Faye's POV
Dinig na dinig ko pa din ang tawa ni Ciro at ang dahilan nun ay yung babaeng nakalimutan ko kung ano ang name. Kanina pa din ako nakatambay dito sa kwarto, wala akong ganang lumabas. Hindi naman ako tanga at hindi ko hilig ang magdeny. Oo nagseselos ako at ang nakakainis pa may karapatan ako na parang wala. May karapatan ako dahil asawa ko siya.. sa papel at wala akong karapatan dahil wala naman talaga. Ang gulo diba? maski ako naguguluhan, nababaliw at nalilito.
Grabe din yan si Ciro ang manhid. Nung nagwalk-out ako kanina wala man lang paki ni hindi nga ako nilingon. Samantala sila Yue nilingon ako at balak sana akong pigilan. Arghhh. Hindi naman ako murderous kung mag-isip but right now I really want to strangle that girl's neck until she become breathless. I want to scream right now because I'm really angry but I'm trying my best to stop myself. I need fresh air. Speaking of fresh air, gusto kong bumalik dun sa park na pinuntahan ko. I know it's dangerous but right now I don't know and I don't care.
As I reach the front door, I heard someone calling my name. But as I said earlier, right now I don't care with things. I want to go there, even though dangerous is what will I face.
Madilim, tahimik at malamig. Pagkadating ko sa parkeng iyon, parang gusto kong umuwi na lang ulit dahil ngayon ko lang nadama ang takot. Parang mas doble pa iyon sa takot na naramdaman ko nung huli akong napunta dito. Pero wala ng atrasan ito. Gusto kong masagot na ang mga tanong sa aking isipan. Mga katanungang sigurado akong konektado sa sinabi ni Izaec. Hindi naman ako tanga at lalong hindi ako manhid. Una, si Papa. Bakit ko siya nakita dito? Pangalawa, yung babaeng nakausap ko? Paano niya ako nakilala? Pangatlo, si Izaec. Yung sikretong maski ako hindi ko alam. And lastly si Ciro, why did he marry me? Bakit parang may tinatago sila sa akin? I am full of question and right now I want my questions to be answered.
"What are you doing here?" isang seryosong boses ang aking narinig. Hinanap ko kung saan ito nanggaling at gamit ang liwanag na nagmumula sa buwan, nakita ko ang isang babaeng prenteng nakasandal sa isang puno.
"Sino ka ba talaga?" tanong ko rito.
Naglakad ito papunta saakin habang hawak hawak ang isang patpat na sa tingin ko ay pinulot niya lang kanina. Hindi tulad ng pagkikita namin, wala na itong hawak na baril tanging ang maskara niya na lamang ang nagbibigay alaala saaking siya ang babaeng nakita ko.
"I asked you first Faye."
Matapang ko itong tinitigan habang ito'y naglalakad papalapit saakin. I don't know why but my fear earlier was slowly fading as if my life isn't in dangerous.
"I'm here because I have so many question at sa tingin ko nandito sa parkeng ito ang sagot." sabi ko sa kanya saktong paghinto niya ng lakad ilang metro lang saakin.
"Why do you say so?"
Nagkibit-balikat lang ako at sumandal dun sa isang puno na malapit saakin. Napatingala ako, ang maliwanag na bilog na bilog na buwan ang aking nakita.
"Who am I?" tanong ko sa kaniya.
Narinig kong napabuntong-hininga ito. Naglakad muli ito palapit saakin pero napahinto bigla sa hindi malamang dahilan.
"Mr. Dell'Acqua" ani nito gamit ang isang mapanganib na boses.
Dahan-dahan naman akong lumingon at nakita ko dun si Ciro na seryosong-seryoso ang itsura. Binalik ko ang tingin ko sa babae na nakatayo lang ilang metro saamin. Nagulat na lang ako ng hinatak ako ni Ciro papalapit sa kaniya at nilagay sa likod nito. Narinig ko namang tumawa ang babae at napailing-iling.
"I won't hurt her Mr. Dell'Acqua, never in my life so don't worry." ani nito sabay bato ng isang bagay na naging dahilan kung bakit nagkaroon ng usok.
Napaubo naman ako at napapikit. Pagdilat ko wala na yung babae. Tatanungin ko sana si Ciro kung nasaan ang babae nang biglaang lumingon ito na kinagulat ko.
"I told you don't leave me." sabi nito.
Tataliwasin ko sana ang sinabi niya ng bigla niya akong hatakin palapit sa kaniya na lalo kong kinagulat.
"Ang lakas ng tibok ng puso mo." ani ko ng marinig ko ang malibis na tibok ng puso nito.
Medyo humigpit ang yakap nito sa akin. Wala sa sariling niyakap ko din ito. Naguguluhan na ako sa kaniya. I know deep inside me, I already have feelings for him. No, I think I'm inlove with him. Hindi naman ako magseselos kanina kung wala akong nararamdaman sa kaniya. Pero.. ano nga ba ang nararamdaman ni Ciro?
"It's your fault. You scared me milady." ani nito at bumitaw sa yakap.
Napa-huh naman ako sa sinabi niya pero nagulat na lang ako ng hapitin niya ang aking bewang at ang sunod na nangyari ang mas lalo kong kinagulat. He kissed me, a slow kiss na parang sinasabing I am really important to him and he's afraid kapag nawala ako. Am I guessing it right? Or Am I just being delusional?
"Please don't leave me." he said after breaking the kiss.
He buried his face to my neck. Damang dama ko ang mainit na hininga ni Ciro. Pero maya maya may naramadaman akong basa. He's crying, Ciro's crying but why?
"Why?"
"Just don't."
[A/N: Corny ko shoxx. Tinatamad kasi talaga akong mag-update HAHAHA. Why? Ewan ko din. Dahil siguro nawawala na yung inspiration ko para sumulat, which is kayo (readers). You are my energy, kaya kapag hindi ko nararamdaman ang presence niyo, nawawala yung energy ko na mag-update. But still wabyu and thanky for reading this shit of mine hikhok. Silent readers labas, give me energy brrrr. ]
BINABASA MO ANG
The Boss' Bride
ActionThe Boss' Bride by: Eonnieverse My name is Faye Vieros and this is my not so ordinary and full of action story. Highest Rank: #16