Chapter SEVEN: A Brother's Love
Nagpatuloy na nga kami sa paghahanap kay Fuma..
Nang biglang may lumabas mula sa puno!
"AAAAAAAAHHH!!" napasigaw kami sa sobrang gulat!
SI FUMA LANG PALA! SUS MARYOSEP!
"Ilang araw na tayong magkakasama nagugulat pa rin kayo sakin??" sambit ni Fuma na nakabaliktad pa talagang nakasabit sa sanga ng puno!
"Eh bigla ka na lang kasing sumusulpot! Malapit na talaga kong atakihin sayo sa puso!" bulalas ko't napakamot lang siya ng ulo.
"Naririnig ko kasing hinahanap niyo kong lahat eh?!" sagot niya sabay baba ng puno.."Kaya etoh' nagpakita na ko sainyo"
"O' Mark magsorry ka na kay Fuma!" sambit ni Bambam sabay tulak sakin paharap kay Fuma.
"TEKA?!! Bakit naman ako magsosorry sakanya?!" apela ko't bigla niyang piningot ang tenga ko.."ARAY KO NAMANG TIYANAK KA!"
"Nagka-cutting classes lang ako pero hindi ako bingi! Ang sabi mo kanina magsosorry ka di ba?!!" sumbat sakin ni Bambam at di na ko nakasagot pa.. OO NA SINABI KO NA NGA YUN!!
Kaya dahan-dahan akong lumapit kay Fuma.."Gusto ko sanang humingi ng tawad sa mga masasakit na salitang binitawan ni Sonia sayo.." seryosong sambit ko kay Fuma.."Hindi tagos sa ilong tong' mga sinasabi ko ah?!!"
"Okay lang kuya..gaya nga ng sabi ko, ginagaya ko lang ang mga kilos o emosyon ng mga tunay na tao.." nakangiting sagot pa talaga ni Fuma.."Nang mangyari kasi yung mga eksena kanina, naalala ko yung napanuod ko sa t.v. sa bahay niyo. Kaya naisip ko na dapat iiyak na din ako dun sa parteng nagbibigay na ng masasakit na salita yung kaaway.."
Natameme na lamang kami ni Bambam sa mga sinasabi ni Fuma..SERYOSO BA SIYA??!
"WOW naisip mo pa talaga yun?!!" sambit ni Bambam na pumalakpak pa talaga.."Wag kang mag-alala ire-recommend kita na maging leading lady ko kapag nasa showbiz na ko! BRAVO!"
Adik talaga tong' si Bambam at sobrang weird naman nitong si Fuma.. PERFECT TANDEM NGA..
..
...
"Pero bakit tinigil mo pa yung oras kanina?" nagtatakang tanong ko kay Fuma.
"Turo kasi sakin ni Bambam, mag-internalize daw muna ako..""Sus ginoo! Alam mo bang nakunsensya ako ng sobra-sobra kasi akala ko nasaktan ka talaga?!!" inis na sumbat ko't bigla niyang kinurot ang magkabilang pisngi. ANO NA NAMAN BANG GINAGAWA NG BABAENG TOH?!!
"Wag ka ng magalit sakin kuya.. sige ka, baka mabawasan ang kagwapuhan niyan?!! Smile na kasi.."
"Tama siya tol', masyado ka atang bugnutin ngayon ah?!! Hala ka! Wag mong sabihing nahahawa ka na sa kasungitan ni Sonia?!!" sabat ni Bambam.
"Tigil-tigilan niyo na nga kong dalawa?!! Tara, bumalik na tayo sa home base!" sagot ko't biglang hinawakan ni Fuma ang braso ko.."Bakit na naman ba??"
"Kailangan ko muna ang tulong niyong dalawa!" sagot ni Fuma sabay lingon saming dalawa ni Bambam.
"Sure! Ano bang tulong ang gusto mo baby ko?? Basta wag lang pera ah?! G na G ako ngayon.." sambit ni Bambam.
"Anong ibig sabihin ng G na G??" nagtatakang tanong ni Fuma't biglang nag-emote ang loko!
"Grounded na GINIGIPIT PA!" bulalas ni Bambam sabay hawak sa noo.. "Ang saklap talaga ng kapalaran ko!!""Ginigipit ka pala ni tita?? Di ko alam yun ah?!" sabat ko sabay irap sakanya.."Palibhasa kasi lagi kang nagka-cutting classes!"
"WOW, nagsalita ang masipag pumasok??" sumbat ni Bambam.
"Hoy para sabihin ko sayo kahit palagi akong absent napeperfect ko pa rin ang mga exams ko noh?!!" sagot ko sabay belat sakanya.
"NANGONGOPYA KA KASI KAY JB!" sigaw ni Bambam.
"ASA KA!" bulalas ko.. "HINDI--"
BIGLA NA LANG AKONG NAWALANG NG BOSES?!!
Pati si Bambam nawalan rin ng boses!
"Ang ingay niyo kasing dalawa.." sambit ni Fuma sabay hawak sa mga ulo namin.. "Kung tutuusin, parehas lang naman kayong mahilig lumiban o tumakas sa klase. MAGBAGONG BUHAY NA KASI KAYO..Gayahin niyo si kuya JB na masipag mag-aral pero nagagawa niya pa ring maging magaling na lider para sainyo. Si kuya Junior kahit na may pagka-conservative nag-aaral pa rin ng mabuti. Kung kaya nila, KAYA NIYO RIN!"
Maya-maya pa'y nagkaboses na din kami..
"WOW..talo mo pa magsermon ang mama ko.." sambit ko't ngumiti pa talaga siya?!!

YOU ARE READING
FUMA027
FantasiFUMA027 by yamadarie Mark Yuan (normal teenage boy) suddenly meets a girl with a very mysterious identity, Fuma (whom he believed is an alien or what he calls UFP: Unknown Foreign Person) in a bridge. He is bound to help her to fixed ten peo...