Chapter 13: Wake up

12.1K 264 1
                                    

DAWES NGA PALA NASA MM^^

Faye's POV

Nasa kalagitnaan ako ng mahimbing na pagtulog ng makarinig ako ng isang ingay. Medyo nairita ako sa ingay kaya idinilat ko ang aking mga mata. Noong una ay nataranta ako dahil may nakita akong bulto ng mga taong nakatayo malapit sa aking paahan. Pero nang kusutin ko ang aking mga mata ay naaninagan ko ang limang mga lalaki. Ang tatlo ay pamilyar sa aking mga mata kasama na si Ciro at dalawa pang lalaki na mukhang ngayon ko lang nakita.

Umupo ako sa higaan at tinitigan silang tatlo. Bakit ba nandito sila? Inaantok pa ako eh.

"Anong problema niyo?" malat na tanong ko kay Ciro sabay hikab pa.

"Get up" utos sa akin ni Ciro.

Inis na kinusot ko ang aking mga mata at padabog na tumayo. Ngayon ko lang narealize ang sakit pala nung pagkakusot ko sa mata ko. Katangahan nga naman oo.

Tumalikod sila at naglakad na paalis sa aking kwarto, naiwan naman akong nakatayo na pumipikit pikit pa ang aking mata. Gusto ko pang matulog, ano bang problema nila?

Babalik na sana ako sa pagkakahiga ng biglang may hinagis saaking bagay na dahilan kung bakit biglang nabuhay ang aking diwa. Sa pag-aakalang daga o ano ang tumama sa akin ay tuluyan talaga bumuka ang aking mga mata.

"Ano yun?" gulat kong tanong.

Pinulot ko yung bagay na binato sa akin at nang tingnan ko ito ay nakita ko ang isang training cloth. Aanhin ko ito? Baka siguro isusuot no Faye? Kamot ulo akong pumasok sa cr at naligo kahit na nilalamig pa.

Taas kilay kong tinitigan ang limang lalaking nasa harapan ko. Yakap-yakap ko ang aking sarili dahil sa lamig na nararamdaman. Sino ba kasing pasimuno nito?

"Magtititigan na lang ba tayo dito? Jusko alas-kwatro pa lang dapat natutulog pa ako ng mahimbing. Nakakainis kayong mga nilalang." hindi makapaniwala kong sabi.

Walang sumagot sa akin pero nagpalitan sila ng mga tingin na akala mo ay may pinag-uusapan. Sa sobrang inis ay naisipan kong mag-walk out kaso biglang nagsalita si Ciro the loko.

"Your training will start today"

Ano raw? Training as in? Nanlaki naman ang aking mata sa sinabi niya. For real? Tinotoo niya yung sinabi ko kagabi? Nagloloko lang naman ako nun eh. Pero sabi nga nila some jokes are half meant.

"Teka is this for real?" tanong ko sa kaniya.

Napakunot naman ang kaniyang mukha at base sa itsura niya parang babawiin niya na ang sinabi niya kani-kanina lang. Pero kaagad ko din naman siyang pinigilan. Kung totoo ngang magtatraining ako diba magandang bagay yun? Kasi magagawa ko ng ipagtanggol ang aking sarili gamit ang mga baril. Oo nga kaya kong ipaglaban ang aking sarili gamit ang pagsuntok pero mawawalan naman ako ng laban when it comes to bullet. Baka pasuntok pa lang ako bumaril na kaagad ang kalaban diba? Hindi pa naman uso sa kanila ang taympers.

"Let's go"

Sumunod naman ako sa kanila at huminto kami sa isang malaking pintuan. Teka hindi ko napapansin tong pintuan na ito. Binuksan ni Ciro ang pintuan at tumambad sa akin ang isang malawak na shooting range. Meron palang ganito dito? Bakit wala akong kaalam-alam. Nakaramdam tuloy ako ng excitement, iisipin ko pa lang na hahawak na ako ng baril pakiramdam ko parang bumibilis na ang daloy ng dugo ko.

"This is my secret shooting range, no one can ever enter here without me." paliwanag ni Ciro.

Tumango-tango naman ako habang nakikinig sa sinasabi niya. Actually hindi ko talaga nagegets yung sinasabi niya, lumilipad ang aking utak at nagpupunta na sa mga baril na posible kong magamit. Wala akong masyadong alam sa mga baril ang alam ko lang ay ang pistol, AK47 at shotgun na naririnig ko lang din sa mga batang naglalaro sa mga computeran dati noong nag-aaral pa ako.

"So let's start"

Agad nagliwanag ang aking mukha ng sabihin niya ang salitang iyon. Pero nagulat ako ng idugtong niya ang salitang sa tingin ko ay pangalan ng isa sa dalawang hindi ko kilala.

"Boss, ayokong saktan ang pinakamamahal mong si Lady Faye" sabi ng isang lalaki na malamang Dawes ang pangalan.

"Wanna die?" Ciro asked dangerously.

Kahit labag sa kalooban ni Dawes ay pumwesto na ito na parang aatake. Nagulat naman ako ng aatake na sana ito kaya kaagad ko itong piniligan.

"Hoyy teka lang. Kalma ka lang. Ano bang gagawin ko? Akala ko ba training to? Bakit aatakehin ako nito?" naguguluhan kong tanong habang nakaturo kay Dawes.

Napansin ko namang nagtatawanan ang mga lalaking nasa likod ni Ciro na sila Yue. Natigil naman ito ng biglang lumingon si Ciro.

"Yeah training. A physical training." sagot nito.

Tokneneng! Paasa din ito si Ciro akala ko pa naman mga baril yung pagtetrainingan ko tapos iba pala. Dapat kanina niya pa sinabi. Napairap na lang ako at hinarap ulit si Dawes.

"Game na" tamad na tamad na sabi ko.

Nagsimula na itong umatake na agad ko namang nailagan, grabe kung tumama yun sa akin kanina siguro malaking pasa ang abot ko. Ang lakas ba naman sumuntok. Sumuntok ulet ito and this time nadaplisan ako ng suntok niya.

Takte daplis lang yun pero ang sakit na. Minabuti ko munang wag umatake dahil umiisip pa ako ng posibleng gawin. Sa pangatlong suntok niya ay yumuko ako at siniko patagilid ang kaniyang kamay na ginamit niyang pansuntok.

Sinigurado kong sasama ang katawan niyang tatagilid, at nang tumagilid na siya doon ko ginawa ang aking plano. Medyo malakas kong hinampas ang kaniyang leeg enough for him to be unconscious. Nawalan ito ng malay pero nasalo ko. Hinintay kong may tumulong saakin, pero paglingon ko nakadilat ang kanilang mga mata at animo'y nagulat sa nangyari.

"Tulungan niyo ko dito" inis na sabi ko sa kanila.

Nang mabalik na sila sa realidad ay kaagad namang lumapit saakin yung isang lalaki at binuhat si Dawes. Maya-maya ay tumawa si Yue.

"Grabe ka Lady Faye. Saglit mo lang kinalaban si Dawes, pero sabagay babakla-bakla yung lalaking iyon." natatawa ding sabi ni Lilorh.

Babakla-bakla na ba ang tingin nila dun? Eh kung hindi ko nga nailagan mga suntok nun baka marahil nagwawala na ako ngayon sa sakit at marahil sinugod na din ako sa hospital.

[A/N: Short updates please bear with it]

The Boss' BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon