Chapter TEN: Junior
Ewan ko ba kung san' na naman ako dadalhin ng babaeng toh?!!
Nang makarating na kami sa park ay bigla na lang siyang huminto sa paglalakad..
"Bakit ka huminto?" nagtatakang tanong ko't parang biglang lumungkot ang mukha niya.."May problema ba Fuma?"
"Si Junior.." malungkot na sambit ni Fuma sabay lakad palapit sa swing.
"Junior? Si Junior ba ang sunod na misyon mo?" tanong ko't tumango lamang siya.
"Hanggang ngayon..hindi pa rin alam ni Junior ang totoong nangyari kay Hachi" sagot niya.
"Sino ba talaga si Hachi?" nagtatakang tanong ko.
"Pinakamatalik na kaibigan ni Junior, ang alaga niyang aso mula pa nung pagkabata" sagot ni Fuma't napatango na lamang ako.
BAKIT KAYA HINDI YUN NAKWENTO SAKIN NI JUNIOR??
"Nasan' na si Hachi ngayon?" tanong ko.
Hindi agad sumagot si Fuma, sa halip ay naupo lang siya sa swing..
"Fuma?.."
"Nandito siya sa ilalim ng kinauupuan ko.."
"DYAN?!!" bulalas ko't tumango lang siya.."Teka pano' ka naman nakakasigurado??"
"Di ba sabi mo nga ALIEN AKO??!"
"So inaamin mong alien ka nga??" paglilinaw ko't napakamot lang siya ng ulo.
"Bahala ka na lang kung anong gusto mong isipin.. Basta ang mahalaga ngayon ay malaman ni Junior ang nangyari kay Hachi, OK??!" sagot ni Fuma na parang naiirita na naman saakin.
"Okay fine! Pano' naman natin gagawin yun?" tanong ko't dali-dali siyang lumapit sakin.
"Gumawa ka ng paraan para mapapunta rito si Junior, pero siya lang ah?!" sambit niya't napaisip naman ako.
"Eh palagi silang magkadikit ni JB?! Pano' ko naman mapaghihiwalay ang kambal tuko na yun?!" sagot ko't bigla niyang hinawakan ang dalawang kamay ko.."Di ko kaya!!"
"KAYANIN MO KUYA!" determinadong sagot niya.."Gagawin ng sementado ang lugar na toh' bukas!"
"BUKAS??! AGAD-AGAD!!" bulalas ko't panay tango naman siya.."Pano' mo na naman nalaman yun?! Ginamitan mo na naman ba ng vision-vision powers?!!"
"SHUNGA! Nagtanong ako dun sa taga-construction.." sagot niya.
"Aba't tinatawag mo na ko ngayong shunga ah?!!"
"Si Bambam nagturo sakin nun'.."
"Wag ka ngang masyadong magpapaniwala kay Bambam?!! Si BEST ACTOR yun eh.." sagot ko't tinignan niya lang ako ng masama.."O' bakit na naman?!"
"Mark, bakit ba masyado mong inaaway si Bambam? Di ba bestfriend mo siya?" tanung niya't natigilan ako.
BAKIT? MASYADO KO NA BANG GINIGISA SI BAMBAM??!
"Huh??! Ganun lang talaga kami mag-asaran noh?! WAG KA NGA!" sagot ko't tila nag-isip muna siya.
"Tsaka na lang natin pag-usapan si Bambam!" bulalas niya sabay hawak ng magkabilang braso ko.. "DALHIN MO DITO SI JUNIOR NANG MADALING ARAW!"
"Wow ah?!! Alas-dyes na ang pinakamaagang oras para sakin!" sumbat ko.."Bakit ba masyado kang nagmamadali?? May lakad ka??!"
"MARK NAMAN EH!!" sigaw ni Fuma na nagdadabog na parang bata!
"Hoy wag ka ngang magwala dyan!" awat ko pero ayaw niya talagang tumigil sa pagtalon!
PANO' KO BA AAWATIN ANG ISANG TOH?! WALA NGA KONG KAPATID NA MALIIT?!! SIYA PA KAYA!
"PAPAYAG NA YAN! PAPAYAG NA YAN!!" paulit-ulit niyang sigaw.
"A-YO-KO! AYOKO! AYOKO!!!" pagmamatigas ko."Papayag na yan.." sambit niya na may nakakalokong ngiti sabay hawak sa magkabilang pisngi ko!
HINDI BA ALAM NG BABAENG TOH' NA KINIKILABUTAN AKO SA MGA GINAGAWA NIYA?!!
"AYOKO NGA!" sigaw ko habang pilit kong inaalis ang mga kamay niya.."Wag kang makulit ah?! Kung gusto mo alas dyis na lang ng umaga!"
"WALA DAPAT MAKAKITA!" sagot niya.
"Bakit, ano na namang magic ang gagamitin mo?!!" tanong ko't bumulong siya sa tenga ko.
~bulong~bulong~bulong~
"WHAT?!!" bulalas ko sabay tingin sakanya ng nakakaduda.."WEH?? Kaya mo talagang gawin yun?!"
"Oo naman..dalawang bagay lang naman ang hindi ko pwedeng gawin eh.." sagot niya na biglang sumimangot.
"Ano naman yun??"
"Ang bumuhay ng patay..tapos.."
"Tapos??" tanong ko. PASUSPENSE PA?!
"Tapos.." sambit niya sabay titig sakin.."Ang magmahal.."
Nang mga sandaling yun nakaramdam ako ng lungkot..
"Ganun ba?.." sambit ko sabay tingin sa malayo.."Bakit naman bawal kang magmahal?? Parang unfair naman yun sayo di ba?! Sa opinyon ko lang naman?!.."

YOU ARE READING
FUMA027
FantastikFUMA027 by yamadarie Mark Yuan (normal teenage boy) suddenly meets a girl with a very mysterious identity, Fuma (whom he believed is an alien or what he calls UFP: Unknown Foreign Person) in a bridge. He is bound to help her to fixed ten peo...