Chapter One: ALIEN?

32 2 0
                                        

Chapter One: ALIEN?

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kaya etoh na nga ko ngayon, parang baby sitter!

"Hoy, lagpas ng 15 minutes!" sambit ko sabay gising sakanya.. "Hoy!"

Sobrang himbing na talaga ng tulog niya?! Hanep toh' ah di man lang natinag..

Saglit akong nag-isip at dahan-dahang inalis sa pagkakasandal sa balikat ko ang ulo niya. Maayos ko rin naman siyang pinwesto sa sahig.. KAYA BAKIT AKO MAKUKUNSENSYA?!!

Tumayo ako't dahan-dahang naglakad papalayo. Wait lang ah?! Bago niyo isiping wala akong pusong nilalang, nag-iingat lang talaga ko OKAY?! Ayoko mag-usok na naman sa galit sina mama't papa at mas lalong ayokong magalit si Sonia! So wag niyong sabihing, masama akong tao ah!

Kaya naglakad na nga ako papalayo..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

AY BWISIT! OO NA MASAMA NA KONG TAO!

Napalingon ako't ayun tulog na tulog pa rin si Sadako..

Napabuntong hininga na lamang ako habang naglalakad pabalik..

"Bakit ba kasi napakabait kong tao?!!" bulong ko.

Dahan-dahan ko siyang ipinasan sa likod ko..

"ASAR TALAGA!!"

Ngayon ko lang narealize, ANG BIGAT NIYA PRE! Naglalakad pa naman kami..ako lang pala.

Ako kasi yung tipo ng lalaking kapag gustong mapag-isa out of stress hindi ako nagdadrive (baka mabangga sa sobrang highblood) . May kotse nga ako pero mas mahal ko pa rin ang skateboard ko, ganito kasi ang kinalakihan kong laro sa U.S.

Pero hindi ko naman toh' magagamit ngayon, may buhat kasi akong isang sako ng bigas (I mean, kasing bigat ng isang sakong bigas)..

And you know what's the most stressing part?!! Alas dose na ng gabi tol..

Puwede ba kong umapela sa barangay?!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nang napansin kong napakalapit na pala namin sa bahay. Nagsimula ng gumana ang reasoning skills sa utak ko..

OPTION A
"Mom, dad.. Naawa po ako sakanya kasi palaboy-laboy siya sa daan."

Hindi convincing, masyado siyang maputi para mapagkamalang pulubi..

Option B
"Mom, dad.. bigla na lang po siyang lumitaw sa harapan ko sa kung saan at sobrang LASING NA LASING! AS IN! Di ko talaga siya kilala, promise!!"


Hindi rin convincing, hindi naman siya amoy alak. Tsaka mukha lang siyang uhugin hindi lasing!

GRABEH, minsan ko na nga lang gamitin ang reasoning skills ko ayaw pang gumana..

"Bahala na.." bulong ko't nilakasan ko na lang ang loob ko ng nasa tapat na ko ng gate.

Pero bago ko pa man mahawakan ang kandado'y may nagbukas na ng pinto..

"MAMA!" gulat na bulalas ko't tinitigan niya lang ako ng masama. Patay! Anong sasabihin ko?

"Ah mama kasi po--"

"O' anak, bakit kasama mo ang kaibigan mo?"

"HUH??"

"Di ba si Bambam yan??"

"Bambam??.."

Si Bambam Thong ba tinutukoy ni mama?!! Eh nandun si Bambam sa bahay nila't nagko-computer??

Napalingon ako sa paligid pero wala naman si Bambam.."Nasan' po ma??"

"Nakikipaglokohan ka ba sakin iho?! Ayan si Bambam, pasan-pasan mo o'!" sagot ni mama't nagtaka naman ako.

Di niya ba napapansing babae ang pasan ko?!! O' HOLY COW! Naeengkanto ba si mama?!! O ako?!!

Bigla akong nangilabot habang pinagmamasdan ko ang babaeng buhat ko! Sino ba talaga siya??!


"Napaka-cute talaga ng batang toh' .." natutuwang sambit ni mama habang pinipisil ang mukha ng babae! HALA KA DYAN'!

"Ma--"

"Alam ko ng sasabihin mo anak.. Oo, mainit pa rin ang dugo ng daddy mo kaya bukas mo na lang siya kausapin."

Kahit hindi naman talaga yun ang gusto kong sabihin, nakaramdam pa din ako ng lungkot. Blacksheep na talaga ang tingin sakin ni papa't di na magbabago yun..

"Ah sige na dalhin mo na sa kwarto mo si Bambam, san' ba kasi kayo nagsususuot?!!"

"SA KWARTO KO?!!" bulalas ko't halata ang pagtataka sa mukha ni mama.

"Lagi namang natutulog sa kwarto mo ang mga kaibigan mo di ba? Bakit parang ayaw mo??" tanong ni mama.

"Aaaah--kasi-- kasi sobrang lakas talagang humilik ni Bambam! Ang sakit sa eardrums ma, as in!" pagdadahilan ko't sana tumalab naman.

"O' sige na, sa guest room mo na lang siya patulugin para tapos na ang usapang toh."

"Thanks ma! Goodnight po..heheh.."

"Goodnight din Mark.."

Medyo nakahinga na ako ng maluwag ng sandaling yun..

PERO TEKA NGA?!!

FUMA027Where stories live. Discover now