-Chapter Eight-

39 3 0
                                    


NAKATAYO SILA SA DOCK at hinihintay ang pagkakataon nilang makasakay sa gondola. First time niya iyon kaya excited siya. Kaya lang tahimik si Enzo sa kanyang tabi.

Matagal-tagal na rin siyang nagpapatawa ngunit parang lutang ang isip nito. Hindi man lang nage-gets ang kanyang mga jokes.

"Hoy, Enzo." Marahan niya itong siniko. "Ayokong libutin ang Venice na parang may kasama akong autistic, pwede? Para kang tuod na may sariling mundo. Sa ibang araw mo na lang kaya ako i-tour?"

"Hindi, hindi. May iniisip lang ako."

Nagkibit-balikat na lamang siya. Wala na siyang magagawa kung trip nitong mag-contemplate habang inililibot siya sa Venice. Kanya-kanyang trip lang siguro.

Minabuti na lamang niya na manahimik habang hinihintay ang gondola na sasakyan. Hindi nagtagal ay dumating na ang kanilang pagkakataon.

Tahimik pa rin si Enzo kaya iniabot niya ang mga kamay sa bangkero upang tulungan siya nito sa pagsakay. Mukha kasing wala sa plano ng binata na alalayan siya.

Inihakbang niya ng malaki ang kanyang paa papunta sa gondola nang biglang hawakan ni Enzo ang kanyang braso at pinigilan siya sa pagsakay. "Wait!"

Muntik nang mawala ang balanse niya sa pagkagulat. Mabuti na lang at naagapan siya nito.

"Naman, Enzo," reklamo niya. Ibinalik niya ang paa sa dock para lang ipadyak iyon. "Bago ako tumapak sa bangka nag-suggest na akong huwag na tayong maglibot kasi mukhang wala ka sa mood. Hindi naman yata tama na kung kailan nandoon na ang kalahati ng katawan ko, saka magbabago ang isip mo."

"Shh," pigil nito sa mas mahaba pa sanang litanya niya. "Tumayo ka nang maayos."

Tiningnan niya nang masama si Enzo, "Ano ba ang sininghot mo? Para kang may katok sa utak."

"Umayos ka lang ng tayo," nagmamadaling utos nito.

Labag man sa loob ay sinunod niya ang sinabi nito para lang matapos na nito kung ano man ang gusto nitong sabihin o mangyari, para makapagsimula na rin siyang magreklamo.

"Ganyan ka lang, ha?" Hinawakan pa nito ang magkabila niyang balikat.

She rolled her eyes at him. "Oh, ano na?" Ititirik na sana niya ang kanyang mga mata sa direksyon ng langit nang makita niyang lumuhod si Enzo. Nanlaki ang kanyang mga mata nang kunin nito ang kanyang kaliwang kamay at isinuot sa kanyang daliri ang isang singsing.

Tumingala ito sa kanya. With a solemn expression on his face, he uttered the most exquisite words. "Kristen Claudelle Avila, will you marry me?"

Natigilan si Kristen. Para kasi iyong eksena sa isang romantic movie. Himalang nakisama ang kanyang tear glands at sakto ang timing ng nagbigay ng luha.

Nanlalabo man ang paningin ay sinalubong niya ang paningin ni Enzo. She was completely touched by what he did. She never thought he would go out of his way to make her feel this special.

"Che cosa?"

Iisang tanong ng mga tao sa paligid. Malamang na nakita ang pagluhod ni Enzo kaya naki-usyoso. Ultimo ang kanilang bangkero ay nakangiti habang hinihintay ang kanyang sagot.

"Si,"

aniya. "Yes, Lorenzo Armand Villeza, I will marry you."

"Congratulazioni! Felicitazioni!"

nagkakaisang sigawan ng mga tao. Lumapit pa sa kanilang dalawa ang mga ito para batiin at kamayan sila. Tila mga long lost friends nila ang mga ito na nakiki-celebrate sa kanilang engagement announcement.

TERRIFIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon