Chapter TWENTY THREE: Only Hope

5 2 0
                                    

Chapter TWENTY THREE: Only Hope



Nang matapos na ang party ay nagpasya na lamang akong sumabay sa kotse ni JB (tinatamad na kong magskateboard pauwi) at kasama namin sina Bambam at Junior na kapwa nasa backseat..

"Hoy Bambam! Bakit mo kinain yung slice ng cake ko?!!" apela ni Junior na pinupukpok pa talaga ng mga lobo si Bambam.."WAG KANG MATAKAW! Tataba ka niyan?!"

"Ano ka ba?! Tinutulungan lang naman kitang wag magka-diabetes, dapat nga thankful ka pa!" sumagot pa talaga ang tiyanak.

"Wag kang mag-alala..SLIM ..I repeat SLIM na talaga ako since birth!" mayabang na sagot ni Junior at natawa na lamang kami ni JB sa dalawang toh.

...

"Gusto mo bang buksan ko ang bintana ng kotse?" nakangiting alok ni JB nang mapansin niyang nakatingin ako sa labas.

"Wag na tay, tinitignan ko lang kung maganda ang view kapag gabi.." sagot ko't tumango na lang siya.

Ang totoo niyan.. bigla kong naalala si Fuma. Palagi siyang namamangha kahit sa mga simpleng bagay lang gaya ng streetlights..

NASAN' NA KAYA SIYA NGAYON??..

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Maya-maya pa'y nakarating na rin ako sa tapat ng bahay..

"Goodnight Mark.."

"Night Mark!"

"Goodnight guys.." nakangiting paalam ko sabay baba ng kotse.

..
...

Nagpaalam na ako kaninang umaga pa kina dad and mom na gagabihin ako kaya expected na nila..

Pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko sabay lock ng pinto..

"Geez.. I'm so tired.." sambit ko sabay hilot ng batok ko.

Napaupo na lamang ako sa gilid ng kama't tinanggal ang sapatos at medyas ko. Sabay hubad ng polo ko't nagpalit ng itim na sando..

"Pssstt!"

MAY SUMITSIT!

Bigla akong napalingon sa paligid!

Napatayo ako't agad na sumilip sa labas ng veranda! PERO WALA AKONG NAKITA!

"Pssstt!"

Napalingon ako sa likod ko!

PERO WALANG TAO!

"Pano' toh napunta dito??!" gulat na bulalas ko pagkakita ng gintong ngipin sa sahig!

Agad kong pinulot ang gintong ngipin habang patuloy na nagmamatyag sa paligid..

Napabuntong hininga ako.."Ano namang gagawin ko sayo ngipin ka??"

Sa pagkakaalala ko kasi, hindi naman gagana ang kapangyarihan nito kung hindi nakapatong ang mga kamay ni Fuma sa ibabaw. Kailangan ang presensya ng nagbigay at ng pagbibigyan nito..

..
...

SO, ANO BA TALAGA ANG GUSTONG PALABASIN NG GINTONG NGIPIN NA TOH??!

Bigla akong natigilan at napaisip.. "Gagana ka pa rin ba kahit wala si Fuma?.."

TUTAL, WALA NAMANG MAWAWALA..

Pumikit ako't ipinatong ang gintong ngipin sa palad ko..

"Fuma.. sana naririnig mo ko.." nakangiting sambit ko.."I wish sana bumalik ka na samin Fuma.. Bumalik ka na dito sa piling ko.. sa tabi ko.."

"Mahal na mahal kita Fuma.."

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko..

..
...

"Sino bang niloloko ko??!" dismayadong sambit ko pagkakita sa gintong ngipin, GINTO PA RIN ANG KULAY O'?!!

"Ang tanga mo Mark! TANGA TANGA MO!"

Sa sobrang inis ko'y itinapon ko palabas ang gintong ngipin..

"WAG MO KONG PAASAHING NGIPIN KA!" sigaw ko't napabuntong hininga na lamang ako.."Ang hirap umasa!.. masakit .. sobrang sakit.."

Napahiga na lamang ako't tahimik na pinagmasdan ang kisame.. ANG PANGET PALA NG ILAW KO??!

"Nababaliw na ba ko?.."

Bakit hindi ko man lang nagawang iparamdam kay Fuma na mahal ko siya? Sa maikling panahon na pinagsamahan namin, palagi ko na lang siyang pinapagalitan, sinisigawan, sinusumbutan.. pinapalayas..

Tinatawag siya ng kung anu-ano.. ALIEN.. Unknown Foreign Person.. Multo.. Baliw.. Isip-bata..

Nang mga sandaling yun ay naramdaman ko na ang salitang "HOPELESS.."

Dapat na nga ba talaga kong sumuko at hayaan na lang na burahin ng panahon ang ala-ala ko kay Fuma?..

A
Y
O
K
O

P
A
N
G

K
A
L
I
M
U
T
A
N

S
I

F
U
M
A
0
2
7

..
...

Bakit ba ang tigas ng ulo kong toh?!

Mas mabuti pa sigurong matulog na lang ako..

PERO SANA PAG-GISING KO MAKALIMUTAN KO NA LANG SIYA..

Marahil ay tama nga si tatay JB.. I just have to face the truth.. the reality..

"Iisipin ko na isa ka na lang sa pinakamagandang panaginip ko Fuma.." sambit ko sabay pikit ng mga mata ko't tuluyang natulog..

FUMA027Where stories live. Discover now