Dedicated to mylabs RuthChuu
Sorna. Kung ngayon lang. Mwehehe.Faye's POV
Akala ko hanggang caretaker lang ako, pero ngayon chef na din. Aba umaasenso ako, pero hindi pa din ito kasali sa totoo kong job description. Writer slash journalist pa din ako kahit anong mangyari. Sadyang napipilitan lang ako. Napilitan nga ba? O dahil hindi mo siya matanggihan?
What? Lesheng pag-iisip ito kabanas. At bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Ano bang nakain ko at ganito ako? I think I've lost my mind.
"Bakit ba kasi pinaalis mo yung mga chef mo? Naghihirap ka na ba kaya pinagtatyagaan mo na lang ako para iwas bayad? Hoyy may bayad na to wag kang abuso." sabi ko sa kaniya.
"Milady."
*kabog ng puso*
Heto na naman kami ni puso kapag tinatawag niya ako ng ganyan. Ano ba puso kumalma ka nga isang bastos, walang modo at palamurang nilalang lang yan. Inhale. Exhale.
"Tigilan mo nga yang kakatawag sa akin niyan. Tatadtarin ko ng sili itong niluluto ko." Inis na sabi ko.
"Hmm. Do you know anything about mafia?"
Napahinto ako saglit sa paghihiwa ng gulay ng itanong niya yan. Ano na naman ba ang nasinghot nito? At bigla na lamang nagtatanong ng walang kabuluhang tanong.
"Huh? Oo diba galing sila sa Italy? Tapos yakuza naman ang tawag kapag Japanese. Kangpae naman pag-korean. Pero kapag dito sa Pinas ang tawag sa kanila tambay at siga naman" sagot ko habang nagkikibit balikat.
Nalukot naman ang mukha nito habang nakatingin pa rin sa akin. Sinuklian ko naman ito ng irap dahil trip ko. Bakit ba?
"What if I'm one of them?"
Tuluyan na talaga akong napahinto sa paghihiwa at nabitawan ang hawak kong kutsilyo sabay tingin sa kanya. Nasisiraan na ba ito ng isip?
"AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA OMAYGHAD HAHAHAHAHA TAKTE HAHAHAHA" malakas kong tawa habang humahampas hampas pa dun sa counter.
Ang lakas magjoke ng nilalang na to. Bentang-benta saakin. Akalain mo yun marunong pala siyang magjoke, now I know. Sa ugali na taglay niya siguro posible pa pero sa mukha at estado niya sa buhay parang ang imposible namang tambay at siga siya.
Wala akong sinabing pogi siya ha, ang akin lang wala sa itsura niya ang maging gangster. Come to think of it si Ciro pagala-gala habang nakasuot ng mahabang medyas at tukong short habang nakasuot ng t-shirt na may brand ng kung ano like Supreme. Diba? Ang weird pero parang ang cool niya pa din tingnan. Who says? Hindi ako.
"Grabe hahaha grabe ka Ciro. Nice one you got me there hahaha. Grabe ang galing mo palang magjoke. Dapat araw-arawin mo baka ako pa mismo ang makipag-ayos sa iyo sa tuwing nag-aaway tayo. "
"Shit"
Mukhang napikon ata siya sa pagtawa ko kasi biglang nagwalk-out yung nilalang. Hahaha grabe laughtrip talaga siya. Nainis ba siya dahil ang lakas ko tumawa? Well ganun talaga ako. Hindi ako magbabago para lang masatisfy ko ang gusto niya.
I just shrugged my shoulder at tinuloy na ang aking ginagawa. Bahala na siya sa buhay niya, matanda na yun keri na niya sarili niya. Baka pupunta siya sa mga tropa niya dahil may get together sila.
"HAHAHAHAHAHAHA" bulalas ko na naman ng tawa ng maisip ko ang eksenang iyon.
Ciro's POV
"What's up Boss" he greeted me as soon as I enter the place.
BINABASA MO ANG
The Boss' Bride
ActionThe Boss' Bride by: Eonnieverse My name is Faye Vieros and this is my not so ordinary and full of action story. Highest Rank: #16