Chapter THREE: BANGIN

11 2 0
                                        

Chapter THREE: BANGIN


Nang sumunod na araw..

"Magandang umaga mga kaibigan nandito po tayo ngayon sa pinangyarihan ng isang malagim na aksidente four years ago.. Kung saan dito po mismo sa kinatatayuan ko nahulog ang kotse ng mag-asawang Kang--"

"Ano na naman bang pinaggagagawa mo Bambam?!!" bulalas ko sabay hablot ng bottled water na hawak niya.

"HOY MIC KO YAN!" sigaw ni Bambam sabay agaw sakin.

"Feeling news reporter??" sumbat ko't inirapan niya lang ako.

"Wag ka nga! Ito ang unang daan sa pagiging artista ko noh?! Kailangan kong humarap sa camera.."

"Nasan' naman ang camera?" natatawang tanong ni Fuma.

"Sssshh! Hidden camera yun Fuma, ganyan talaga pag nasa showbiz may mga paparazzi.." seryosong sagot ni Bambam nang bigla na lang siyang nauntog sa isang puno!

"Hala ka nakunan ka ng hidden camera mo" natatawang sabat ni Jackson..Sa wakas, nakikisama na rin ang isang toh..

"OUCH!!!" sigaw ni Bambam na nagawa pa talaga magpacute.."Kailangan pogi pa rin ako kahit nauntog ako noh..AGUY KO!!"

"ADIK!"

Habang nagtatawanan kami'y tila napansin ko ang biglang pagseryoso ng mukha ni Jackson..

"Bro.." sambit ko sabay tapik sa kanang balikat niya.."Malalaman rin natin kung anong totoong nangyari sa mama mo"

"Pero pano' naman?" seryosong tanong niya't medyo natigilan ako.

Nang bigla na lang akong napalingon kay Fuma na tila tahimik na nagmamasid sa paligid..

"Alam kong mahahanap niya ang sagot.." nakangiting sagot ko't napalingon siya sa direksyong tinitignan ko.

"Mark.." sambit ni Jackson na tila sinisenyasan akong lumapit sakanya.

Agad ko namang nilapit ang tenga ko sakanya..

Nang biglang..

"BABAERO!!!" malakas na sigaw niya sabay tawa ng malakas.

"HOY! Nabasag ang eardrums ko dun ah?!!" apela ko't bigla niya kong inakbayan.

"Hoy hoy Mark, wag na wag kang mamangka sa dalawang ilog.."

"Alalay ko lang yan si Fuma!"

"Wala naman akong sinasabing pangalan ah?! BANG!" pang-aasar ni Jackson.

"Siya lang naman babae dito! Kaya alam kong siya ang tinutukoy mo?!" naiinis na sagot ko.ASAR!

Sa sobrang pagkaasar ko'y nagwalk out na lang ako't naglakad palayo sa tatlo..

PWEDE BA KONG UMAPELA??! Hindi naman sa napaka-iritable ko na parang isang babaeng alam niyo na, EHEMM..Malambot lang talaga ang puso ko okay, sa sobrang lambot kapag tinusok mo masasaktan agad..

ANG LALIM NA BA NUN? Hindi ako humuhugot ah?!!

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Teka??" sambit ko nang napansin kong napalayo na ata ko.."Naliligaw na ba ko?"

"BAMBAM!!"

"FUMA!!"

"JACKSON!!"

Paulit-ulit akong sumigaw hanggang sa namalat na nga ang lalamunan ko.. BAD TRIP NAMAN!

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa may narinig akong kaluskos mula sa likod..

"Sinong nandyan?!!"

Nilakasan ko na ang loob ko't lumapit ako sa mga gumagalaw na halaman..GRABEH ANG KABOG NG DIBDIB KO! Akala ko sa t.v. lang may nagaganap na mga ganito ka-intense na eksena..

AKALAIN MONG NASINGIT KO PA YUN??

"GgGGRR!!"

ALULONG BA YUN NG?!!..

"AAAHHH!!" napatalon ako sa takot at akmang tatakbo.

Nang biglang..

"BWAHAHAHAH!!!"


"KAYO?!!" bulalas ko pagkakita sa hindi lang isa, KUNDI DALAWANG UNGAS!

Sina Junior at JB, mga katropa din namin ni Bambam. ANO BANG GINAGAWA NILA DITO?!!

"Mga taksil kayo!" galit na bulalas ni Junior.

"HUH?? Ano bang sinasabi mo?" nagtatakang tanong ko't bigla kong kwinelyuhan ni JB.. "Teka lang JB?!!"

"Bakit kasama niyo ni Bambam si Jackson Kang?!!" galit na tanong niya't nagulat na lamang ako.

"Teka pano' niya nalaman yun??"

Lumapit sakin si Junior sabay labas ng cellphone niya..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Ay anak ng tupa!" bulalas ni Junior sabay kamot sa ulo.."JB pinalitan mo na naman ba ang password ng cellphone ko?!"

Bigla akong binatawan ni JB sabay harap kay Junior..

"OO! Bakit may angal ka?!" parang sigang sagot ni JB, terorista talaga ang isang toh!

"Bakit mo naman pinalitan ang password?!! Cellphone ko toh eh!" padabog na sumbat ni Junior.

"Nakakalimutan ko kasi yung password mo.Naglalaro pa naman ako ng zombie smasher.." biglang mabait na sagot ni JB.."Peace na tayo"

FUMA027Where stories live. Discover now