full of action story. Highest Rank: #16