Chapter FOUR: Campfire
Nang nasigurado na naming wala na talagang baboy ramo ay bumaba na rin kami yun nga lang.. DIS ORAS NA NG GABI!
"Pano' na yan? Nandun sa taas yung van?!" bulalas ni Bambam.
"Alanganin na kung aakyat pa tayo dyan'.. masyadong malalim ang bangin na toh" sabat ko't sumang-ayon naman sila.
"Kung ganun' dito na tayo magpapagabi.." sagot ni JB at biglang tumingin kay Fuma.. "Ayos lang ba sayong puros lalaki kaming makakasama mo ngayong gabi?"
"Okay lang naman po.." nakangiting sagot ni Fuma't biglang hinablot ni Jackson ang kamay niya.
"Sakin ka na lang tumabi, safe na safe ka pa.." sabat ni Jackson sabay pakita ng mga braso niya.."You see that?? Hawakan mo pa!"
"Sakin tatabi si Fuma kasi mas close na kami ngayon.." sabat naman ni Bambam sabay alis ng kamay ni Jackson.."Di ba Fuma??"
"Wag na kayong mag-away guys.." isa pa tong' si JB. Bigla niyang inalis ang kamay ni Bambam sabay akbay kay Fuma.."Sa palagay ko mas safe siya kung katabi niya yung lider.."
ANONG NANGYAYARI SA MGA TOH??
"Hayaan niyo na lang mamili si Fuma.." sabat ni Junior.."Pwede mo kaming piliin lahat pwera lang si Mark"
"O' bakit ako na naman nakita mo??" naiinis na tanong ko kay Junior.
"HELLO?? Lahat kami single, ikaw lang taken dito?!" sumbat ni Junior sabay tapik-tapik sa balikat ko.."Kaibigan ka namin tol' kaya hindi ka namin hahayaan magkasala."
"Ano bang pinagsasabi mo?!! Bahala na nga kayo.." nayayamot na sagot ko.
HELLO?!! Mukha ko bang type ang UFP na yan?!
Habang naghahanda kami para matulog..
"Bambam anung ginagawa mo?" tanong ko habang pinagmamasdan silang dalawa ni Fuma na parang mga batang nasa discovery channel.
"Tinuturuan ko si Fuma kung pano' gumawa ng apoy.." sagot niya sabay angat ng dalawang bato.
"Aapoy ba talaga yan??" tanong ni Fuma.
"Oo naman! Watch and learn!"
"Hay naku, wag kang makinig dyan'.." sabat ni JB sabay upo sa isang malaking ugat ng puno.. "Palagi yang nagka-cutting classes sa Science.."
"Oy hindi ah!" apela ni Bambam.. "Sa Math class lang naman..tsss!"Habang kinukuskos ni Bambam ang dalawang bato'y bigla na lang itong nagliyab!
"WOW! Ang galing ko!!" tuwang-tuwa na bulalas ni Bambam.
"Oo nga!" masayang sagot ni Fuma na pumapalakpak pa talaga. MGA ISIP BATA BA TOH??!
Pero sinasabi ng instict ko, si Fuma lang naman may gawa nun.. Bakit ba kay Fuma ko na lang laging tinuturo ang lahat noh??! Eh sa alam kong ALIEN SIYA DI BA?!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Okay nagiging weird na din ako..tsk.tsk.
Nang makagawa na kami ng apoy, MULA SA MGA KAHOY AT DAHON NA PINULOT NINA JACKSON. Nung nag-apoy kasi yung Bambam stone namatay rin naman agad..
P.S.
Sakin yung donation na lighter..
"Buti na lang saklay-saklay ko lagi tong' camping bag ko.." sambit ni Junior habang isa-isa kaming binibigyan ng pagkaing bitbit niya.
"Oo nga, good job Junior!" papuri sakanya ni JB.
"Jackson may dumi ka sa mukha.." sambit ni Fuma sabay alis ng dumi.
"Thank you.." nakangiting sagot ni Jackson nang bigla na lang pumagitna sa kanila si Bambam..LOVE TRIANGLE BA TOH??!"Fuma sino bang pinakagwapo saming lima?" biglang tanong ni Bambam.. "Sa palagay mo lang naman.."
ANUNG KLASENG TOPIC YAN??
"Hmm.. ang totoo kasi niyan, lahat kasi kayo pare-parehong gwapo" nakangiting sagot ni Fuma.
"Sino na lang ang pinakapanget samin?" tanong ni Junior kay Fuma.
"Siyempre wala, para kasi sakin.. Iba-ibang klase yung kagwapuhan ng bawat isa sainyo"
"Sige nga.." sabat ni JB sabay turo kay Jackson.. "Anong klase yung kagwapuhan ni Jackson para sayo?"
"Si Jackson.. kahit mukha siyang bad boy manamit, ang cool niya pa din. Mukha siyang modelo.."
"WOAAAHH"
"Ehemm.." tanging nasambit ni Jackson, PA-HUMBLE EFFECT PA TOH. Pustahan, pumalakpak ang tenga niya dun?!
"Di nga??" bulalas ni Bambam sabay turo sa sarili.. "Eh ako?"
"Ikaw naman Bambam, sobrang cute mo!" sagot ni Fuma sabay pisil sa pisngi ni Bambam.."Napaka-baby face mo, nakakagigil!"
"Sige na durugin mo ng mukha niya!" sigaw ni Junior at natawa na lamang kami.
"Wag Fuma! Mababawasan ang cute sa mundo?!!"
YOU ARE READING
FUMA027
FantasiFUMA027 by yamadarie Mark Yuan (normal teenage boy) suddenly meets a girl with a very mysterious identity, Fuma (whom he believed is an alien or what he calls UFP: Unknown Foreign Person) in a bridge. He is bound to help her to fixed ten peo...