Chapter FIVE: YUGYEOM

10 2 0
                                        


Chapter FIVE: YUGYEOM


Nang sumunod na araw..

"AAAAHHHH!!!!"

Nagising kaming lahat sa sigaw ni Junior!

IBANG KLASENG ALARM CLOCK YUN AH?!!

"Anong problema Junior??!" nag-aalalang tanong ko't bigla niyang tinuro si Bambam.

"Yang' baby tiyanak na yan nilawayan ang jacket ko!" bulalas ni Junior sabay tingin ng masama kay Bambam.."HOY GALING PA YAN NG KOREA!!"

"O' etoh.." sagot ng tila inaantok pang si Bambam sabay abot ng jacket niya.. "Pamalit muna sa jacket mo, galing divisoria..Made in China naman yung nakasulat diyan eh!"

"BAMBAM!!!"

Maalaga talaga kasi yang si Junior sa mga gamit niya't masinop.. Madami nga yang titulo eh.. Mr. Kilatis, Mr. Conservative, Boy Duda etc.

"Awat na muna kayo guys.." sambit ni JB na pumagitna sa dalawa.. "Buti pa mag-almusal na muna tayo, pampawala ng init ng ulo."

"San' naman tayo kukuha ng almusal?" tanong ko't bigla kaming napalingon lahat kay Junior.

"Ubos na ang food supply ko noh?!!" bulalas ni Junior.

"Akala ko ba ikaw si Doraemon??" pabirong tanong ni Jackson.

"Nawawalang kamag-anak ko lang si Doraemon noh?!" sagot ni Junior at natawa na lang kami.

"Marami akong dinalang pagkain..kaso nandun o'!" sambit ni Fuma sabay turo sa van na nasa taas.

"Ang mabuti pa, may dalawang aakyat satin para kumuha ng pagkain tapos yung iba magsimula ng maghanap ng mga clues!" bulalas ni Bambam.

"Sa wakas may nasuggest ka ding' matino.." sagot ni JB't umabot tenga na naman ang ngiti ni Bambam.. "Mark, Bambam kayo na lang umakyat"

"Teka??! Hindi naman ata makatarungan yun! Ako na nga tong' nag-isip ako pa tong' aakyat?!! NASAN' ANG HUSTISYA??!" apela ni Bambam.

"Shut up.." sambit ko sabay hila sa kuwelyo ng damit niya.

"Bakit ba lagi niyo na lang akong inaapi?!!" parang batang nagdadabog na sigaw ni Bambam.

"Ganyan talaga ang mga bidang artista, inaapi sa umpisa.." sagot ni Jackson.

"Talaga??!" sambit ni Bambam na bigla na lang ngumiti ng matindi.. "O' sige na nga! Sa ngalan ng showbiz career ko!"

UTU-UTO LANG?? Parang bata talaga tong' si Bambam..tsk.tsk.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
KAYA ETOH, naglakad na nga kami pabalik sa taas.. medyo matarik ang daan kaya inabot kami ng siyam-siyam!

"Mark may crush ka ba kay Fuma??" biglang tanong ni Bambam.

"CRUSH?!! Nakalimutan mo na bang alien yun? Pano' naman ako magkakagusto sa isang alien noh??" sagot ko't tinapik-tapik niya ang balikat ko. HINDI BA SIYA NANINIWALA?!

"Pero maganda siya para sa isang alien di ba?! Tsaka no offense, mas gusto ko siya para sayo kesa kay Sonia.." sambit niya't bigla kong natigilan.. "Kasi si Sonia, o.a. sa pagka-conservative, tapos di ba ayaw niyang sumasama ka palagi samin kasi MGA BAD BOYS DAW KAMI?!! Ano bang nakita mo sa babaeng yun ah?!"

"Gusto siya ng parents ko, okay?!!" sagot ko sabay lakad palayo.."Itatakwil daw kasi nila ko kapag hindi ko pinakasalan si Sonia.."

"Eh mahal mo ba talaga si Sonia?.." seryosong tanong ni Bambam na hinawakan pa talaga ang magkabilang braso ko.

"Mahal ko na rin si Sonia noh?!!" bulalas ko sabay alis ng mga kamay niya sa braso ko.


"Alam mo, pakiramdam ko napipilitan ka lang.." seryosong sambit sakin ni Bambam.

"Bambam, natutunan ko na ring mahalin si Sonia tsaka kahit ganun siya mabait naman talaga siya babae.." seryosong sagot ko sabay tuloy ng paglalakad.. "Bilisan na natin at baka mamatay na sa gutom yung mga yun"

Tumango na lang siya't sumunod saakin..

Sa totoo lang guys, mabait naman talaga si Sonia..HINDI YUN TAGOS SA ILONG AH?!! Masyado lang talaga kasi siyang pinalaking prinsesa ng mga magulang niya, uni ka iha kasi. Wag kayong judgemental, okay??

Nang makarating na kami sa taas ay agad naming kinuha ang mga pagkaing nasa cooler..

"Oy!" bulalas ko pagkakita kay Bambam na nilalantakan ang mga cookies.. "Baka naman hindi na yan makaabot sa kanila ha?!!"

"Relax, makakaabot toh'..TOMGUTS NA KASE KO?!!"

"Ewan ko sayo.. Bahala ka dyan' " pagsusungit ko sabay buhat ng isang malaking eco bag.. "Tara na!"

Bababa na sana ulit kami..

Nang..

*BEEP!BEEP!BEEP!*

"Di ba kotse yan ni--" gulat na bulalas ni Bambam.

FUMA027Where stories live. Discover now