Chapter Two: JACKSON
Kinaumagahan..
Ewan ko ba kung bakit sobrang aga kong nagising? Nasaniban na rin ata ako ng masamang espirito..
Pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto..
"GOOD MORNING SIR!!"
Anak ng tinapa! Ginulat naman ako ng Fuma na toh?!!
"Ano na naman bang nakain mo?!! Umagang-umaga!" sarkastikong tanong ko. Eh pano' ba naman kasi nakadamit pangkatulong naman ngayon?!!
"Eh katulong ang gusto kong gayahin ngayon kuya..heheh"
"Kagabi ka pa ah?! Wag na wag mo nga kasi akong tatawaging kuya!" sumbat ko.
"Alangan namang tawagin kitang ate??"
"Namimilosopo ka pa talaga ah??" masungit na sagot ko nang bigla na lang lumabas si mama mula sa kwarto niya.
"Mark, sinisigawan mo ba si Fuma?" tanong sakin ni mama.
"HUH?? Kilala niyo siya?!!" bulalas ko't tinignan lang ako ng masama ni mama.
"Palibhasa kasi madalang ka lang umuwi ng bahay kaya di mo kilala ang mga bagong katulong natin dito?!"
Napalingon lang ako kay Fuma na nagawa pa talagang kumindat sakin. AKO NA NAMAN BA ANG MASAMA RITO?!! TSSSKK!!"Fuma ipaghanda mo na lang ng makakain ang sir Mark mo.." utos ni mama.
"Opo ma'am.." nakangiting sagot ni Fuma't naglakad na pababa si mama.
Nang naiwan na kami ng alien na to'y agad kong hinawakan ang magkabilang braso niya..
"Tandaan mo.. Wag na wag kang magpapakita kay Sonia na nakaanyong babae o bilang si Fuma ah?!" seryosong sambit ko't tinitigan niya lang ako ng matagal. ANO NA NAMAN BANG PROBLEMA NITO?!!
"O' bakit ganyan ka makatitig sakin ah?!" naiiritang tanong ko't tinuro niya ang mga mata ko.
"May muta ka pa kuya, magkabilaan pa o'?!"
PAHIYA AKO DUN AH?!!
"HUH?? Ah-- hindi yan muta noh!" palusot ko sabay kusot ng mata ko.
"Eh anong tawag mo dyan??" nang-aasar pa talaga!
"MORNING GLORY YAN! O EYE WAX!" sagot ko't bigla siyang napakamot ng ulo.
"Morning glory, eye wax.. di ba muta rin naman ang ibig sabihin nun??!"
"Tumigil ka na nga!" inis na bulalas ko sabay turo sa baba.. "Ipaghanda mo na nga lang ako ng makakain.. NAGUGUTOM NA KO!"
"Bakit parang nagbablush ka kuya?"Sa hapag kainan..
"Hayysst.." napabuntong hininga na lamang ako habang pinagmamasdan ang madaming nakahaing almusal.
Kung kayo bang tatanungin ko gaganahan pa ba kayong kumain kung mag-isa ka lang na nakaupo sa pagkahaba-habang mesang toh'..
Nang biglang..
"Hi bro!"
Napalingon ako sa nagsalita..
"Bambam??!" gulat na bulalas ko't bigla niya kong inakbayan.
"Uy daming foods!" sambit niya sabay pulot ng tinapay.
"Teka nga ikaw ba talaga si Bambam??" pagdududang tanong ko't bigla siyang tumawa.
"Adik ka na ba ngayon bro?!!" sagot ni Bambam sabay subo ng tinapay. WALANG DUDA, si Bambam nga toh.
"TSSS! Umupo ka na nga lang dyan.." sagot ko't bigla siyang pumatong sakin.. "Hoy Bambam,anong ginagawa mo?!!"
"Sabi mo umupo ako dito??"
ISA PA TONG' PILOSOPO!
Napalingon ako sa mga nakahanay na mga maids..Pinagtatawanan ba nila kami?!!
"Bakit kayo tumatawa?!" seryosong tanong ko't bigla silang nagsiyuko.. PWERA LANG SA ISA.
"Ang sweet niyo po kasing dalawa..BAGAY KAYO SIR.." sagot ni Fuma."Anong sabi mo?!!" bulalas ko kay Fuma't bigla akong niyakap ni Bambam.. "Hoy bitiwan mo nga ko!"
"I love you bro' muwwaaaah!" pang-aasar ni Bambam sabay halik sa pisngi ko't tumawa ng malakas si Fuma!
"Ang cute talaga!" tuwang-tuwang bulalas ni Fuma.
"Fuma tama na kasi!" awat sakanya ng mga ibang katulong.
MAY MGA SALTIK NA TALAGA MGA TAO DITO!!
Napabuntong hininga na lamang ako habang inis na inis sa bubwit na nakapulupot sakin. Si Bambam Thong, masasabi kong isa sa pinakaloyal kong kaibigan at pinakabata na rin. Masyado talaga tong' malambing kahit na may katangkaran..ANUNG CONNECT??
"Ang puti naman ng maid niyo?!" nakangiting sambit ni Bambam na kumakaway-kaway pa kay Fuma. At etoh namang si Fuma kumaway din. KUNG TOTOO TALAGA SIYANG MAID, malamang sinisante ko na toh!
Nang umayos na ng upo si Bambam..
"Oy Bam, samahan mo ko mamaya.." sambit ko sabay tingin ng masama kay Fuma. Nasesense kong malapit na kong mawala sa katinuan kung itong alien na lang ang palaging kausap ko..TSS!

YOU ARE READING
FUMA027
FantasiaFUMA027 by yamadarie Mark Yuan (normal teenage boy) suddenly meets a girl with a very mysterious identity, Fuma (whom he believed is an alien or what he calls UFP: Unknown Foreign Person) in a bridge. He is bound to help her to fixed ten peo...