Chapter 18: Deviant and Vieros

10.2K 245 0
                                    

Zyren's POV

Nagsiyukuan ang dalawa ng makita nila akong dumating. Binigyan ko lamang sila ng malamig na titig at itinaas ang hawak kong baril. Itinutok ko ito sa kanila na naging dahilan para lumandas ang takot sa kanilang mga mukha.

"Fools" madiin kong sabi sabay putok nito sa kanila.

Sumenyas ako na linisin ang bangkay ng dalawang inutil na iyon na kaagad naman nilang sinunod. Madali lang naman ang inutos ko sa kanila iyon ay mahigpit na bantayan si Faye at h'wag hayaang makapunta muli dito. Pero dahil sa kainutilan nila muntik na itong mapahamak. Mariin akong napamura dahil sa katangahan ng mga ito. Kung hindi ko pa nakita ang sasakyan nito ay baka nadamay na talaga ito sa gulo. Alam kong hindi pa siya handa para dito. Masyado pang magulo ang lahat para sa kaniya. Isama mo pa ang Mafia Boss na asawa nito. Those shit inisahan nila kami. Kung nalaman ko ang katotohanan ng mas maaga edi sana napigilan ko iyon.

"Zyren" anang na tawag sa akin ng lalaking tumayong ama namin ni Faye na si Alejandro.

Tiningnan ko ito pero hindi ako nagsalita. Malaki ang naging tulong nito sa amin pero hindi nun mababago ang katotohanang itinago niya ang totoo sa amin. Katotohanang karapatan naming malaman.

"Hindi pa ito ang oras para malaman ng kapatid mo ang totoo" ani nito habang nakatingin sa akin.

Bigla akong binalot ng aking galit na naging dahilan para itaas ko ang aking baril at itinutok ito sa kaniya.

"Anong karapatan mo para magdesisyon? Kasalanan mo kung bakit naikasal si Faye sa lalaking iyon" galit na sabi ko dito.

"Kumalma ka Ms. Deviant" pagpapakalma sa akin ni Crion.

Hindi ako nakinig dito at nakipaglaban ng titigan kay Alejandro. Kasalanan niya kung bakit mas lalong napahamak ang aking kapatid.

"Matagal ng nakaayon iyon sa plano ng inyong mga magulang"

"SHUT UP!" malakas na sinigaw ko at ipinutok ang baril sa paahan nito na naging dahilan para ito'y mapahiyaw. Kaagad naman itong dinaluhan ni Crion. Such a lovely couple pwee. Ipinutok ko din ang aking baril sa kamay ni Crion.

"Wag niyong kalimutan na ako na ang pinuno niyo. Ako ang nagdedesisyon at hindi kayo" madiing paalala ko at nilisan na ang lugar.

Paano ba ako naging ganito? Dati naman simpleng babae lang ako na mahilig manuntok ng mga walang kwentang lalaki. Pero nang ipakulong ako ng lalaking iyon biglang nabago ang lahat. Mga katotohanang pilit ikinukubli ng lalaking tumayong ama namin. Mga bagay na may kinalaman sa pagkatao namin. Lahat ng ipinagkait nila sa aming magkapatid.

Anak pala kami ng dalawang Mafia Boss. Sila Jin Adrian Deviant at Faith Vieros na kapwa nagmula sa malakas ng organisasyon. Hindi naikasal ang dalawa dahil sa gulong ginawa ng organisayong matagal ng kalaban ng Deviant Organization. Sila din ang pumaslang sa magulang namin. Bata pa lamang ako ng maganap iyon ayon kila Alejandro. Dahil sa utos ng aking ama na si Jin Adrian na itakas kami kaya kami nakaligtas mula sa gulong iyon. Ang aking ina naman ay kasama naming nakatakas pero namatay ito ng ipanganak si Faye. Magmula noon ay nabuhay na kami sa kasinungalingan.

Kung hindi ko pa napuntahan ang lugar na ito ay hindi ko malalaman ang katotohan tungkol sa amin. Kung hindi din dahil kay Avriade hindi mabubukas ang aming mga mata sa mga bagay na nililihim sa amin.

Hindi ako pwedeng maging mahina. Para kay Faye at para na rin sa aking sarili. Kung kailangan kong pumatay ng libo-libong tao, gagawin ko. Nasa dugo ko ang pagiging Deviant at Vieros.

Kinuha ko ang aking telepono at tinawagan sila Crion na nasa tingin ko ay nagpunta na sa Hospital.

"Where are you?" tanong ko na kaagad naman nilang sinagot.

Buntong hiningang pumasok ako sa aking silid at nagpalit ng damit. Kailangan kong humingi ng tawad sa dalawang iyon dahil nadala na naman ako sa aking galit. Sila ang naging katulong ko para unti-unting mabawi ang para talaga sa amin. Mamaya ko na iisipin kong paano manghihingi ng tawad, sa ngayon kailangan ko munang patayin ang nagpasimula sa gulo kanina.

Pagkadating ko sa kinaruruonan nito ay nakita ko ang mga tauhan kong pilit itong pinapasalita. Ngumisi lamang ito ng makita ang aking pagdating, nang mapansin naman ng mga tauhan ko ang presensya ko ay kaagad itong yumuko.

"Sino ang nagpadala sa inyo?" mahinahong tanong ko dito.

"Sino sa tingin mo?" nakangising tanong nito.

Mabilis kong kinuha ang kahoy na hawak ng aking tauhan at inihampas ito sa lalaking kaharap ko. Malakas itong napahiyaw pero maya maya ay ngumisi lang. Isa pang malakas na hampas ang ginawa ko.

"Sino?" matigas na tanong ko.

"Dell'Acqua Organization"

Binunot ko ang aking baril at pinutok ito sa kaniya.

"Ting! Wrong answer"

Senenyasan ko ang mga tauhan ko para iligpit na ang bangkay nito. Hindi lingid sa aking kaalaman ang katotohanang mahigpit na magkalaban dati ang Deviant-Vieros Organization at ang Dell'Acqua Organization pero hindi din lingid sa aking kaalaman na nagkasundo na ang dalawang ito. Those shitty heads really want a war then I'll give them what they want. I am not a Vieros and Deviant for nothing. I can kill merciless for the sake of my family and my organization.

I dialed his number which he answered right away.

"Avriade"

"Yes, baby?" malambing nitong sagot.

It gives me a thousand emotions, with just that two words. You are really messing my mind now, Avriade. And I am getting scared because of it.

Though my heart is beating as fcvk, I still decided to act brave. Ignoring what he said.

"Cut the shit. How's my sister?"

Narinig ko itong tumawa sa kabilang linya na dahilan kung bakit nanindig ang aking balahibo. Why do I always feel like this when it comes to him? Damn Avriade!

"She's fine, baby. Napaliwanag ko na rin kay boss ang mga nangyari. I also give him your regards."

"Fvck you Avriade"

"Sure, baby. When?"

Narinig ko pa ang malutong nitong tawa bago ko pinutol ang linya. I put my hand to my forehead while thinking that a-hole.

The Boss' BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon